CHAPTER 4

185 2 1
                                    

CHAPTER 4

Bibitawan ko na sana yung pusa pero may nakakita pala sa kabaliwang ginawa ko

"Dark, anong ginagawa mo sa pusa ko?," boses ng babae

Lumingon ako sa kanya at nakita ko si Fhane, sya yung may alaga ng pusa na hawak ko ngayon, magkasing edad lang kami ni Fhane at medyo bago bago lang sya sa lugar namin, mga 3months na rin siguro

Palakaybigan si Fhane, sa 3months palang na pagtira nya sa lugar namin, marami agad syang kakilala, kaya di naman nagtagal ay nagkakilala rin kami agad, mga ilang bahay lang kasi ang pagitan nila samin

Pero pinagtataka ko kay Fhane, eh nung lingunin ko sya, eh nakasuot sya ng uniform na katulad ng sa school namin

"Fhane?," sabi ko 

"uhm, uhm," nakangiti nyang sabi

Pinakawalan ko na yung pusa at lumapit ito sa kanya "wala 

naman, kinakamusta ko lang yung pusa nyo," sabi ko 

"ahh, ganun ba?" sabi nya 

"teka ano yang suot mo," rektang tanong ko, pero umikot sya para makita ko pa ng buo yung suot nya 

"obvious, edi uniform ng school nyo," sagot nya 

"para saan?" 

"Dark, nag-enroll din ako sa school mo, kapareho ng course mo," 

"alin, web and graphic design?," 

"Oo,"

Hindi ko alam kung seryoso sya sa sinasabi nya, pero gagastos ba naman sya ng uniform kung nagbibiro lang sya, pero pati ba naman kurso ko ginaya nya

( Dark, pansinin mo naman kung bagay ba sa akin yung uniform ko )

Nagulat ako ng isipin nya yun, magkaybigan kami ni Fhane pero parang iba ang turing nya sa akin lalo na ng mag-isip sya ulet

( hmpt, snob, sinukat ko pa naman itong uniform para mapansin mo ko )

Mapansin?, gusto nyang pansinin ko sya, napabaling ako ng tingin sa lupa pagkatapos kong mabasa ang iniisip nya, isip lang ang nababasa ko sa kanya at hindi ang puso pero posible kayang may gusto sa akin si Fhane, oo nga at maganda si Fhane, pero hindi sya ang tipo kong babae

"huy, anong problema mo," sabi nya ng mapansin nya ako na nakayuko 

"ah wala," pinilit ko syang lingunin at sinubukang kausapin 

"kaylan ka papasok?" tanong ko 

"ahm, sa lunes na siguro, di pa naman siguro regular class," 

"teka sigurado ka na ba sa course mo?" 

"oo naman, parang wala kang tiwala sa akin eh,"

Hmm... sa totoo lang, medyo nainis ako kay Fhane, ayoko kasi magkaroon ng classmate na kilala ko ng taga-rito lang din, eh paano na lang kung magsumbong to kila mama at papa tungkol sa pinagagawa ko sa school, halimbawa lang na mag-cutting ako diba

"oh sya, kita na lang tayo sa monday ha," sabi nya 

"sige," sagot ko nung tumalikod na sya, pero muli nanaman syang humarap 

"uy gusto ko tabi tayo ng upuan ha," pahabol nya

Hindi na ako nakapagreact kasi tumalikod na muli sya at naglakad papunta sa kanila, ako naman bumalik na rin ng bahay para makapagpahinga

Kasalukuyan pa ring nanunuod si papa, naupo ako sa isang upuan para makinood sa pinapanuod nya pero nakatulala lang ako sa t.v., hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari sa akin

Gusto kong balikan yung lugar kung saan ako nasagasaan ng bike baka mahanap ko ang sagot pero parang hindi ko na matandaan yung lugar na yun at sa kakaisip ko dumating na yung kuya ko galing trabaho

Siya si Jay-R, kuya ko, kaylanman di kami nagkasundo sa maraming bagay kaya lagi kaming magkaaway, pagkadating ni kuya eh napabangon ng higa si papa para makapagbless sa kanya si kuya

Noon ko pa nararamdaman na may favoritism sila mama at papa sa aming magkapatid at alam kong si kuya yun, pero kung sa bagay, si kuya lang naman ang inaasahan namin, wala kasing ganap na trabaho si mama tapos construction worker lang si papa

"ano, kumain ka na? may ulam pa dyan," pag-aalala ni papa kay kuya 

"mamaya na lang Pa, busog pa ako eh," sagot ni kuya

Pero minsan di ko maiwasan na mainggit kay kuya, buti pa sya, inaalala ni papa samantalang ako hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal nila sa akin, umaasa ako na magiging pantay din ang pagtingin nila sa aming magkapatid balang araw

* * * * * * * * * *

"WwoOaAaaahhH"

Napabangon ako sa higaan ko ng marinig ko yung sigaw na yun, pero wag kayong matatakot kasi alarm tone lang yun ng cellphone ko, kanta sya pero di ko alam yung title, basta metal ang genre nya

5am na at may pasok pa kasi ako ng 7am, kaya gumising ako ng maaga, nakakatamad talaga pag ganito ka-aga pero kaylangan eh

Maliwanag na sa labas nung matapos na akong maghanda sa pagpasok kaya nagmadali na ako, tulog pa ang mga kasama ko sa bahay nung umalis ako

Lumakad na ako papunta sa sakayan at tyempo naman na maluwag ang mga jeep ngayon kaya maaga akong nakasakay

Katulad kahapon, nababasa ko pa rin ang isip ng mga tao, ang akala ko kasi pag natulog ako mawawala na to pero mali ako, wala akong magawa kaya sumilip na lang ako sa bintana ng jeep ng biglang may naalala ako

Ibabalik ko na pala dapat ngayon yung I.D. ng babaeng nakawala kahapon pero naalala ko na nasa bulsa pa ito ng isa ko pang pantalon na sinuot ko kahapon =__=

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon