"Wow! Ang daming strawberries!", excited akong napatingin sa mga tanim ng strawberries doon sa farm.
Kami mismo ang kukuha ng mga bunga mamaya. Kaso ang haba pa ng pila kaya naghihintay pa kami dito.
"Ma, pumunta na lang muna tayo sa ibang lugar tapos balik na lang tayo manaya pag di na mahaba ang pila.", suhestyon ni Reevz.
"Mamaya mataas na ang sikat ng araw. Konting tiyaga na lang.", sabi ni anty.
"Kaya nga...malapit na naman tayo eh.", sabi ko.
Napatingin si Reevz kay uncle para humingi ng tulong.
"Sila ang masusunod eh.", kibit balikat ni Uncle.
"Mare!", biglang may isang babae ang lumapit kay Anty.
Nagulat pa si Anty sa pagdating nung babae. Mukhang excited pa silang dalawa na nagkita sila at nagyakapan pa sila. Agad naman kaming pinakilala ni Anty dito.
Siya pala ay dating barkada ni anty noong college at sa ibang bansa nagtatrabaho. Siya si Merideth.
"Ang tagal na nating di nagkita ah. Kailan ka pa nakabalik galing states??", tanong ni anty.
"Last week lang. Next month pa ang balik ko. Ikaw kumusta ka na??", sabi nito.
"Eto...masaya sa buhay...",
"Mom..I was looking everywhere for you.", isang matangkad na lalaki ang lumapit sa kausap ni anty.
"I'm sorry, I saw my friend here and got so excited.", sabi ni Merideth at agad niya kaming pinakilala sa lalaki.
Half siya at kasing tangkad lang din ni Reevz. Gwapo ito aaminin ko lalo pa't blue ang mga mata nito. Tangos pa ng ilong saka pangahan. Pang model na type yung itsura niya. Pangalan daw niya ay Akbar. Weird nga ng name eh.
"Oh, ang gwapo naman ng anak mo! Baka pwede mong ireto dito sa anak ko.", tawa ni anty.
"Ma."
"Anty."
Chorus naming dalawa ni Reevz.
Saka lang ako tiningnan ng lalaki mula ulo hanggang paa na parang kinikilatis pa ko. Pasimple akong nagtago sa likod ni Reevz na parang nadagdagan lang ang pagkaasar nito dahil sa sinabi ni anty."Naku. Tamang-tama at single itong anak ko."
Ngumiti lang ang lalaki at right there and then, alam ko na kung gano ka playboy siya.
"Akbar, here's my adopted daughter, her name's Chinserie, but you can call her Chin.", sabi ni anty na tinulak pa ko para iharap sa lalaki.
"Hi.", ngiti nung Akbar at iniabot ang kamay niya sakin para makipag kamay.
No choice ako kaya nakipagkamay na din ako. Pagkatapos nun ay bumalik ako sa pwesto ko kanina na nakatago sa likod ni Reevz.Nagpatuloy naman ang kwentuhan nila Uncle at Anty at nung Merideth doon.
"Stay close.", narinig kong bulong ni Reevz sakin na animoy binabantayan din ako.
Haist! Bakit ang pasaway ni anty eh. Di naman siguro ako trip ng lalaking yun. Ang gwapo kaya. Medyo lamang lang ng konti kay Reevz pero wala ng tatalo sa mahal ko noh.
Narinig kong sasabay daw sa amin yung mag-ina na mag harvest ng strawberries.
"Aish! I really hate that guy.", sabi ni Reevz na hinawakan ang palapulsuhan ko at hinatak sa isang sulok ng strawberry farm.
Malayo kami sa kanilang lahat pati na rin sa Akbar na yun.
"Don't you dare makipag-usap sa lalaking yun.", sabi ni Reevz habang namimitas na kami ng strawberries. Medyo harsh pa ang pamimitas niya at naaawa na ako sa strawberries na nasa basket niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/30099783-288-k200215.jpg)
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?