step 65

3.4K 92 0
                                    

"Normal naman lahat ng laboratories niya, CT-Scan niya, X-rays...lahat. May mga cases talaga kami na ganito and we just have to wait kung kailan siya magigising.", wika ng doctor samin.

It's been a week already. Bawat araw unti-unti kaming natatakot ni anty na baka di magising si Reevz. Tuwing sumisikat ang araw para salubungin ang bagong umaga, di ko mapigilang di mapaiyak tuwing nakikita ko siyang nakahiga pa din doon. My heart is sooo heavy tuwing nakikita ko siyang mahimbing na natutulog. Araw-araw akong nananalangin na gumising na siya...na magkaroon ng himala.

"Anty. Kain po muna kayo. Sinarapan ko yan.", ngiti ko.

Dinalhan ko siya ng pagkain sa hospital. Matamlay pa din ang mukha nito at tingin ko, di na naman ito natulog.

Inilapag ko ang dala ko sa mesa at nakita ko ang pagkain na dinala ko kagabi. Di pa yun nagagalaw. Napabuntong hininga ako at itinabi iyun. Hinanda ko ang bagong dala kong pagkain at inihatid kay Anty.

"Pag nagising si Reevz, magtataka yun kapag nangayayat ka.", sabi ko, "Kailangan mong kumain anty."

"Mamaya na.", matamlay niyang wika. Nakatingin lang siya kay Reevz pero parang malalim ang iniisip nito.

"Hindi niyo po din kinain ang pagkain kagabi. Kaya kailangan niyo tong kainin ngayon.", sabi ko.

"Mamaya na Chin.", sabi pa ulit niya.

Inilapag ko ang pagkain sa mesa. Yinakap ko si Anty ng mahigpit.

"Kailangan po kita Anty. Kailangan po kita ngayon.", I bite my lips as tears started to fall, "Alam ko ang sakit...pero kailangan po kita. Mahirap pong maging malakas ng mag-isa. Di ko po kaya mag-isa. Nahihirapan po din ako...please Anty. Kayanin po natin to. Di po kita iiwan. Huh?"

I saw her cry too...napayuko siya.

"Anty...", sabi ko.

"Akin na...kakainin ko na.", umiiyak niyang wika.

Agad kong ibinigay sa kanya ang pagkain. Sumubo naman siya niyon habang panay pa din ang patak ng luha niya.

Pinunasan ko naman ang mga pumapatak na luha sa pisngi niya.

"Magpakabusog po tayo ha...kailangan pa tayo ni Reevz.", sabi ko.

Napangiti siya at sumubo ulit ng kanin.

..................

"Mahal ko..."

Napabalikwas ako sa pagkakaidlip ko. Napatingin ako sa natutulog na si Reevz. I thought tinawag niya ang pangalan ko.

Panaginip lang ba yun?

No. I swear I heared him call me.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nito. Hinawakan ko ang kamay niya at pinakiramdaman siya. I was really hoping na baka magising na siya ngayon. Pero minutes passed at wala pa ding pagbabago.

My heart aches again. Di ko mapigilang mapaiyak ulit.

"I missed you mahal ko...", bulong ko sa kanya as I kissed his hand.

"Please gumising ka na. Sobrang tagal mo ng natutulog. Malapit ng graduation ko. Di ako pupunta dun kung wala ka. Dapat andun ka kasi. Dapat makita mo kong grumaduate. Wala na nga si Uncle dun tapos wala ka pa. Kaya gusto ko atleast andun ka.", pinunasan ko ang mga luha ko as I looked at him. Unti-unti na siyang nangangayayat. "I love you mahal ko. I love you. Gumising ka na...please...natatakot na ko. Wag mo tong gawin...pakiusap gumising ka na. Di na kita aawayin. Susundin ko na lahat ng gusto mo. Kahit sobrang overprotective mo, susundin ko lahat...gumising ka lang.", hilam na ang mukha ko sa kakaiyak, "Kung naririnig mo ko...please do your best to wake up mahal ko. I badly need you already. I want to see you smile na. I missed you so bad. Please wake up."

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon