step 18

5K 133 6
                                    

Chins Pov

"Wow!", namangha ako sa nakita kong view sa pinuntahan naming lugar ni Ferd. Over looking ang buong City mula doon.
"Ang ganda!"

"You like it?", tanong niya na tumayo sa tabi ko.

Tumango ako, "Pano mo nalaman ang lugar na to? At bakit ngayon mo lang to pinakita sakin!", pagtatampo ko, "Ang tagal na nating magkaibigan ah."

"Kapag dinala kita dito noon baka magulat ka."

"At bakit?"

"This is where I shout my problems, concerns, and feelings I have na di ko masabi-sabi."

Napatawa ako, "Talaga? Pano? Sige nga, let me hear it.", challenge ko.

He smiled at me before inhaling deeply, "Mahal na ata kita Chin!!!", sigaw nito, "I am missing the old us! Parang unti-unti na tayong nagkakahiwalay bawat araw!! I wish bumalik tayo sa dati!!"

I looked at Ferd after niyang sumigaw. Sadness enveloped me kasabay ng pag-apaw ng mga memories namin noon. Yung kulitan namin, tawanan, asaran, mga lakad , kwentuhan, halos di kami maghiwalay noon, I never felt awkward around him...never. Dahil sa kanya ako pinaka comportable noon.

I remember those times na sinasamahan niya ko at dinadamayan sa tuwing sasapit ang death anniversary ng mga magulang ko, sila ni Polly ay naging malaking tulong sakin para mag move on.

Bakit iba na ngayon? Anong nangyari? Di ko man lang namalayan. I took him for granted at nawalan ako ng oras sa kanya. Siya na nandyan para sa kin noon sa lahat ng hirap na pinagdaanan ko. He helped me a lot. Yet eto ako, ignoring him, nagsisinungaling pa sa kanya. The least I could do is give him a chance, time, and attention.

Tama siya. Puro na lang ako Reevz! Bakit ba kasi ginugulo ni Reevz ang utak ko?

"Waaaa!!!!", iyak ko.

"Hey! Wag kang umiyak!", bigla itong nataranta at iniharap niya ko sa kanya, he lift my face and gently wipe my tears pero ngawa pa din ako ng ngawa, "Please Chin. Stop crying. Sorry na. Hindi ko sinasadya."

"Waaa!!!", iyak ko pa din at humagulgol na.

"God. Tumigila ka nga. Sorry na."

"I--", di ko mapigilang di humikbi, "I-i'm sorry.", sabi ko.

A smile form on his lips and he hugged me. My sobs were muffled aginst his shirt.

"Shhh...wala kang kasalanan. Sorry na. Stop crying please? Hm?", hinimashimas niya ang ulo ko. Narinig ko pa ang maliit niyang tawa, "Bakit ka ba kasi umiiyak ha? Ano bang sinabi ko na iniiyak mo dyan?"

"Nalulung--kot lang--ako.", sabi ko.

Napa buntong hininga siya and he hugged me tighter.

"Hay! Weird. Mas gusto tuloy kitang protektahan ngayon...at mahalin ng sobra-sobra."

...................................

We talked for hours doon sa lugar na yun. Kahit ano lang. Yung usual stuff na pinag-uusapan din namin noon wich is mostly ay senseless pero natutuwa naman ako so ok lang. Hindi na masyadong awkward since iniisip ko na lang na hindi ito si Ferd na nanliligaw sakin, but yung Ferd na naging kaibigan ko noon. Iniisip kong he deserve my time too if that is what he wants. I mean, pinayagan ko siyang manligaw so responsibility ko din bigyan siya ng time and chance.

After dun, nagutom kami kaya kumain kami sa madalas naming kainan na resto...Mcdonalds. Mura at masarap na din. Di kasi ako mahilig sa lasa ng mamahaling pagkain. Once niya na kong dinala sa mamahalin at di ko nagustuhan dun. Ever since, di na kami umulit.

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon