Napatingin ako sa picture ni Chin na nasa phone contacts ko. She was smiling so sweetly na parang bumaba lang galing sa langit. Ito yung face na nagustuhan ko sa kanya noon. Akalain mong ganun pala ugali niya? Maldita, suplada, kala mo naman siya na pinakamagandang tao sa mundo.
Ok. Aaminin kong medyo may charisma siya which i like in the first place. Pero since kapatid ko na siya ngayon at nakita ko na ang ugali niya. Ha! Kung may magtatanong sakin kung maganda siya, siya yung tipong sasabihan kong nevermind.
Kala mo kung sino. Siya pa talaga nagbigay ng number niya sakin. Ano kayang gagawin niya mamaya kung di ako tumawag sa kanya? Tsk. Tanga lang kasi talaga eh.
"Ngiti-ngiti ka?", nagtatakang tanong ni Herby sakin.
Kasama ko silang lahat ngayon sa canteen. Ito kasi yung time na vacant naming lahat. Kumakain lang kami ng chips doon.
"Uyy...si Bea yan noh?", sabi agad ni Joey.
"Psh. Wala na kong plano dun noh.", sabi ko pa.
"Aww...kawawa naman si Babe.", tawa ni Tae.
"Oink! Oink!", sabi ni Henry.
"Eh sino yan? Bago ba?", tanong pa ni Dion.
"Nope. Actually...luma na.", sabi ko.
Good thing di nila alam ang tungkol sa pagkaka-crush ko kay Chin.
..............................................
Chin's Pov
Tanga! Tanga! Tanga!
Ugh!!!!
"Wag mo naman iumpog ulo mo sa pader.", sabi ni Polly sakin, "Di pa naman yan matigas."
"Bakit ang sama sakin ng tadhana Polly? May ginawa ba kong kasalanan noon sa past life ko??"
"Tsk. Makakauwi ka din naman kahit di yun magtext sayo.", sabi pa niya sakin, "Cheer up! Tatawag din yun."
If only alam lang niya kung gano kasama ang ugali ng taong yun! Walang respeto sa magulang, pilosopo, puro curse words lumalabas sa bibig, insensitive, selfish at kala mo kung sino kung umasta!
"Yeah, tatawag yun dahil 5 minutes na lang at end na ang klase natin."
"Hay naku! Pagbigyan mo ng bago mong kapatid. Gwapo naman eh. Sana makita ko din siya one day sumayaw. Balita ko ang galing daw niya?"
Like hell i care kung gano siya kagwapo o gano kagaling sumayaw!
"Nakalimutan mo ng ginawa niya sakin Polly? You think sa ginawa niya matutuwa ako?", sabi ko na naniningkit ang mga mata.
"Oh c'mmon Chin. May sikat kang kapatid ngayon. For sure sisikat ka din."
"Di ko yun kailangan!", sabi ko na napatakip sa mukha.
"Hay naku...ewan ko sayo. But everyone is dying to have your place."
Ugh! Frustrating! Ang layo pa naman ng byahe pauwi sa bahay namin! Tatawag kaya yun? Isa pa di niya alam ang sched ko, pano niya malalaman kung uuwi nako? Bwesit talaga eh!
Yan kasikatan pa niya ang nakakabwesit! Dinudumog palagi ako ng mga tanong ng mga babae dahil nabalitaan nilang kapatid ko si Reevz. Pathetic lang di ba? Kahit di ko kilala feeling close agad. Tapos hinihingan pa si Reevz ng number sakin. Ni di nga kami close eh! At sheemay lang wala akong number niya!!!
Alam mo yung pakiramdam na the whole day paulit-ulit ang tanong sayo ng mga tao tapos ikaw naman paulit-ulit ng sagot. Kapagod di ba?? Parang replay, rewind. Sarap ngang magdala ng recorder eh.
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
Roman d'amourWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?