CHAPTER 21

108 1 0
                                    

CHAPTER 21

Medyo may dating din naman si khenji, may diskarte sa buhay at mukhang suportado din sya ng mga tropa nya, parang sya yung tumatayong leader nitong mga buraot boys

"Wahaha, kanya lang daw si Diane, baket may pangalan mo?" sabi ng isang buraot boys na if I'm not mistaken, Bart ang pangalan

"Wala, pero idudugtong ko rin yung last name ko sa pangalan nya soon, haha," sagot ni khenji

"Soon talaga ah, bilisan mo baka ako pa makauna sayo," sabi ni Bart

"Hoy Bart, wag ka ng dumagdag sa mga karibal ko okey,"

Pagkatapos ay nabaling muli ang atensyon ni khenji sa'min

"Pasensya ka na pareng majikero, napagkamalan pa kitang karibal ko," sabi nya sa akin tapos tinapik-tapik nya pa yung balikat ko

"Ah wala yun," sagot ko

"Ayan, kung ganyan ka lang lage, magkakasundo tayong dalawa, sya nga pala, pahiram na lang nung deck of cards mo, sa iba na lang ako makikipaglaro," sabi nya

"Huy malapit na mag-start yung class, diba bawal yung sugal dito sa school," sabi ng isa sa mga buraot boys yung medyo mabait sa kanila, si Rex

"Wag ka ngang praning Rex, 10minutes pa bago magsimula yung klase," pagpipilit ni khenji tapos inilapat nya yung palad nya sa harap ko "akin na yung baraha,"

Binigay ko na lang sa kanya yung kaha na naglalaman ng baraha na ginamit ko sa kanila kanina pagkatapos ay nakita ko nalang yung dalawa sa buraot boys na may hatak hatak na isang estudyante, yung kaklase rin namin

"Eto khenji oh, laro kayo ni Jilted," sabi ni Bart na isa sa humahatak dun sa estudyante

"Haha! game na game ba yan?" tanong ni khenji na binabalasa yung cards

"Oo, nakipaghabulan pa nga sa amin ni Omar yan eh," sagot nya

"Dalhin nyo dito," utos ni khenji

"Anu ba kasi yun?" reaksyon ng lalaking estudyanteng hatak hatak nila na tinawag nila sa pangalang Jilted

Hindi ko alam ang background nitong si Jilted kung katropa nya ba talaga itong mga buraot boys o binu-bully lang sya pero mukha namang magkakakilala na sila

"Taena pinag-tripan nyo nanaman yan," napakamot na sagot nung Rex

"Loko ka Rex, nagti-trip daw, maglalaro lang kami ni Jilted ng lucky 9, diba Jilted," sabi ni khenji na parang kumakausap ng bata

"Anung lucky 9, di ako marunong nun," sabi nung Jilted

"Haha, di daw marunong pre, tara turuan natin, ikaw magturo Omar," nakangiting si khenji

"Ako sige sige," sabi nung Omar tapos kinindatan nya si khenji, yung parang may masamang balak

( tado talaga to si khenji, peperahan nanaman si Jilted ) --->Omar

Habang pinapanuod ko sila, nagulat ako ng may kumalabit sa akin, si Jazer pala at pinapasunod nya ako sa kanya

"Tara na Dark, di pa tayo nakakapagpalit ng P.E. uniform," sabi ni Jazer

"Ah oo nga pala," sagot ko

"Nauna na si Kiel dun sa C.R., dun na rin tayo magpalit ng uniform tara na," sabi ni Jazer

Pero muli akong lumingon dun sa mga buraot boys bago ko sila iwan dun at napansin ko yung Jilted

( buset! ako nanaman yung nakita ng mga ito ) :'( ---> Jilted

Sa sitwasyon nya parang binubully nga sya ng mga buraot boys, kaya nga nakokonsensya ako kung iiwan ko na lang sya ng ganun

"Jazer, mauna ka na sunod nalang ako," sabi ko at nagmatapang lumapit dun sa mga buraot boys na nakapalibot kay Jilted

"Huh?" reaksyon ni Jazer

Hindi ko alam kung sinunod nga ni Jazer yung sinabi ko pero tinalikuran ko na sya nun at saka ko nilapitan yung mga buraot boys, naupo rin ako sa tabi nila at dinampot ko yung mga barahang nakalapag sa sahig para matigil na yung binabalak nila

"huy huy, anung ginagawa mo," reaksyon ni khenji

"Binabawi ko lang yung mga baraha ko," sabi ko

"Eh hindi pa kami tapos mag-enjoy eh,"

"Yun nga eh, sigurado bang nagkakatuwaan kayo oh kayo lang natutuwa sa ginagawa nyo," di ko na nakontrol yung sarili ko pero nabigkas ko yun

( Aba loko to ah, ) ---> >.< khenji

"Ba't nakikialam ka sa amin pare," sabi ni khenji na parang mag-uumpisa na ng away

"Pare tama na," sabi ni Rex na nasa likod lang nya

"Okey sorry," biglang kalma ni khenji

( kung di lang talaga ako nanalo sayo ng fourty pesos kanina tsk! tsk! ) ---> khenji

Hayst , napabuntong hininga na lang ako, buti na lang may kontrol pa rin yung mga buraot boys at tumigil na sila, sinauli naman nila ng maayos yung mga barahang hiniram nila sa akin bago sila umalis, at naiwan naman dun si Jilted na nakaupo pa rin sa sahig

"Anu ayos ka lang?" sabi ko sa kanya at lumingon sya sa akin na naka sad face

"Salamat nga pala dun ah," sabi nya

"Wala yun, ingat ka na lang sa susunod," pagkasabi ko nun nagulat ako sa sagot nya

"Pagpasensyahan mo na ako, aking kaybigan, Pagka't ako'y di marunong lumaban, Batid kong ito'y aking kahinaan, Nagpapasalamat pa rin ako sayong mabuting kalooban,"

Akalain mo yun, na-bully na nga, nakapagtula pa O__O

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon