step 40

4.5K 105 2
                                    


"Anong ginagawa mo sa kama ko?",nakapamewang na sabi ko ng nakita ko si Reevz na nakahiga sa kama ko.
Kakagaling ko lang mag shower at nakapajama na ko.

"Tabi tayo.", ngisi niya.

"Ayoko nga. Dun ka sa pwesto mo. Ang sikip kaya ng kama."

"Yun nga ang point ng salitang tabi di ba?"

"Masikip nga di ba?"

Tumayo siya at pinagdikit ang dalawang kama namin. Humiga siya ulit.

"Happy? Dito ka na.", tapik niya sa space na nasa tabi niya.

Napabuntong hininga ako. Umupo na din ako sa tabi niya. Nagkatinginan kami.

"Natakot ka ba kanina?", sabi niya holding my hand.

I watch his hand play with my hand bago ako napatingin ulit sa kanya.

"Medyo...", sabi ko.

"Don't worry. Sisiguraduhin kong di nila ito malalaman not until sa tamang panahon. I promise you that."

Tumango ako at yinakap siya.

"Mhhh...ang bango naman ng mahal ko.."

"Mabango ka din naman...parang amoy suka."

Napatawa siya, "Anong amoy suka. Di ah."

"Maligo ka na din kasi."

"At pagkatapos kong maligo may premyo ba ako?"

"Pag-iisipan ko pa. Depende kung gano ka kabango."

Agad siyang tumalon mula sa kama at tumakbo papasok ng banyo.

"Diyan ka lang...mabilis lang to...este, pababanguhin ko pala ng sobra ang sarili ko kaya maghintay ka lang dyan mahal ko.", kindat niya at isinara ang pinto.

Napatawa ako. Ang cute talaga ng lalaking yun!

Biglang nagring ang phone ko. Si Polly.

"Hello Polly?"

"Girl! Tulong!!"

"Ha?? Bakit??"

"Kasi---"

Biglang naputol ang tawag.

"Hello?? Polly?? Fuck!!",

Dinial ko ang number niya pero wala na pala akong load! Kinuha ko agad ang phone ni Reevz pero wala din iyung load!

Ano ba naman! Bakit ngayon pa ko nawalan ng load?? Anong nangyari sa kaibigan ko? Baka nalagay na sa panganib yun!!

Tumakbo ako palabas at kumatok sa kwarto nila anty pero walang sumasagot kahit ilang beses ko na iyung katukin.

Kinakabahan na ko habang lumilipas ang bawat segundo. Baka ano ng nangyayari ngayon kay Polly. Baka...baka...

"No...no...hindi...", nagpapanick na ako sa mga masasamang bagay na naiisip ko.

Tumakbo ako kung saan.

Load! Kailangan ko ng load para makahingi ng tulong!

"Kuya!", sabi ko sa isang receptionist habang hinihingal ako, "San...san pwede magpaload dito?"

"Naku ma'am sa labas pa po eh. Sa isang kanto pa po mula dito."

"Isang kanto? Ok! Salamat.", sabi ko at tumakbo palabas ng hotel.

Kahit di ko alam kung san ang sinasabi niyang kanto ay tumakbo pa din ako kung saang letseng kanto man iyun.

Napahinto ako ng nakakita ako ng sari-sari store. Buti na lang at meron silang load. Di ko alam kung ito ba ang tinadahan na sinasabi ng lalaki sa hotel.

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon