Chin's Pov
Hay!!! Kainis naman. Nagkagulo tuloy sa bahay dahil dumating na yung totoong anak nina anty at uncle. Iyak tuloy ng iyak si anty. I think what he said was really harsh lalo pa at mga magulang niya yung mga kausap niya dun kanina. Wala talagang modo yung lalaking yun kahit kelan!
Kahit gwapo siya, ang sama naman ng ugali! Masamang anak! Maglayas ba naman for three years dahil di lang nasunod yung kursong gusto niya. Tapos ngayon magdradrama siyang pinalitan siya ng anak. Eh lumayas siya eh!
Tsk! Kala ko pa naman magkakasundo kami. Di naman kasi masama tingin ko sa kanya noon. Tuwing nakikita ko siya sa mga events with his family, parang mabait naman to. Di nga lang pala kibo. Saka yung mga kwento ni anty noon eh mabait naman daw talaga siya. Bakit ba walang nakapagsabing masama yung Reevz na yun??
"Chin.", tawag ni Ferd sakin. His my male bestfriend ever since lumipat ako dito ng school.
Transferee ako. Dapat graduating na din ako ngayon. Ng inampon kasi ako nila Anty eh pinalipat nila ako dito sa university nato. Eh ang ganda kaya dito at ang mahal. Kapag naghanap ka na ng trabaho, itong school na to ang top priority na tinitingnan ng mga employers. Saka tinanong nila ako kung anong kurso ang gusto ko kaya ayun, i grab the opportunity at nagshift na ng Culinary which is pinapangarap kong kurso noon. Kaya eto, second yr student pa din ako.
"Lalim ng iniisip mo ah.", sabi nito habang naglalakad na kami papasok ng school. "May meeting daw mamaya sa group natin after class.", sabi niya na inakbayan ako.
Palaakbay talaga yan. Ewan ko kung baka binibigatan lang siya sa kamay niya lagi at kailangang nakasampay sa balikat ko.
Yung sinasabi niyang group ay ang dance group namin. Doon nga kami nagkakilala nitong si Ferd dahil kasabay ko siyang nag audition. Magaling yan sumayaw, super! Bilib nga ko dyan eh.
Ako, mahilig talaga akong sumayaw pero hindi kasing galing ng iba. Proud lang ako sa galing kong mag tumblings, flips, at kung anu-ano pang bend ng katawan. Pinangarap ko nga ding makasali sa group ng university na to. Balita ko kasi noon magaling talaga sila. Kaso, pagdating ko dito, hindi na sumali yung mga top dancers sa group kaya last year natalo kami.
"At tungkol san naman daw?", tanong ko pa.
"Hmmm..ewan. Malay ko." kibit balikat niya.
"Tsk. Ang aga-aga naglalampungan na naman kayo.", sabi ni Polly samin ng nakita niya kami. Bestfriend ko din ang isang to ever since lumipat ako dito. Siya kasi klasmate ko noong first day tapos yun na kaagad, magkaibigan na kami. Unlike us, di siya mahilig sumayaw. Mahilig lang ang isang to sa gwapo.
"Selos ka naman. Dito ka nga.", at inakbayan din siya ni Ferd.
"Ano ba! Bigat ng braso mo ha.", reklamo ni Polly na tinanggal yun,
"Kaya kami di magka boyfriend ni Chin eh dahil dikit ka ng dikit samin. Akala tuloy ng ibang tao binabakuran mo kami."
"Binabakuran ko talaga kayo.", sabi niya pa, "Lalo na ito oh.", turo niya sakin, "Napaka vulnerable at inosente. Delikado to pag mahagip. Buti ka at takot sayo ang mga lalaki."
Hay naku. Palagi talaga sinasabi sakin yan ni Ferd. Napaka vulnerable ko daw at inosente. Di naman siguro noh. Akala lang niya yun.
"Anong takot!", pinitik ni Polly ang tenga ni Ferd kaya napahiyaw siya sa sakit. Sensitive kasi tenga nun.
"Aish! Pitikin mo ng lahat wag lang tenga ko!", reklamo nito, "Sige, dito na ko daan.", paalam niya na lumihis sa kabilang daan, "Sabay tayo mamaya Chin! Sunduin kita!", pahabol niyang sigaw.
Tumango lang ako at kumaway. Business Ad kasi siya kaya sa kabilang building pa siya.
"Hay naku! Dapat sinasaway mo yang lokong yan. Kaya nga walang lumalapit sayo oh dahil kung makaasta parang kayo.", sabi pa ni Polly.
![](https://img.wattpad.com/cover/30099783-288-k200215.jpg)
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?