CHAPTER 44
Diane
POV
Oh.. Ghaad! Yung boy na yun. Di ko akalain na seseryosohin nya yung sinabi nya noon na gagawa sya ng way para mapatawad ko lang sya. Sinabi ko naman na wag na eh ba't ba ang kulit nya.
"Uy Diane, sino yun? Bagong suitor mo nanaman?" bungad sa akin ni Paula nung marating ko sila ni Jannela
Magkasama silang dalawa at kanina pa pala sila naroon sa hallway, kaya malamang nakita nanaman nila yung pagtataray ko.
"Hindi ko suitor yun, hindi ko nga kilala yun eh," deny ko
"Hindi daw kilala, maniwala ko sayo," ani Jannela
"Promised di ko sya kilala," sabi ko
Paki-alam ko naman sa name nun, di ko naman talaga alam yung name ng guy na yun. Ang alam ko lang sya yung nagnakaw ng I.D. ko.
"Siraulo! Si Dark kaya yun," si Paula na dinuro pa ako sa sentido
"Dark," sagot ko na parang di interesado
"Oo sya nga, eto talaga oh. Lagi ngang name-mention ni mam Grace yung name nya kaya medyo natandaan ko na sya," dagdag ni Paula "... di ko alam na nililigawan ka pala nun haha,"
No comment na lang ako sa mga sinasabi ni Paula dahil hindi naman talaga totoo na nililigawan ako ng lalaking yun. Pauwi na rin naman na kaming tatlo at gusto ko na ring magpahinga.
"Tapos yung kasama lagi ni Dark yung si Jazer, soulmate naman yun ni Jannela hahaha," patuloy na daldal ni Paula
"Huy ba't nadamay pangalan ko dyan?" si Jannela
"Oo, para dobol date kayo ni Diane. Sya kay Dark, ikaw kay Jazer. Ang sweet noh... ako kaya sino?" sagot ni Paula
"Excuse me Paula, sayo na yung Dark na yun, kayung dalawa nalang magdate. Hindi ko kaylangan ng boyfriend noh," sabat ko
"Makapagreact ka naman, ba't ba parang diring diri ka kay Dark. Tapos kanina tinarayan mo pa sya," si Paula na mukhang naiintriga "... Ano bang meron sa inyong dalawa, sige na kwento mo naman samin ni Jannela,"
Hayst, sige na nga, tutal magkakaybigan naman kami. Kaya okey lang na sabihin ko sa kanila at isa pa mukhang di ako titigilan ni Paula.
"Yung kasing Dark na yun, sya yung sinasabi ko sa inyo na nakakuha ng nawala kong I.D. noon. Kaya nga galit pa rin ako dun sa lalaking yun," paliwanag ko
"Wah... Sya ba yun? Ikaw naman friend, ang tagal na nun ah," reaksyon ni Paula "... Alam mo Diane paminsan minsan hindi naman masama ang magpatawad. Patawarin mo na kasi, ito talaga. Nag-eefort naman siguro yung tao,"
Hmm... Magpatawad? Pansin ko nga sa sarili ko na parang pride nalang umiiral sa akin. Kapag nakikita ko naman yung Dark na yun parang dedma nalang sa akin di tulad dati na halos mag-apoy ako sa inis. Sapat na kaya yung dahilan para magpatawad at nang sa ganun ay para tigilan na rin ako ng lalaking yun.
Nakalabas na kaming tatlo sa school pero patuloy pa rin si Paula sa pagsasalita nya. Habang kaming dalawa ni Jannela tahimik lang na nakikinig sa kanya. Maya-maya lang ay maghihiwalay na rin kami pag nakasakay na kami sa jeep.
"Pero anong malay mo, kayong dalawa pala magkatuluyan, hehe," si Paula na patuloy pa rin sa panunukso sa amin ni Dark
"Itigil mo na nga yan Paula, suko na ako," sabi ko
"Halu, mas boto ko naman para sayo si Dark, kaysa dun sa isang suitor mo na mukhang adik, anong pangalan nun?"
Kilala ko kung sino yung tinutukoy ni Paula, basta mukhang adik. Alam kong sya na yun. Pero sana malinaw na sa adik na yun na basted na sya sa akin.
"Si Lester? Ang kulet nga nun, di pa ba obvious na ayaw ko sa kanya," panigurado ko
"Binasted mo na ba yung adik na yun," tanong ni Paula
"Parang ganun na nga,"
"Ang adik kasi nun eh, pero ingat ka dun friend. Baka may mga fraternity yung adik na yun,"
Pagkatapos ay kinalabit kaming dalawa ni Jannela. May tinuturo sya sa amin medyo malapit sa sakayan eh "Lester ba? Diba sya yun," bulong nya
Oh My! Pinaguusapan lang namin. Biglang nagpakita. Oo yung adik na Lester na yun. Nandun sa gilid payosi yosi. Magtatago sana kami kaso huli na dahil napalingon na sya samin.
*Bbrrrooomm*
Sumakay sya dun sa motor nya, pagkakakita nya sa amin. Tapos pinaandar nya saka huminto sa harap namin.
*Brrooomm!*
"Hatid na kita sa inyo, angkas na kita," sabi nya na nakatingin sa akin sabay tapon ng upos ng sigarilyo sa likod
"Wag na! Sasakay kami ng jeep at may kasama ako oh," sabi ko
Pinatay nya yung makina ng motor nya "Jeep! Jeep nanaman, ano ba Diane," sabi nya na parang naguumpisa yatang makipagtalo sa akin "... Ano bang meron ang jeep na yan? Tugtog? May tugtog naman yung motor ko ah, ano gusto mo? harlem shake, meron na akong tugtog nun?"
Eto na yung pangatlong beses na pumarada nanaman sya dito sa tapat ng school. Pero kaylanman di ako sumakay sa motor nya baka kung san ako dalhin nitong adik na to.
Naging magkaklase kami ni Lester fourth year high school pa, pero di na sya nag-aral pagkatapos nun.
Malay ko bang liligawan ako nito ngayon. Para tuloy nagkaroon pa ako ng isang stalker.
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
ФэнтезиAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...