~warning: maraming foul words so wawarningan ko lang kayo..haha. enjoy motherf*cker.
Chins Pov
"Are you really okay?", tanong ko kay Ferd.
Nasa emergency room kami ng hospital at ginamot lang yung pumutok niyang labi at mga pasa. Pwede na daw kami umuwi sabi ng doctor dahil wala naman siyang ibang injuries na malala. Nagpanik lang talaga ako sa nakita kong dugo kanina.
"I am Chin. Don't worry.", ngiti niya na sinuot na uli ang jacket niya, "Gutom na ko kaya kailangan mo kong pakainin ngayon."
Ngumuso ako, "Wala akong pera noh.", sabi ko.
"Sabi ko bang gastos mo?", kinuha niya ang kamay ko para tumayo na kami at lumabis na kami ng hospital. He was still holding my hands hanggang sa makarating kami sa kotse niya.
And I wonder if it was okay. I wonder if tama ba tong ginagawa ko. Because I am fucked up worried kay Reevz ngayong okay na si Ferd. Pero alam ko namang tama ang ginawa ko eh! Mali si Reevz! Siya unang nanuntok kahit ano pang rason. Besides duguan kanina si Ferd. Sa kanilang dalawa mas kailangan ako kanina ni Ferd!
Pero bakit ganito? Nakakaguilty. Gusto ko ng umuwi at makita si Reevz. Gusto ko siyang pagsabihan at ipaintindi sa kanya ang mga ginawa niya kanina, dahil for sure galit yun sakin ngayon. Gusto kong tanungin din kung okay lang siya. Gusto kong lutuan siya ng pagkain. Gusto kong itanong kung kumusta ang araw niya.
Haist! Pakiramdam ko two timer tuloy ako ngayon!
Pumunta kami sa isang restaurant at doon kumain. May sinasabi si Ferd tungkol sa pagkain pero napapadako pag-iisip ko kay Reevz kaya di ko masyadong maintindihan ang sinasabi ni Ferd.
Ngumiti lang ako ng matapos magsalita si Ferd. Then nagkaroon ng awkward na katahimikan.
"Ferd...", panimula ko, gusto ko itong sabihin sa kanya ngayon dahil ayoko ng maulit ang ganitong insedente, "May hihingin sana akong pabor."
"Sure. Anything."
"Please wag kayong mag-away ni Reevz.", sabi ko.
Nagbago ang itsura niya. He looks at me seriously then pagkaraan ng ilang sandali ay bahagya siyang napangiti.
"Okay.", sabi niya.
Nakahinga ako ng maluwag.
"Kung hindi siya gagawa ng mga bagay na ikakagalit ko.", dugtong ni Ferd.
"Ferd naman eh. Mainitin lang talaga ulo nun."
"Do you know he likes you?", bigla niyang tanong.
Sh*t!
Shemay!!!
"Mukhang alam mo na ah.", napataas ang kilay niya, "Sinabi niya talaga sayo?"
Nahalata ba sa mukha ko??
Right. I forgot na magaling bumasa si Ferd ng iniisip ko. Ugh! Bakit pakiramdam ko parang lumalala ang sitwasyon ngayon?
"Ferd I think---"
"I think his insane!", he said in a stern voice, "Kapatid ka niya Chin. Why would he like you?? Baliw siya! That's what he is! Papel man o hindi, sa mata ng mga tao magkapatid kayo!"
Galit siya. Nakakagulat dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito. Si Ferd ang tipo ng tao na cool lang sa lahat ng bagay. I know hindi siya basta-bastang nagagalit.
"Alam kong inaagaw ka niya sakin Chin. Alam ko yun. Gumagawa siya ng mga bagay para mapunta ka sa kanya. Para magustuhan mo siya!"
Huminga ako ng malalim. Ayoko ding magpadala sa emosyon ko. Dahil nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Ferd. Dahil alam kong gusto ko din si Reevz. Dahil guilty ako. Dahil narealize kong gusto ko ang mga ginawa ni Reevz para sakin.
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomansaWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?