step 28

5.1K 112 4
                                    


Reevz Pov

"Bakit ganyan mukha mo?", tanong ko sa nakasimangot na si Chin.

Nagdadrive na kami patungo kung saan. Honestly, di ko alam kung saan kami pupunta. Gusto ko lang talaga siya na ma solo ngayon. Mamaya na siguro kami bibili ng pagkain. Di naman mamamatay ang mga tao dun kung mamaya pa kami bumalik.

"Alam mo kung bakit.", sabi niya sakin.

"Masama bang gustuhin na ma solo kita?", sabi ko, "Kung di mo dinala si Polly sa bahay malamang nasa bahay lang tayo ngayon at nag-uusap. Wait...", may narealize lang ako saglit. Kanina pa kasi ako nagtataka kung bakit pinipilit niyang matulog sa bahay si Polly.

"Natatakot ka bang may gawin akong masama sayo kapag tayo lang dalawa sa bahay?? Kaya mo inimbita si Polly na matulog ngayon?"

"D-di noh!", biglang nanglaki ang mga mata niya.

Napatawa ako, "Fine. Di ko masasabing wala nga talaga akong gagawin kapag tayo lang dalawa. Pero wala akong masamang gagawin sayo noh. Lahat ng gagawin ko ikakatuwa mo."

Malakas niya akong sinapak sa braso kaya napaaray ako. Ang lakas nita eh.

"Bwesit ka!", pulang-pula ang mukha niya.

Napangiti ako. She can really be cute kapag ganito siya.

"I just want to spend time with you Chin. Alam mo namang di ko magawa ang mga gusto ko sa bahay kapag nandyan na sina mama at papa."

"That's the point di ba? Dapat lang. At kahit wala si anty at uncle, wala kang dapat na gawin."

Napabuntong hininga ako. Alam kong mahirap talaga ang sitwasyon namin, pero wala pa akong kayang ipangako sa kanya. Pareho pa kaming nag-aaral at kailangan pa namin ang mga magulang ko.

Pinag-isipan ko na talaga ang lahat ng possibilities namin kaya nakapagdesisyon akong we'll try kapag nagtapos na kami. But as I said ayokong ipangako sa kanya ang anu man.

I just wanted to love her right now dahil di ko mapigilan ang sarili ko...i just want her to know kung anong nararamdaman ko para sa kanya dahil ayokong mapunta siya sa iba.

I wanted to tell her to wait pero di ko din magawa. Dahil ayokong siyang umasa at masaktan dahil kumplikado nga ang sitwasyon namin.

I just wanted to show how much i love her...to cherish her...to make her feel special.

"I love you...can't it be that way?", seryosong sabi ko.

Napayuko siya. A moment bago siya nagsalita ulit.

"It can never be that way Reevz.",

I felt the sadness in her voice pero di ko maiwasang ikatuwa iyun.
I slightly feel na meron din siyang gusto sakin. Ayokong maging delusional pero di ko maiwasan.

May pag-asa ba talaga ako?

Gusto kong isipin na malungkot siya dahil ayaw niya sa sitwasyon namin. Gusto kong isipin na pinipigilan lang niya ang sarili niya na mahalin ako dahil kina mama at papa.

I wish alam ko kung anong iniisip niya.

It was silent for a moment. But it was still comfortable. Parang pinag-iisipan din niya ang sunod niyang sasabihin pero I didn't take her here para pag-usapan ang malulungkot na bagay.

Iniliko ko ang sasakyan.

"Never say never sabi pa ni Justin Beiber.", bahagya akong napangiti, wishing I could put a smile on her face now.

"Ew. Wag ka ngang gumamit ng quote galing sa kanya para sakin!", asar niyang wika.

"If you smile...I smile din kasi.", sabi ko pa.

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon