step 21

5.5K 111 7
                                    

"Bye Anty.", paalam ko.

Kumaway si Anty at lumabas na ko ng bahay.

I took a deep breath bago binuksan ang gate. Nakita ko si Reevz na nakasandal sa kotse at hinihintay ako. Palagi kasi siyang nauuunang matapos kesa sakin kaya siya madalas ang maghintay sakin.

He had his sun glasses ngayon at sumbrero niya na medyo nakaslant pa sa ulo nito. Para siyang model na kinuha sa litrato at idinikit sa tabi ng kotse. Bigla akong kinabahan ng lumingon siya sakin. Dali-dali naman akong sumakay ng kotse. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at umaktong normal.

Tahimik naman siyang sumakay at pinaandar ang kotse. Wala kaming imikan sa loob. And I was afraid if ever magsasalita siya. Di ako prepared at di ko alam ang sasabihin kung itotopic niya ulit yung mga sinabi niya kagabi. The last thing I wanted right now is a confrontation.
Sa labas lang ng bintana ako nakatingin. Kahit ang konting paggalaw ay nakakailang. So I stay still sa buong byahe.

"Hey. Wake up Chin.", naramdaman kong yinugyog ako ni Reevz.

I open my eyes at nagulat ako ng mukha niya na naka side view sa harapan ko ang nakita ko. Napakalapit pa niya like he was only few inches away. He unbuckle my seatbelt.

"Di ka nakatulog kagabi?", inosente niyang tanong. Pero ng tiningnan ko siya na nakataas ang kilay, I knew na tinutukso niya ko.

"Excuse me. Di kaya!", sabi ko at lumabas ng sasakyan. Mabilis akong naglakad palayo.

Ano naman kung hindi ako nakatulog kagabi?? Kala niya siya dahilan?? Well...siya nga pero I was thinking about Ferd too. Saka si Uncle at si Anty!

Haist! Mali nga kasi yun kagabi!! Bwesit siya!

Hindi ba niya alam muntikan na kong maglayas kagabi?? Tingin niya nakakatuwa to??

"Hey!", tawag niya sakin.

"Ano??", galit kong wika na nilingon siya.

"Muta mo.", sabi niya.

Natawa pa ang ibang mga tao na napadaan samin. Agad kong kinusot ang mata ko. Letse wala naman eh!

Tiningnan ko siya ng masama. Ngiting-ngiti siya saka ako kinindatan. I rolled my eyes at agad akong tumalikod at naglakad ulit palayo.
But then di ko napigilan. Bahagya akong napangiti. Shemay na kindat niyang iyun!!!

......................................

Reevz Pov

"I did it.", proud kong wika kay Joey.

"Did what?", bored niyang tanong habang may katext sa cellphone niya.

"Sinabi ko na kay Chin."

"Uhuh.", sabi niya na di pa din tinatanggal tingin niya sa cp niya.

Di ba nakikinig sakin ang gagong to??

"Pft! Haha!", tawa niya sa kung ano mang ginagawa niya sa cp.

Aba't di nga nakikinig! Sinilip ko yung cp niya at tama nga ako, may katext siya.

"Sino ba yang katext mo??", kinuha ko ang cellphone sa kamay niya at agad tumakbo para di niya ko mahabol. Agad kong tiningnan kung sino ang textmate ng gago.

"Polly?", napa kunot ang noo ko.

"Akin na nga yan! Pakealamero ka naman eh!", kinuha ni Joey cp niya sakin.

"Kaibigan ni Chin?", napataas ang kilay ko.

"Yep.", ngiti niya.

"Type mo??", gulat kong wika.

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon