CHAPTER 45.5
<Continuation of Jazer POV>
"Hayst! Pag kinain ka ng ipis dun ka magsisigaw ha!"
Halos lumabas na naman yung pagkapranka na ugali ko. Sa totoo lang pinipigilan ko yung ugaling ganito. Yung tipong pumapatol na ako sa babae.
Kaya para maiwasan na yung ganto. Tinangka ko uling lumabas sa bintana at iwan roon si Jannela. Pero matigas talaga ulo ng babaeng yun.
"Sandali lang!"
"Ano nanaman?" tanong ko
"Ipis, ba't ang daming ipis dito?" medyo gilid na rin ang mga luha nya nun dulot na rin ng katitili nya
"Ipis? Panahon siguro ng pangingitlog nila kaya sila naglalabasan, pero mawawala rin sila pagkatapos ng ilang minuto," paliwanag ko
Nang sa tingin ko ay wala na akong dapat ipaliwanag sa kanya. Sumampa ulit ako sa bintana para muling bumaba pero umiyak na si Jannela.
"Wag ka ng umalis, please," nangangatog na sya sa takot at hindi makatayo sa inuupuan
"Hindi naman pwede yun," sagot ko
Syete talaga, kung ibang lalaki lang talaga ako baka pinagsamantalahan na tong babaeng ito. Hindi kami pwedeng mag stay dito ng isang gabi. Pero infairness may awa pa palang natitira sa akin.
Umupo ako sa tabi nya, may naisip akong tanging paraan kaya kinausap ko sya. "Anong network ng sim mo?" tanong ko
"Huh? Globe bakit?" sagot nya
Ngek! Buset wala akong alam sa globe. Asar ayoko talagang gamitin yung utang load sa smart gamit ang sarili kong sim pero para matapos na'to, sige for emergency gagamitin ko sya.
Nakita ako ni Jannela na may idina-dial sa cellphone ko. "Anong ginagawa mo? Akala ko wala kang load?" tanong nya
"Wala nga, kaya nga ginagamit ko yung utang tricks ni smart para magkakaroon ako ng 3 free text at one peso balance," paliwanag ko
"Wow ang galing naman nyan,"
"Galing noh, dahil dyan babayaran mo kong kwatro ulol,"
"Ouch grabe ka naman magsalita, ba't ba ganyan yung ugali mo,"
Matagal na panahon na rin. Sya ang kauna unahang babaeng nagtanong ng ugali ko. Actually sinanay ko na ang sarili ko na maging ganito pag nakikipagusap sa mga babae, at sya palang ang naglakas loob na tanungin ako.
"Bakit? Ano bang problema sa ugali ko?" pasimple kong tanong
"Hayst, kala mo nakalimutan na kita Jazer," sagot nya
Wow ah, kilala nya rin pala ako. Well ako alam ko rin naman pangalan nya dahil likas na sa akin ang pagiging matandain sa pangalan.
"... Nung una bilib ako sayo, diba nga ako yung nagcheck ng paper mo sa math, sabi mo pa nga perfect eh. Pero dun palang pansin ko na yung ugali mo, ba't ba ganyan ka makipag-usap. Parang hindi ka marunong gumalang sa babae eh," dagdag nya
Habang dumadaldal si Jannela, naghahanap na ako ng pwedeng i-contact sa mga posibleng nandito pa sa school ng mga oras na yun. Pero hindi ako makapag-isip kung kanino ko ilalaan ang four text na yun dahil sa mga pinagsasasabi ni Jannela.
"Okey, sige di ako marunong gumalang ng babae, eh sa panata ko na yun eh," sagot ko "... Dati kasi, isa akong chickboy, Gets? Pero dahil ayoko ng ibalik ang ugaling yun, nagbago ako,"
Anyway malalim ang dahilan kaya tinalikuran ko ang pagiging chickboy. Naging parang trauma na sa akin yun at nangakong di na ulit gagawin. Kaya nga bastusan ako makipagusap sa babae dahil baka maulit ulit. (=3=)
"Aw chickboy ka pala? Haha,"
Ayan at pinagtawanan pa ang pagiging chickboy ko. After that nagring yung phone nya. Habang ako naman nagsesend ng message kay Kiel, next naman si Dark.
Hindi ako siguradong matutulungan nga kami ni Kiel pero sigurado naman ako kay Dark dahil alam kong nandito pa sya sa school. So may two text pa akong natitira.
"Oops diba may load ka na?" biglang tanong ni Jannela "... Nagtext yung friend kong si Diane, pag di daw ako nagreply, aalis na daw sya, kaya sya nalang itext mo please,"
"Ano namang network ng Diane na yan? Globe?" tanong ko
"Oo!" sagot nya
"Oh maghintay ka, sayang yung free text na piso pag other network agad yung tinext ko,"
Naisip kong i-text si Rex, kung di ako nagkakamali ng dinig, may dota daw sila ngayon. So nasa malapit lang silang computer shop nakatambay ngayon. Pero nung ise-send ko na, dun pa ako minalas at nagkamali ako ng send ng name. Dun pa sa other network. Hahaha!
If I remember kung sino ang taong napadalhan ko ng maling mensahe ay yung ka-group member kong di umatend nung nag-groupings kame. Diba may kaisa isang member akong di umatend nun. Sya yun.
"Aw sorry, Jannela zero balance na ako," sabi ko (^^,)
Dark
POV
Mga ilang minuto na lumipas pero wala parin si Jazer. Ba't ang tagal ng lokong yun. Naisip kung dukutin sa bulsa ko yung cellphone ko baka nagtext sya, naka silent mode kasi ako eh. Pero napansin kong lumabas na si Diane.
Nainip na siguro sya sa hinihintay nya. Pero mas umagaw ng atensyon ko ang kahinahinalang lalaki sa labas ng gate. Una palang masama na kutob ko sa kanya. Kaya ang dapat sanang pagdukot ko sa cellphone ko ay di ko na naituloy dahil sa lalaking yun ako nafocus.
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasyAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...