CHAPTER 57

76 3 2
                                    

CHAPTER 57

Dark

POV

Pagkatapos ng klase, bigla nalang nawala sa paningin ko itong si Jilted. Kakausapin ko pa nga sya diba. Saan ba nagpunta yung taong yun? Kaya ito tuloy ako ngayon pakalat kalat pa sa school at naghahanap kung hindi pa ba sya nakakauwi.

Anyway medyo shock pa rin ako sa mga nangyari matapos ang announcement na wala na nga talaga si Leish. Hayst... Ang buhay nga naman, mahirap talagang i-predict, hindi natin alam kung baka bukas makalawa eh hindi ka na magising bigla.

"At ikaw!"

Bigla akong nakarinig ng isang boses ng babae nung madaanan ko yung abandunadong room ng school. Kaya napadungaw ako sa loob ng maliit na uwang nito at bigla akong napatago ng makita ko yung pamangkin ng School Administrator na si Chell pala yung narinig kong nagsalita kanina. Nakayuko syang nakaupo sa isang medyo maayos na upuan na nakatambak sa room na yun.

"...Diba ang sabi ko, iwan nyo muna ako. Ba't di ka pa rin umaalis!" muling sigaw ni Chell

Agad na nagtanong sa utak ko kung sino ang kausap ni Chell, kaya pinilit kong ilibot ang tingin ko sa maliit na uwang ng lugar kung saan naroon din ako't nagtatago.

"Jilted?" sabi ko sa sarili ng mapagtantong sya pala ang kausap ni Chell

Ano kayang ginagawa nilang dalawa dito. Alam na kaya nilang wala na si Leish. At bakit tila yata nagtatalo pa silang dalawa.

"Iwan mo na ako, gusto kong mapag-isa!" muli nanamang sabi ni Chell

"Pero... pero concerned lang naman ako sayo eh," mahinang tugon ni Jilted

Huh? Anudaw, nasisiraan na ba si Jilted? Matapos syang gawing uto-uto ng Chell na yan. Concerned pa sya?

Pero mas nagulat ako sa sumunod na nangyari ng tumayo si Chell at bigla nyang tinadyakan yung mga nakatambak na upuan at nawala ang ayos ng mga pagkakapatong nito.

"Hindi ka ba marunong umintindi!" medyo galit ng sigaw ni Chell. "...Wala akong inutos na maiwan ka rito, kaya lumayas ka sa harap ko!"

"...Alam mo, hindi kita maintindihan eh... Kung bakit nagpapakatanga ka dyan sa kaybigan mo. Kung bakit pumayag ka sa kasunduan na maging utusan namin para lang di mapatalsik si Dark na pwedeng di mo naman gawin!" dagdag pa ni Chell

So totoo nga ang hinala ko na nagsakripisyo nga si Jilted para saken. Bagay na hindi ko talaga sasangayunan. Medyo nakiramdam na ako na mukhang kaylangan ko na ring magpakita sa kanilang dalawa at baka kung ano pang gawin ni Chell kay Jilted pero sandali ulit akong napahinto ng si Jilted naman ang narinig kong nagsalita.

"Nagpapakatanga! Yun ba ang tingin mo saken!"

Wow, ngayon ko lang narinig na malakas din pala boses nitong si Jilted. Mas lalo tuloy akong naging interesado sa sasabihin nya.

"...Yan din ba ang sasabihin mo kay Leish kung nabuhay sya! Ang nagpakatanga!" sabi ni Jilted

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Chell

"Chell, kagaya lang din ako ni Leish. Kagaya nya lang din akong marunong magpahalaga sa isang kaibigan. Hindi mo ba naintindihan ang ginawang sakripisyo sayo ni Leish? Chell, niligtas ka ni Leish gaya din ng sakripisyo ko para kay Dark. Tapos sasabihin mo, isang katangahan lang ang lahat?"

Wala akong masabi, pero isa lang ang sigurado. Alam na nila na patay na si Leish. Mula naman sa maliit na uwang kung saan ako nakasilip, iniliko ko naman ang tingin ko kay Chell at dun ko nakita ang pagpatak ng mga luha nya. But wait hindi pa tapos si Jilted.

"...Sana makita mo ang lahat. Kung paano ka niligtas ni Leish sa kapahamakan nung tinulak ka nya palayo bago kayo masagasaan. Alam nyang dalawa kayong mapapahamak pero alam nya rin na maaaring makaligtas ang isa kung magsasakripisyo ang isa at ginawa nya yun para sayo Chell. Nakita ko ang lahat, sana nakita mo rin ang itsura ni Leish nun. Ang mga mata nyang nangungusap na parang handa na sya sa mga mangyayari. Ang mga ngiti nyang nagsasabing mabuhay ka para sa kanya at masaya sya sa nagawa nya para sayo. Lahat yun nagawa nya dahil kaibigan ang turing nya sayo Chell,"

"Tama na!" biglang sumigaw si Chell

Bigla rin syang nagwalk out pagkatapos at nilagpasan ang nakatayong si Jilted pero ang pagluha ng kanyang mga mata ang tila hinding hindi nya maitatago pa kahit takpan pa ito ng kanyang mga kamay. Sa pagkakataong ito, tinablan talaga sya sa mga sinabi ni Jilted. Pero bigla kong naalala papunta pala dito ang direksyon ni Chell.

Saktong pagtayo ko mula sa sinisilipan ko ang biglang pagdaan ni Chell. Akala ko papatulan nya ako pero nilagpasan lang din nya ako ng lakad. Aasarin ko sana yung eyeliner nyang nabura dahil sa mga luha nya pero wala na eh, umalis agad sya.

Sunod namang lumabas ng room si Jilted, pero sinalubong ko na sya ng nakathumbs up pa ang dalawang kamay ko na nagsasabing bilib talaga ako sa mga sinabi nya.

ITUTULOY . . .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon