step 49

4.3K 123 27
                                    

Reevz Pov

"So...you're a bad kisser huh.", wika ni Joey.

"Gusto mo halikan kita ng malaman mo?", tugon ko.

"Ayoko nga. Kung si Chin na nga ang nagsabing bad kisser ka eh di bad kisser ka nga.",

"Sinabi niya yun?", napataas ang kilay ko.

Napangiti ako ng wala sa oras as I remembered those times na siya ang unang nanghahalik. Tapos bad kisser na pala ako ngayon.

"May gana ka pang ngumiti dyan. Buti nga yun lang sinabi niya sayo after ng ginawa mong katarantaduhan..", sabi pa ni Joey.

Napabuntong hininga ako.

"So sinabi niya sayo?",

He rolled his eyes. "So bakit mo yun ginawa? Di ka naman ganyan ah."

"Kumusta na kayo ni Herby?", pag-iiba ko ng usapan.

Napailing-iling siya.

"Ganun pa din. Galit pa din sakin.",

"It will pass. Maghintay lang tayo.", sabi ko na tinapik ang balikat niya, "Mauna na ko. May klase pa ko eh. Bye!"

"Sige...iwasan mo pa ang tanong ko. Makokorner din kita soon!"

I shrugged my shoulder at tuluyang umalis.

Bad kisser huh?

Di ko maiwasang mapangiti. Kahit galit siya sakin ngayon..ang cute pa din ng Chin ko.

Damn. Gusto ko tuloy ipatikim sa kanya kung gano ako kabad kisser.

.............................................

Chin's Pov

Hm? Bakit parang...

Idinilat ko ang mga mata ko para makitang si Reevz na hinahalikan ako. He was nibbling my lips kaya nagising ako.

Huh? Di ako makagalaw!

Hawak-hawak niya ang magkabilang kamay ko sa taas ng ulo ko.

He continued kissing me softly. At napapikit na lang ako para namnamin din ang mga labi niya. Just as I was about to enjoy him kissing me, huminto siya.

"Bad kisser pa din ba ko?", tanong niya.

Say yes Chin. Say yes. Say yes. Say yes.

"No.", agad kong sagot.

"No!", sigaw ko at napabalikwas ako sa kama ko. Tiningnan ko ang paligid. Walang Reevz. It was just a dream.

Sheeemay! Urgh!

Napabuntong hininga ako.
Bakit ganun? Namimiss ko tuloy si Reevz ngayon. Bakit? Bakit ako nanaginip ng ganun???

Naalala ko ulit ang halikan ni Reevz at Bea. Sumakit ulit ang puso ko.

Tama na Chin. Tama na...dapat mag move on na ko eh. You don't deserve this. I deserve better.

Bumangon ako para kumuha ng tubig sa baba. Sumisikip na naman kasi ang dibdib ko at natutuyo ang lalamunan ko.

Pababa na ako ng hagdan ng nakita ko ang pagpasok ni Reevz sa pintuan. Sa taranta kong di kami magkita, agad akong nagtago sa ilalim ng mesa na lagayan ng mga pictures namin. Nauntog pa ang ulo ko habang nagmamadali akong magtago. For sure di niya ko makikita dahil masyado ng madilim.

San ba kasi siya galing at palagi siyang late umuwi? Malamang galing siya kay Bea!

Grabe! Nanggagalaiti ako ngayon sa kanya! Napaka walang hiya talaga! Ginamit lang niya ko! Kung pwede lang sana siyang patayin ngayon eh! Nakuuu!!!

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon