Napasingkit ang mga mata ko sa disco lights ng pumasok kami ni Reevz sa isang bar. Hindi talaga kami pinayagan ni anty dahil may pasok pa kami bukas pero sa huli, napapayag ni Reevz si uncle dahil nagugustuhan talaga ni uncle na nagbobonding kaming magkapatid. On the other hand, meron kaming curfew until 11pm.
Ayoko din naman sanang sumama kaso tinakot niya akong di na tuturuan ulit ng sayaw. So no choice talaga ako. Although di ko magets kung bakit pinilit pa talaga niya akong isama. Like seriously? Hindi ba ko sagabal dito sa lakad niya?
Biglang may nabangga akong lalaki dahil sa dami ng tao. Agad namang pinaikot ni Reevz ang braso niya sa bewang ko. Tulad kanina, kumabog ang dibdib ko at di ko naiwasang di matuwa sa ginagawa niyang pagprotekta sakin. Sarap ng may kapatid noh? Lihim akong napangiti.
Yeah, I guess imahinasyon ko lang minsan yung ibang weird feeling na nararamdanan ko.
May nakita akong ilang bumati kay Reevz, nginitian lang din naman niya iyun. May ibang babae ding nagha hi sa kanya, tapos yung iba touchy pa na kulang na lang ay hilahin nila ito sa isang sulok at doon gahasain. Buti na lang talaga at di niya iyun pinapansin.
"Asan na ba sila?", sabi ni Reevz habang palinga linga, hinahanap mga kaibigan niya.
"Tarantado andito kami!", malakas na sigaw ni Tae at nakita namin siyang kumakaway samin habang nakatayo sa isang upuan. Halos magsipagtinginan lahat ng tao sa kanya sa lakas ng sigaw nito. Kahit malakas tugtog ng music doon hinigitan pa yun ng sigaw ni Tae.
Ganun ba talaga siya kaeskandaloso? Tama sila, tae talaga siya!
Biglang hinawakan ni Reevz ang kamay ko at hindi pa ko nagulat niyan dahil mas ikinagulat ko when he intertwined his fingers with mine. Halos naibuka ko ang bibig ko sa gulat. OA na ko kung OA pero hindi ko yun inexpect. Yung tipong eto ka at parang tanga lang na sumusunod sa kanya tapos bigla holding hands agad sa isang kisap mata. I was caught off guard. I mean...ugh! Ang hirap iexplain! Sheemay naman yan eh!
Hinatak niya ko papunta sa mga kaibigan niya. I saw them all giddy. Marami ng bote ng alak sa mesa nila. Binati nila ako saka kami umupo ni Reevz sa bakanteng upuan.
"Oh! Akala ko ba babae ni Reevz ang dala niya?", narinig kong wika ni Dion.
Napatingin ako kay Reevz. Babae?? So totoo nga talaga sinabi ni Bea sakin. May mahal na siyang iba. Itong babaeng ba ito ang tinutukoy niya? Ba't niya ko isinama dito kung babae lang pala niya dapat dinala niya??
Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko kay Reevz since di pa din niya ko binibitawan. Nakita ko pang napatingin si Joey sa mga kamay namin habang tinatanggal ko iyun. He then smiled at me pero napayuko na lang ako.
I don't know pero im feeling it again. Yung feeling ng nakita ko kanina si Bea na yinakap si Reevz. Yung parang may sakit at kirot doon sa loob ko.
Bakit nga ba kasi dinala niya ko kung babae dapat niya sinama niya??
Ugh! Imagination ko lang to. Imagination lang...
"Asan na yung ipapakilala mo samin Reevz?", sabi din ni Herby-Henry na halos sabay nagtanong.
Nagkibit-balikat ito at lumagok ng bote ng alak. Tumawa ng malakas si Tae.
"Basted ka na ba agad tol?"
Nagtawanan silang lahat. Hindi naman kumibo si Reevz at bahagya lang na napangiti.
"Sus naman! Excited pa naman kami makilala yung babae. Kung alam ko lang na si Chin pala kasama mo sana ipinasama ko na din si Polly.", sabi ng isa sa kambal.
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?