CHAPTER 26

90 1 1
                                    

CHAPTER 26

Halos kapusin ako ng hininga ng makita ko ang drawing na'yon, it means na si Mhico pala ang gusto ni Charlotte, ito pala ang sikreto nya, ang lihim na pagtingin nya kay Mhico

Well sino ba namang babae ang di hahanga kay Mhico, bukod sa gwapo ay kahawig pa ng artistang si coco martin, pero masakit din palang malaman mo sa sarili mo na iba ang gusto ng taong gusto mo T___T

May pinapahiwatig ba ang lahat ng pangyayaring ito, gusto bang iparamdam sa akin ng karma ang ginawa din namin kay Fhane, I'm sure pareho na kami ng nararamdaman ngayon

Pero hindi basta basta nagpapakita ng emosyon ang mga lalakeng gaya ko kaya tinago ko ang kalungkutang nararamdaman ko, paulit ulit ko na lang na iniisip na at least nalaman ko na ng maaga at hindi na ako gumawa ng moves at effort

Pero nandun pa rin ang panghihinayang, well ganun talaga, kung hindi talaga kayo para sa isa't isa, tanggapin mo nalang

Teka ba't ang EMO ko masyado eh wala naman kaming relasyon ni Charlotte, hindi naman kami magsyota para mag emote ako ng ganito, basted lang ako sa pag-ibig, mas mabuti na yun kaysa sa pinapaasa ka pa >__<

Buti na lang nagpauwi na yung profesor namin, kanina ko pa gustong umuwi at dun sa bahay magmuni-muni, ang hirap kayang mag-emote pag nasa klase ka

Paglabas ko ng school hindi ko ineexpect ang nakita ng dalawang mata ko, si Fhane, nakatayo sya sa labas may bitbit syang plastic envelope na may mga papeles sa loob nito, pero hindi sya naka-uniform sa halip ay naka-civilian

Nakatingin sya sa akin at parang hinihintay nyang makalapit ako sa kinatatayuan nya, nararamdaman ko na parang may gustong ipahiwatig si Fhane pero mukhang hindi galit ang gusto nyang iparamdam sa akin kundi mas malalim pa dun

"Fhane?" sabi ko ng marating ko sya

Ngumiti sya sa akin katulad ng mga ngiti nya dati at yun ang gusto kong makita sa kanya parati hanggang ngayon

"Bakit hindi ka pumasok, at bakit naka-civilian kang pumunta dito?" tanong ko dahil yun ang pinagtataka ko sa kanya

"Dark sorry, pero magda-drop na ako," sagot nya

"Drop baket?"

"Hindi ko pala kaya yung course sorry," sagot nya

Hindi na ako nabigla sa mga sagot nya pero ang mga mata nya, napansin ko na nangingintab na sa mga luha nya, pinipilit nya pa ring ngumiti sa harap ko kahit sa loob nya ay nalulungkot na sya

Alam ko sa sarili ko na ako ang dahilan ng pagluha nya at kaya sya nalulungkot ngayon

"Pero Fhane, two days ka palang pumapasok, hindi mo pa halos naeexplore ang course natin diba," sabi ko pero napatawa lang sya ng matipid

"Ahe, pinapaalala mo pa, naalala mo ba yung sinabi ko sayo noon bago ako pumasok dyan, tinanong mo pa ako kung sigurado ba ako sa courses na pinili ko, tapos sinabi ko pa na magtiwala ka sa akin pero heto, wala pang isang linggo nagquit agad ako," sabi nya tapos nakita ko syang kinusot ng kamay nya ang mga mata nya

Halatang hindi nya na napigilan ang emosyon nya ng mga sandaling yun bagamat nakangiti parin sya pero alam kong ginagawa nya lang yun para mabawasan ang pag-aalala ko sa kanya pero ang hindi nya alam na nasasaktan din akong makita syang ganun

"Heto nga eh, inaasikaso ko na yung mga papeles ko dito sa school," sabi nya at inangat pa nya ang plastic envelope na hawak nya

"Pasensya ka na huh, eh mukhang di na kita masasamahan dyan sa school, pero promised ko sayo na nandito ako sa graduation mo, sasamahan kita... bilang iyong kaybigan Dark,"

Hindi na ako nakapagsalita sa mga sinabi nya, nakatingin nalang ako sa mga mata nyang namumula kakakusot sa mga luha nya

"Ano ba yan, nagdrama pa ako dito, actually pauwi na rin naman ako edi sana dun ko nalang sinabi, pero Dark gusto kong sabihin sayo na---" sabi ni Fhane pero natigalan pa syang magsalita

( I love you Dark ) ---> Fhane

"Gusto kong sabihin na pagbutihin mo ang pag-aaral mo,"

Alam ko na hindi yun ang gusto nyang sabihin sa akin pero pagkatapos nyang banggitin yun ay bigla syang lumapit saken at tsaka mahigpit nya akong niyakap na parang wala ng bukas

Hindi naman malaki ang agwat ng height namin ni Fhane pero ramdam ko ang pagbaba ng ulo ko dahil sa higpit ng yakap nya

Hindi ko man nakikita ang mukha nya dahil sa pagkakayakap nya sa'ken ay ramdam ko naman ang mahinang hikbi dulot ng kanyang pigil na iyak

Pagkatapos ay marahan syang bumitaw sa pagkakayakap ngunit iyon namang bilis nya sa pagpunas ng tumulo nyang luha, pinilit nya muling ngumiti sa harap ko kahit alam ko na umiiyak na sya pero wala man lang akong ginagawa para i-comfort sya

"Bye," sabi nya at mabilis syang tumalikod papalayo sa'ken

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon