CHAPTER 55
"Laruan?" tanong ko. "...Paanong? Teka hindi ko maintindihan,"
"Laruan, meaning sya na halos umako ng lahat ng iuutos ng mga bully. Mabilis na kumalat ang balitang yan sa buong university na ang kaklase nating si Jilted ay alila na ng limang bully na yan," paliwanag ni Jazer
Binalik ko ang tingin ko kila Jilted kasama yung limang babae na tinatawag na bully ng buong university. Kitang kita nga kung paano nila pahirapan si Jilted na halos pasan pasan nya na lahat ng bag at mga gamit ng limang bully habang naglalakad sila papasok. Halos mapiga ko yung kamao ko sa sobrang gigil sa kanila ng maalala ko pati ang pagtatangka nilang patalsikin ako dito sa school nuon. Pati na rin ang pasa ni jilted sa mukha na sa tingin kong sila rin ang may gawa nuon.
*******
from Chapter 39
"Jilted napano yan?" tanong ko
"Ito... Ano lang yan, nauntog..." tinakpan nya ng kamay nya yung parteng may pasa sa noo nya
( "I'm sorry Dark, hindi mo na kaylangan malaman pa ang ginawa sakin nila Chell" ) >>>Jilted
*******
Hindi ko lang nabigyan ng pansin ang lahat, pero hindi ko akalain na humantong si Jilted sa ganito. Hindi sya dapat magsunud-sunuran sa mga babaeng yan. Lalakad na sana ako para puntahan sila at kausapin si Jilted pero isang hakbang palang ang nagagawa ko ay pinigilan na ako ni Jazer ng hawakan nya ako sa aking isang balikat.
"Wag Dark," sabi nya
"Pero Jazer, kaybigan ko si Jilted. Hindi nya dapat ginagawa to," sabi ko
"Mas mabuting mamayang uwian mo na lang sya kausapin Dark," sagot nya
"Hep!" biglang nagsalita ulit yung kasa-kasama ni Jazer na si Kaka at tinanong ako. "...Kaybigan ka ni Jilted right?"
"Oo ganun na nga," sagot ko
"Ah... Baka ikaw lang hinihintay nyan. Minsan na naming kinausap yan kung bakit pa sya nagtitiis sa mga bully na yan. Kaso paulit ulit nyang sinasabing isa lang raw yung kasunduan. Ang weird nga eh," paliwanag ni Kaka
Kasunduan? Bakit sya makikipagkasundo sa mga bully? Hindi to maaari, hindi kaya ito ang kasunduan nila para hindi ako mapatalsik dito sa school.
Anyway sinunod ko na lang ang sinabi ni Jazer na maghintay ng tamang pagkakataon para kausapin si Jilted. Hanggang masid lang muna ako sa kanila, ganun din sa oras ng klase lalo't kaklase din namin ang dalawa sa mga bully na si Leish at ang pamangkin ng School Administrator na si Chell.
Pumatak yung oras ng break time pero di na ako makapaghintay na malaman ang sagot mula kay Jilted. Kakausapin ko na sana sya sa upuan nya pero...
"Ahm, Dark makikisuyo," bigla akong tinawag ni proffesor Jhayde. "...Pa-photocopy naman eto tapos ibigay mo sa mga classmate mo mamaya after the break,"
Paglingon ko ulet sa kinauupuan ni Jilted, wala na sya dun at mukhang isinama nanaman sya ng Chell na yun. Geez asar naman kasi si proffesor Jhayde. Kababalik ko lang sa school ako agad inutusan.
Sinunod ko na lang yung inutos ni Prof. Jhayde, hindi na nga ako nag break. Sa halip ay inasikaso ko na lang ibigay sa mga classmate ko yung mga pina-photocopy saken. Since nakalista yung mga name ng mga nagbayad ng photocopy sa papel. Inuna ko ng bigyan yung mga naiwan sa loob ng room. Sila yung mga tipo ng taong di lumalabas ng room pag breaktime. Malamang walang pera ang mga ito.
"Nandito ba si Mhico?" tanong ko
Siya kasi una sa listahan ng mga nagbayad. Pero syempre ginamit ko din ang mata ko para hanapin sya pero mukhang hindi ko naman masense yung mala-coco martin na aura nya.
"Akin na yan," kinalabit ako ng lalaking nasa kaliwang upuan kung saan ako nakatayo
"Wait lang tol, anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya habang inihahanda ang bolpen para markahan ang pangalan nya sa papel
"Ako nga si Mhico, ang kulet mo rin eh!" bigla nyang sagot
Mhico? Si Mhico ba ang lalaking ito? Gulo gulo ang buhok nya na medyo may pagkakulot at may makakapal na eyeliner sa dalawang mata nya. Do you think sya yung tinatawag na coco martin look a like?
"Di nga?" pagtataka ko
"Hep!" bigla nanamang sumulpot si Kaka sa likuran ko. "...Ang lalaking nasa harap mo ngayon ay walang iba kundi si Mhico nga. Wala na ang dating Mhico na kilala mo dahil newlook na sya ngayon. Kung kilala mo ang vocalist ng bandang greenday. Sya na ang bagong iniimpersonate nya ngayon,"
"Ahem excuse me, I'ts Billie Joe Armstrong right?" biglang singit ni Mhico
"Ay hinde, baka si Neil Armstrong Haha, de' joke lang," ani Kaka
"Anyway, hindi ko sya iniimpersonate. Ang tawag sa style ko ay Punkistang rakista at pwede ba? Wag mong ikukumpara si Billie Joe kay neil armstrong, american astronaut naman yang sinasabi mo" sagot ni Mhico
"Okey po, alam ko namang greenday fanatic ka. Pero mas cool parin si neil armstrong. Ang unang taong nakatapak sa buwan," sabi ni Kaka
"Duh, magyabang ka saken pag sya ang unang nakatapak sa sun," sagot ni Mhico
ITUTULOY . . .
![](https://img.wattpad.com/cover/3790263-288-k189802.jpg)
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
ФэнтезиAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...