step 69

3.7K 98 10
                                    

Nakatayo ako sa harapan ng bahay ni Chin. Nasa isang village siya. Buti na lang at alam ko ang address niya dahil kay Tae. Dinalaw niya kasi ito noon a year ago ng napadpad siya sa California.

Her house is small pero malaki naman ang lawn area niya. Maraming namumukadkad na bulaklak doon at ang ganda nitong tingnan. I wonder if siya ang gumawa at nag-alaga nito.

Humugot ako ng malalim na hininga bago pumasok at humarap sa pintuan. I press the door bell.

It's been three years...three years...at ngayon, makikita ko na siya ulit.

Whew!

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang sasabog na ito. Kinakabahan ako.

Pero teka...ano nga palang sasabihin ko?? Shet! Di pala ako prepared!

Wait...

Tumakbo na lang kaya ako muna tapos magpreprepare muna ako!

Nakarinig ako ng yabag ng mga paa.

Shet! Andyan na siya!! Teka lang! Pwedeng time out???

Argh!!!

Bumukas ang pinto at nakita ko ang isang lalaki. Naka tapis lang ito ng tuwalya sa bewang niya.

Nagulat siya ng nakita ako. Pero tiyak kong mas nagulat ako sa nakita ko.

"Woa!", singhap niya.

Wait. I know this guy.

Akbar??

Right. Naalala ko na. Right....right....

Yeah....

So....

Siya ba?...

No...I think no....

Pero bakit...

Naibagsak ko ang mga balikat ko.

"What are you taking so long? Who's there---", napahinto si Chin ng nakita niya ako.

Nagtitigan kami ng ilang sandali pero agad ng kumirot ang puso ko.

This is not what I expected.

...........

Simple lang ang bahay nila. May isang maliit na kitchen, sala, flatscreen tv, at ilang mga ornaments at decorations sa paligid.

Nakaupo kaming tatlo sa sala. Nakatingin lang ako sa tsaa na inilagay ni Chin sa mesa. Sobrang tahimik ng paligid dahil walang umiimik samin.

Nakangiti lang si Akbar habang nakayuko naman si Chin at kanina pa walang imik.

Ang dami kong gustong itanong pero di ko magawa. Bakit sila nandito sa iisang bahay? Ano, mag-asawa na ba sila?

Napasulyap ako sa mga daliri nila. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong nakitang singsing.

Pero live in partner ba sila? Pwede yun eh. Kailan pa? Ba't di ko alam?

Kinalimutan na ba ako ni Chin? Ganun na lang ba yun??

Was I stupid for going here? Huli na ba ako?

"So...did you gain your memories back?", biglang tanong ni Akbar na nakabasag sa katahimikan.

Napatingin ako kay Chin and she was anticipating my answer too. Sasabihin ko ba?

Napailing ako, "Hindi pa."

Agad na napatayo si Chin, "Bale...I have to go to work so...maiwan ko na muna kayo. Reevz, si Akbar ng bahala sayo dito.", wika niya.

"Aren't you too early for work?", sabi naman ni Akbar.

i love my adopted sister (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon