Reevz Pov
"Bayad po.", abot ko sa tricycle.
Bumaba na ko bitbit ang dalawang bag ko. Binaba ko yun sa kalye at napatingin sa bahay na nasa harapan ko. Tulad pa din ito ng dati. Walang pinagbago ang dalawang palapag namin na bahay. Di naman siya masyadong malaki. Tama lang naman siya na may maliit na garden at isang garage para sa sasakyan.
Wala ng ilaw dahil 3am na ng madaling araw at sigurado akong tulog na ang mga tao sa loob.
Napakamot ako sa ulo ko habang tinitingnan ang bahay.
Haist! Pucha talaga na buhay! Dapat di ako uuwi eh kaso dahil lang sa isang bagay kailangan ko tuloy bumalik sa bahay na to! P*tang ina talaga na kamalasan yan!
After 3 years! Haist! Tagal din nun tapos bigla akong babalik. Siguro naman iwewelcome nila ako with open arms noh? But i highly doubt it.
Itinapon ko ang mga bag ko sa kabilang bakod. May puno sa labas ng gate namin kaya dun ako umakyat para makatalon sa loob.
Ever since i can remember, dito na talaga ako dumadaan kapag sarado na ang bahay. Tuwing gusto kong tumakas, dito lang ako lulusot at bwala! Labas pasok na ko kahit wala akong susi.
Pumunta ako sa harap ng pintuan at kinuha ko sa bulsa ko ang pang-open ko ng lock.
Yep! I know how to open locks ng door gamit ang ilang mga bakal at alambre na pangdukdok.
And nope hindi ako magnanakaw! Pinag-aralan ko lang talaga to para makapasok ako ng bahay kahit anong oras ko gusto. Pano ba naman kasi, ayaw ng mabait kong ama na bigyan ako ng susi ng bahay dahil palagi akong naglalakwatsa. Eh di fine! Gumawa ako ng ibang paraan.
Click.
Finally makakapasok na din.
Tahimik ang bahay at dahan-dahan akong pumasok. Umakyat ako sa taas na iniwan muna ang gamit ko sa ibaba sa sala namin. Bukas ko na lang yun liligpitin dahil pagod na ko at gusto ko lang matulog muna. Isa pa ayokong guluhin ang mahimbing na tulog ng mga butihin kong mga magulang.
Dumiretso ako sa kwarto ko. Di ko na binuksan ang ilaw dahil di ko naman kailangan. Memorize ko pa din naman ang mga gamit ko sa kwarto ko. Kung nasaan banda ang kama ko, ang kabinet, mesa ko and whatsoever.
Hinubad ko na ang jacket ko, ang shirt ko at ang pantalon ko. Naka boxers na lang ako ngayon. Gumapang ako sa kama ko.
Damn! Ang bango pa din ng kama ko. Buti naman. Pumasok ako sa ilalim ng kumot at pumikit na agad para matulog.
Hay!!!...Salamat naman at makakatulog na din.
..................................................
Chin Pov
"Gising ka na chin! Chin gising! Gising sabi! Late ka na! Hooooy!!!!"
Ugh! Dinilat ko ang isang mata ko at kinapa sa gilid ng kama ko ang phone ko na nag-aalarm.
May pasok na naman. Shemay!
"Gising ka na chin! Chin gising!"
Asan na ba ang phone ko?
"Ano ba ang ingay.", ungol ng lalaki sa tabi ko.
"Eto na nga...papatayin na po.", sabi ko na dinilat na ang dalawang mga mata ko.
Inabot ko ang phone ko na nasa dulo na pala ng table at inioff yun. Bumalik ulit ako sa paghiga at pumikit. 5 minutes more.
Maya-maya pa ay biglang napadilat ang mga mata ko sa bigla kong narealize. Teka...
![](https://img.wattpad.com/cover/30099783-288-k200215.jpg)
BINABASA MO ANG
i love my adopted sister (Completed)
RomanceWhat if umuwi ka ng bahay mo one day at yung childhood crush mo ay kapatid mo na? TWISTED EH?