3 yrs after
"Congrats anak. Graduate ka na din sa wakas.", sabi ng mama ko as he kissed me sa cheeks.
Maraming tao sa stadium at katatapos lang ng graduation ceremony.
"Thanks ma. Sa wakas...wala na akong pasok. Katamad na mag-aral.", tawa ko.
"Nagpareserve na ko sa isang resto malapit dito. Dun na tayo kumain."
Napakamot ako sa ulo ko, "I have plans ma eh. Dapat sinabi mo nagpareserve ka para binakante ko time ko. May gig kasi kami mamaya. Nakareserve na gwapo mong anak."
"Okay lang. Icancel ko na lang.", wika nito na parang nagtatampo pa.
"Asus...bukas free ako whole day. Iyong-iyo lang ako.", tawa ko as I hugged her.
Napangiti naman siya sa sinabi ko.
Paglabas ko, maraming reporter ang sumalubong sakin. Picture sila ng picture at maraming interview. It took me 30 minutes bago makawala sa kanilang lahat. Buti na lang at sinundo ako ni Mr. Daves, my manager. He's a gay pero lalaki siyang tingnan. I really like his kindness. Kung di niya ko kinumbinsi ng todo-todo noon, I wouldn't make it here.
Agad kaming pumasok sa loob ng kotse.
"Paki cancel ng mga lakad ko bukas.", sabi ko ky Mr. Daves, "May date kami ng mama ko."
"Makakahindi ba ko dyan?", wika nito at napangiti sa mom ko, "By the way. Sold out na paintings mo. Less than 5 hrs. Record breaking yan sayo ngayon ha."
"Psh. As long as nabenta lahat.", sabi ko.
"May sampung nagpareserve na din ng paintings mo. So better make another batch soon."
"As you wish.", sabi ko.
"Eto gusto ko sa lalaking ito eh. Walang sakit sa ulo.", sabi ni Mr. Daves sa mama ko.
"May pinagmanahan eh.", sagot naman ni mama.
"Ahhh...may sulat akong natanggap para sayo. Here.", abot niya sakin.
Tinanggap ko yun. It was a letter from a jewelry shop. Napakunot noo ako dahil di naman ako familiar sa pangalan ng shop na to. I tucked it inside my coat dahil di naman yun ganong importante.
Hinatid namin si mama sa bahay bago kami dumiretso sa gig namin. Fiesta kasi sa City ng isang kilalang mayor at inimbitahan akong mag guest.
Hindi naman sa pagmamalaki pero 2 yrs palang ako sa showbiz and I already made a name. I'm a dancer and a model too. Limitado lang ang kaya kong gawin like sunday shows lang, guest-guest lang, endorsers at model ng mga designer clothes and underwear. But, kilalang-kilala na ko sa Pilipinas at mayroon na akong halos dalawampung fanbase na di ko na mamemorya.
Maraming nagsasabi na sumabak din ako sa acting pero tingin ko, di ko yun forte. I'd rather paint than act.
Ugh. I hate the showbiz life but I love dancing on bigger stage at kumikita ako ng malaki so okay na din. Dumami din fan ng mga paintings ko so it was like killing two birds with one stone.
"May inihanda daw na after party si Irish para sayo.", wika ni Mr. Daves sakin, "You should come dahil andoon ang press."
"Pagod na ko Daves. Saka bakit pa ko pupunta dun eh break na kami. Another issue na naman iyan.", irita kong wika.
"Reevz...kaya nga kita pinapapunta to clear things up with her. Kawawa naman yung babae. Saka you can just say na you stayed friends. Pogi points yun sayo di ba? Win-win situation."

BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?