step 31

5.5K 102 2
                                    


Chin's Pov

"Anty!!", masaya kong bati at yinakap ito ng nakita ko siya sa kusina, mahigpit din niya akong yinakap, "Kailan pa kayo nakauwi? Dapat nagsabi kayo para nasundo po namin kayo!"

"Ay naku, madaling araw na yun kaya di na namin kayo dinostorbo.", sabi namin nito.

"Nagkape na po kayo?", tanong ko at dumiretso sa kusina para kumuha ng mug.

"Hinihintay ko talaga ang pag gising mo ng makapagkape ako. Namiss ko din yan eh.", ngiti ni Anty na umupo sa mesa namin.

Napangiti ako feeling warm na namiss ni Anty ang timpla ko. Then nagflasback sakin ang nangyari kagabi dito sa kusina.

Urgh!

Guilt. Yun kagad ang naramdaman ko. Pero bakit parang di ko na pinagsisisihan ang nangyari kagabi? Bakit parang okay lang at natatakot lang ako ngayon na mabuko nila anty at uncle? Bakit ganun? Anong nangyayari sakin? Mali ba to? Bakit tinatanong ko na ngayon kung mali to o hindi?

"Marami kaming pasalubong.", sabi ni Anty.

"Ahh..", sabi ko at inilapag ang mug ng kape sa tapat ni Anty, "Maya ko na po tingnan pag balik ko. Baka malate na ko eh...ligo lang po ko.", sabi ko at dali-daling naglakad papuntang CR.

Sakto naman ng pagbukas ng pinto ay ang paglabas ng bagong ligo na si Reevz. May tuwalyang nakabalot sa bewang niya. He's f*cking handsome in that wet look at aaminin kong muntik ng tumulo ang laway ko. Mukha pa lang yan.
Bumaba tingin ko sa katawan niya at literal na akong napanganga.

ABS DUDE!

ABS!!!!

I mean di naman ito ang unang beses na nakita ko ang abs niya pero bakit ngayon parang sasabog ng matres ko??

What??

Ano ng nangyayari sakin??
Nababaliw na ba talaga ako??
Late reaction lang talaga?

"Morning.", mabilis niyang halik sa bahagyang nakabuka kong bibig.

Yum! Fresh breath.

Sh*t! Bad breath ako!

"Ano ba!", sapak ko sa braso niya, "Andyan na sina anty at uncle!", sigaw bulong ko sa kanya, yet I was blushing.

"I know.", natatawa niyang wika at ginulo buhok ko, "Bilisan mo maligo at malilate na tayo.", at umalis siya leaving me breathless.

Wow!

Nice morning eh?

..................................

Reevz Pov

"Okay! Dito na lang muna tayo! End of practice!", sigaw ko sa lahat ng kamembers ko.

Napaupo ang iba sa sahig at ang iba naman ay tuluyang napahiga habang hinahabol nila ang hininga nila. I gave them a very tiring choreography kaya di ko sila masisisi.

Inakbayan agad ako ni Tae bago ako makarating sa bag ko.

"Labas tayo?", tanong niya.

"Di ako pwede. May gagawin ako.", sabi ko at napatingin ako kay Bea na nagliligpit ng gamit niya.

I send her a text before the practice na gusto ko siyang kausapin. Kailangan na talaga matapos to ngayon para di na ko mapahamak kay Chin.

Speaking of...nakauwi na kaya yun? Sinabihan ko kasi yun na late na ko makakauwi dahil sa practice. Di ko na sinabi yung part na kakausapin ko din si Bea. Saka na siguro pagkatapos ng usapan namin mamaya.

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon