~So did you enjoy BTS dance previously?? Marami pang magagandang sayaw na darating soon! Enjoy!~
Chin's Pov
"Hindi ba pwedeng bukas na lang?", angal ng isa samin.
"Kaya nga. Or pwedeng praktis muna?"
"Nope. It's now or never.", sabi pa ni Reevz, "If you really have the skills, it won't wait."
"Pero di kami kasing galing niyo."
"Then you are not needed my dear.", simple lang nitong sabi, "If hindi niyo malamangan o mapantayan ang galing namin, tell me why would i f*cking waste my time on you? Simple lang naman ang rules. You impress us, you're in."
Harsh talaga ng lalaking to!!
"Di ko to kaya.", sabi ko kay Ferd.
"Ano ka ba. Kaya mo to! Kaya natin to!", encourage ni Ferd.
Napalunok ako. Pano kung di ko kayanin? I really have this feeling na hindi niya ko tatanggapin. I think he hates me na agad kahit di pa kami nag-uusap o di pa niya ko kilala. Should i ran as early as now??
"Para hindi naman masyadong unfair, you have 3 chances to impress us. If by then wala pa din, then i guess hanggang dun na lang kayo."
"So...", umupo siya sa sahig habang nakasandal sa salamin na pader, "Shall we start?"
Umupo sa tabi ni Reevz si Bea at may iniabot na papel sa kanya. Tingin ko listahan yun ng names namin. Nakita ko pang nagbulungan sila habang nagtatawanan. Do they have a thing?
Umupo naman sa tabi nila yung iba pang kaibigan ni Reevz.
"Galingan niyo lang guys!", cheer ng isa.
"Feel the music!", sigaw ng isa sa mga kambal.
Aish! Gusto ko ng maiyak! Sa harap pa talaga ng maraming tao kami mag o-audition. Sheemay talaga.
Hinawakan ni Ferd ang kamay ko. Ang init ng kamay niya which means nanlalamig ako.
"It's alright.", ngiti niya.
He would usually do this to me kapag kinakabahan ako. He would warm my cold hands at nakakarelax din naman yung ginagawa niya kaya ayos lang sakin. At tuwing sinasabi niya sakin na ok lang ang lahat, medyo gumagaan pakiramdam ko.
"First stop...Michaela Sanchez."
Tumayo ang babae at pumunta sa harapan nila Reevz.
"Start.",
Nagsimula ang tunog at sumayaw din ang babae with a powerful dance. Nagpalakpakan ang mga kaibigan ni Reevz na mukhang manghangmangha.
"In.", sabi lang ni Reevz, "Next Jacob Fernandez."
Ganun lang ang naging flow ng audition. Sasabihin niyang in kung pasok ka. Kapag di niya nagustuhan sayaw mo bibigyan ka ng second and third chance. Minsan kahit magaling sumayaw ay out ang sinasabi niya. He's reason? Di niya type. Asan ang fair dun??? By then kalahati na ang natanggal samin at walo na ang natanggap ni Reevz.
Then it was Ferd's turn.
"Fighting!", senyas ko sa kanya at yumuko agad sa likod ng mga tao para di ako makita ni Reevz dahil tumayo na si Ferd.
Sumayaw si Ferd with all his might at kitang-kita ko yun. Wag lang siyang magkakamaling di matipuhan ang sayaw ni Ferd dahil sobrang galing nito!
Napapangiti pa nga ang ibang kaibigan niya sa sayaw nito eh. At di ko sila masisisi. He is really great! Mas lamang lang ng konti si Reevz...tingin ko.
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?