step 29

5K 126 2
                                    

Reevz's Pov

"Anong meron sa inyo ni Chin?", tanong ni Bea ng nakasakay na ako sa kotse.

Tahimik akong nagmaneho at di pinansin si Bea. Pinaharurot ko ang sasakyan para maihatid ko na agad si Bea sa kanila ng mabilis at makauwi na ko agad.

"Anong meron sa inyo ni Chin Reevz?? Ha??? Sabihin mo Reevz!!!", humagulgol siya ng iyak.

I kept driving. Ayoko siyang kausapin dahil una, lasing siya, at pangalawa, baka di ako makapagtimpi at patulan ko siya. Pinipigilan ko lang ang sarili kong di magalit sa kanya. She made a huge mistake ngayong araw na to!

F*ck! I know nasaktan si Chin sa mga narinig niya. It was all over her face. Alam ko yun.
Kung alam ko lang ito ang mangyayari sana di ko na lang sinundo si Bea.

Dammit!

Palpak na naman! Okay na kami kanina eh! Okay na kami!!!

Patuloy ang pag-iyak ni Bea sa sulok hanggang sa makarating kami sa bahay niya. I don't even know anong rason kung bakit siya umiiyak. And seriously, I don't care.

Inasikaso siya ng parents niya pagdating namin. Sinabi ko lang na masyadong nalasing kaya umiiyak. Hindi na sila masyadong nagtanong kaya umuwi na din ako agad.

While on my way ay tinawagan ko si Tae dahil di ko makontak cellphone ni Joey. Tinanong ko kung andun na si Chin sa bahay at nakahinga ako ng maluwag ng nalaman kong nasa kwarto na niya ito at natulog na daw.

Haist!!! Bukas...bukas kakausapin ko siya.

..................................

Walang Chin kinabukasan, maaga daw na pumasok at nag jeep sabi ni Polly. Maaga ding nagsipag-uwian ang tropa dahil may mga pasok sila.

Hinintay ko matapos klase ni Chin pero di pala siya pumasok sa last subject. Umuwi ako ng bahay expecting nakauwi na din siya pero wala din siya doon. I tried calling her pero naka off cellphone niya.

Humingi ako ng number ni Polly mula kay Herby at tinawagan iyun. Nag ring lang ng ilang beses pero pinatay na din niya iyun. Malamang magkasama nga ang dalawa ngayon.

Thinking uuwi din siya, naghintay ako sa bahay. Pero ng pumatak ng 9 pm hindi na ako mapakali.

Malakas ang kutob ko na nasa bahay nila Polly si Chin kaya pumunta ako sa bahay ni Herby. Gusto kong samahan niya ko kung saan ang bahay ni Polly.

At kapag minamalas ka? Hindi alam ni Herby ang bahay ni Polly.

Great. Just great right??

Nag-aalala na talaga ako ngayon. Di pwedeng lumipas ang araw na to ng hindi ko siya nakakausap! Hindi talaga pwede!

Pakshet yan!!

Nagring ang phone ko at agad ko yung sinagot kahit di ko alam kung sino ang tumatawag.

"What??", galit kong wika.

"Woah! Easy dude. Badtrip ah?", masayang wika ni Joey.

"Anong kailangan?", tanong ko na pinipigilan ang pagkainis ko.

"May praktis ba daw bukas?", tanong niya, "Nag-iinit na ibang members ng dance group dahil malapit ng School Festival pero di pa din daw tayo nagprapraktis. Kesyo di daw sila fast learner, mahirap daw yung mga steps and etc...etc...etc..."

Si Joey kasi ang madalas na madaling lapitan sa aming barkada kaya malamang sinabihan na siya ng ibang members.

"May praktis bukas.", sabi ko para matapos lang usapan.

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon