part 26

5.2K 104 2
                                    

"Okay.", mabilis pa sa kisap matang sagot niya at binitawan kamay ko.

O.Kay.

That was unexpected...and fast!
I mean gusto ko nga siyang bumitaw pero agad-agad? Di man lang pinag-isipan??

Grabe naman!!!

Insulto ha!

Hinarap niya ko at ngumisi siya.

"Anong nakakatawa?", asar kong tanong.

Walang anu-ano ng bigla niya akong kinarga at sinampay sa balikat niya na parang isa lang ako sako ng bigas.

Napatili ako sa gulat.

"Reevz! Ibaba mo ko!", sigaw ko.

"Wag ka ngang maingay. Ang daming tao."

"Pwes ibaba mo ko!", galit kong sigaw.

Wala akong pakealam kung maraming tao ang tumingin sakin gayong nakalambitin ako dito! Punyemas na buhay to!

Nagsimula siyang maglakad kung saan.

"Reevz ano bang kalokohan to! Ibaba mo na ko!"

"Nope. Ayaw mong pahawak sa kamay mo eh.", sagot nito.

"Really? At eto ang solusyon mo???", di ko makapaniwalang sabi.

"That's how special you are to me.", pang-aasar nito.

"Grrrr!!!!!", nanggigigil na ko sa galit.

Kaasar!

Badtrip!

"Isa Reevz!!!!!!!", tili ko.

"Mahal ko wag kang maingay...baka mapano vocal chords mo.", malambing pa nitong wika.

Ayan na naman yang mahal ko na endearment niya! Bwesit siya!

"Ibaba mo ko! N-nahihilo na ko!!", palusot ko.

"Pikit ka lang.", sabi nito.

"N-nasusuka ako!", kunyari kong wika at dumigwal pa.

"Eh di suka ka lang dyan."

"Ano ba Reevz!!!", asar na asar kong wika at pinagpapalo ang likod niya.

"Aray mahal ko! Masakit ah.", natatawa niyang wika.

Grabe! Grabe! Mababaliw na ko sa lalaking to!

"Please...ibaba mo na ko.", pakiusap ko sa kanya.

"Will you hold my hands instead?"

"Di pwede noh!"

"Eh di okay. Madali naman akong kausap eh."

Grrrr!!!!!

"Ahhhh!!!!!"

...

Naramdaman kong binaba niya ko pagkatapos ng ilang minutong lakad.

Agad ko siyang pinaghahampas at aray lang siya ng aray.

"Bwesit ka! Bwesit! Bwesit!", gigil kong hampas sa kanya.

"Ahem!", igham ng babaeng nasa harapan namin na ngayon ko lang napansin.

Nasa loob na pala kami ng isang store ng mga cellphone.

Sheeemay!!! Kahiya!!!
Nakatingin sa amin ang lahat ng tao.

"Patingin nung cellphone na yun miss.", wala sa sariling turo ko.

Urgh!!

Tiningnan ko ng masama si Reevz at nakita ko itong lihim na napapangiti.

"Bago po namin ito ma'am.", sabi ng sales lady sakin at nag beautiful eyes pa sabay tingin kay Reevz, "May mga short cuts po ito at pwede pong iprivate ang messages niyo, mga photos, mga---"

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon