CHAPTER 14.5

125 1 1
                                    

CHAPTER 14.5

Tatawagin ko sana si Dark para sya ang kumausap dito kay hikharie, ayoko kasi makialam sa kanila pero nakita kong nagmamasid sa amin yung Fhane kaya di ko na tinuloy

Bahala na pero may naisip na akong plano, sana pumabor dito si Dark, pero kakaylanganin ko ng tulong nitong si hikharie para maisagawa ang plano kaya sya muna ang kinausap ko

"sige papayag na akong sumabay ang grupo nyo sa grupo ko," sabi ko sa kanya

"talaga," sabi nya

"Pero, kakaylanganin ko ang tulong mo,"

"Para saan?"

"Ahh.. tungkol ito kay Fhane,"

"Bakit ano bang meron dun,"

"Basta, I need your cooperation, can I get your number?," sabi ko pero natawa sya

"Haha style nyo talagang mga lalaki noh.." sabi nya, akala nya siguro nangchichicks ako

"Tamang hinala ka naman, burahin ko rin yun sa phonebook ko pag natapos yung plano okey ba?," sabi ko pero yun talaga gagawin ko

"Oh sige na, ibibigay ko na,"

"Thanks, ipapaliwanag ko na lang sayo later," sabi ko dahil hindi ko pa alam kung magtatagumpay ito

Pagkatapos ay si Dark naman ang kinausap ko tungkol dito, nasa kanya pa rin ang desisyon kung papayag sya sa plano ko o hinde

"Dark, tungkol ito sa stalker mo," sabi ko

"stalker? sino?" sabi nya

"stalker mo di mo kilala? yung bumubuntot lagi sayo,"

"si Fhane?" paniniguro nya

"Oo, stalker na tawag sa kanya,"

"Ganun, eh bakit naman,"

"Kinausap ako ng team leader nila about dun sa ginawa ng Fhane mo, gusto daw nyang sumabay ang grupo nila sa grupo natin,"

"huh? ginawa nya yun? pumayag ka naman?"

"Oo," sagot ko

"Ba't ka pumayag?" sabi nya

"May plano ako Dark, diba gusto mong layuan ka ng babaeng yun,"

"Paano naman?"

"Edi girlfriend,"

Dark

POV

"Edi girlfriend," sabi ni Jazer

"girlfriend? sino?" sabi ko

"Don't worry, magpapanggap ka lang na kunwari may girlfriend ka, then pag nakita nya yun, saka ka titigilan nun,"

"Okey sino naman gaganap na girlfriend kunwari," sabi ko tapos bigla syang nagmasid masid

Hindi ko alam kung ano ginagawa nya pero nagulat ako ng yung crush kong si Charlotte ang kalabitin nya

"miss, kagrupo ka namin diba," sabi ni Jazer sa kanya

"Oo," sagot ni Charlotte

"May ipapagawa sana ako sayo,"

"Okey ano yun?"

"Pwede ka bang magpanggap na girlfriend nito," sabi ni Jazer sabay turo sa akin

Nagulantang ako ng sabihin ni Jazer yun, pero mukhang seryoso talaga sya sa binabalak nya

"teka, anung girlfriend?" pagtataka ni Charlotte

"kunwari lang naman yun," sabi ni Jazer

"bakit? para saan?"

"basta, ano payag ka ba o hinde," sabi ni Jazer pagkatapos ay nag-isip ito ng hindi maganda

( sige pag di ka pumayag, ibabagsak kita sa grupo )

Grabe naman, gagamitin nya talaga ang pagiging group leader nya para lang dun, napaka weird talaga nitong si Jazer, isa na dito yung di maipaliwanag na pagtrato nya sa mga babae, siguro di sya gentleman parang ganun

"ayoko, di ako mahilig sa mga ganyan," sagot ni Charlotte

"ah ganun, eh kung," sabi ni Jazer pero pinigilan ko na sya magsalita dahil baka ituloy nya ang iniisip nya kaya hinila ko sya sa damit nya

"Jazer wag," sabi ko

"hah, bakit?" sabi ni Jazer

"eh wala na tayong magagawa kung ayaw nya," sabi ko

"so sumusuko ka na,"

"hindi sa ganun, humanap ka na lang ng iba, yung mapapayag mo talaga," sabi ko

"hindi pwede Dark, sya lang ang babae sa grupo natin kaya wala na tayong choices," sabi nya at aktong lalapitan ulit si Charlotte

"sandale, sandale, ako na kakausap sa kanya," nagrepresent na ako dahil greedy masyado itong Jazer

Actually kinakabahan ako, kasi crush ko yung kakausapin ko, pero para sa ikabubuti ko at para tigilan na rin ako ni Fhane gagawin ko, wala namang masama kung susubukan ko

"ahm, miss," sabi ko pero di nya kami nilingon ni Jazer

"ano?," sagot ni Charlotte pero nakatalikod pa rin sya

"yung ano, girlfriend," sabi ko

"bakit nga," this time lumingon na sya

"Si ano kasi," actualy nauutal ako, hindi talaga ako sanay makipag-usap sa mga crush ko

"May stalker kasi itong si Dark, yun lang naman yun eh," sabat ni Jazer

Loko talaga si Jazer, stalker talaga anyway mukhang naintindihan na konti ni Charlotte yung sitwasyon ko

"stalker? sino?" tanong ni Charlotte

"ayun oh," tinuro ni Jazer si Fhane gamit ang hintuturo nya

"eehh, kaklase pala natin eh, so buong school year ako magpapanggap? no way," pagtanggi ni Charlotte

"Naku, oo nga pala, sige mga kilig scenes na lang, basta magselos itong stalker nya okey na yun," sabi ni Jazer

Pagkatapos ay tinapik ako ni Jazer "huy magsalita ka naman," sabi nya

"sorry," sabi ko, napatulala kasi ako kay Charlotte XD

"Hindi ko na dapat problema ito, eh nagugulo yung groupings natin sa inyo," sabi ni Jazer

"Sorry naman," sagot ko

"Sige payag na ako na magpanggap, pero siguraduhin nyong walang kiss na mangyayari," sabi ni Charlotte

Wow totoo ba'to, pumayag na si Charlotte, hayst sana magkatotoo yung mga pagpapanggap namin haha

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon