step 74

3.8K 109 6
                                    

Pinara ni Reevz ang sasakyan sa harap ng bahay nila Anty. Dali-dali akong bumaba ng nakita kong nakapasok na ng ganun kabilis si Reevz sa loob.

"Bakit PA ko si Chin ma??", galit na wika ni Reevz sa harap ni Anty.

"Di mo ba nagustuhan?", tanong ni Anty.

"Ginagawa niyo ba akong tanga??", sigaw nito.

"Wala ka kasing PA so tingin ko makakatulong si Chin.", mahinahon na explain ni Anty.

"So ikaw na pala ang tanga ngayon??", galit niyang sabi.

Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Panong nagagawang sigawan ni Reevz si Anty at sabihang tanga ito?? Di ko to mapapatawad! Sumusobra na talaga siya!!

Mabilis ko siyang nilapitan at binatukan siya ng malakas.

"Anak ng---"

Nagulat si Anty sa ginawa ko.

"Kelan ka pa natutong sigawan si Anty ha??!", galit kong wika.

"Problema mo? Di ba di na tayo magkapatid?? Wala ka ng pakealam sa pamilyang ito. Kung ano man ang gawin ko wala ka ng pakealam sa---"

Sinuntok ko siya sa mukha. Napaatras lang siya sa ginawa ko pero pumutok naman ang labi niya at nakita kong dumugo iyun.

Kahit siya ay nagulat din sa ginawa ko.

Kinuyom ko ang mga kamay ko. Naramdaman ko ang sakit sa kamay na ginamit kong pangsuntok sa kanya.

Galit na galit ako. Sa lahat ng mga ginawa niya simula ng dumating ako dito, ito na ata ang pinaka grabe sa lahat! Kahit sobrang pasaway siya noon, kahit sobrang tigas ng ulo niya noon, kahit madalas silang mag-away ni Uncle at nagkakasagutan sila, never kong nakita si Reevz na sinigawan si Anty. I thought he love her more than anything in the world.

"Gago ka! Tarantado!", sigaw ko sa kanya.

Di ko mapigilan ang sarili ko at tuluyan akong napaiyak sa sobrang galit. Ang sakit kasi ng puso ko na makitang ginaganito ni Reevz si Anty. I'm so disappointed! Hindi ito ang Reevz na kilala ko. Sobrang nagbago na siya. At kahit anong deny ko sa sarili ko na hindi siya nagbago, sobrang halata na nito ngayon.

"Pano mo napagtataasan ng boses ang mama mo?? Oo hindi na kita kapatid at wala na akong karapatan sa pamilyang ito pero hindi kita mapapatawad ngayong napaka walang modo mong anak!"

"Ano bang alam mo?", wika ni Reevz.

"Anong alam ko? Ang alam ko hindi ka ganyan noon! Ang alam ko mahal na mahal mo si Anty. At alam kong hindi ito magugustuhan ni Uncle kapag nakita niyang ginagawa mo to."

"Tama na Chin...", awat ni Anty sakin.

"Hindi. Bakit niyo po hinahayaan na tratuhin kayo na ganito ni Reevz?", sabi ko pa, "Kung galit ka sakin ako ang harapin mo. Sakin ka magalit. Minamaliit mo ba si Anty? Hindi mo ba alam kung gano ka niya minahal? Hindi mo ba alam na prinotektahan ka niya at inalagaan all those years?? Wala kang utang na loob! Sarili mo lang iniisip mo!"

Yakap-yakap na ako ni Anty habang patuloy ang pag-iyak ko.

"Mahal ko si Anty kaya please...tama na...wag mo na siyang saktan Reevz. Wag mo naman siyang tratuhin ng ganito.", hindi ko na alam kung anong reaksyon ni Reevz sa mga pinagsasabi ko. Alam ko lang, sobrang tahimik ng paligid at tanging ang iyak ko lang ang naririnig ko.

.....

"Tahan na...", wika ni Anty sakin at binigyan ako ng isang baso ng tubig at ininom ko naman iyun ng isang lagok.

Pinahid ko ang mga luha ko ulit. Umalis na si Reevz kanina ng walang imik.

"Ganun po ba niya kayo trinato simula ng nalaman niyang ikakasal ako noon kay Akbar?", tanong ko.

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon