CHAPTER 3
Lumabas na ako sa bahay ni james, agad ko namang natanaw ang highway pero malayo na ito sa school namin, balak ko sanang iwan yung I.D. sa school pero nagmamadali na talaga ako at mag-aalas quatro na ng hapon, naisipan kong bukas ko na lang gawin yun
Naglakad ako papuntang highway ng may masalubong akong lalake, napahinto ako dahil nababasa ko rin ang iniisip nya
( teka magkano na nga pala utang ko kay aling . . )
Napahinto sya sa pag-iisip, nung makita nya akong nakatingin sa kanya
( ano ba yan, may bakla pa rito )
Ang kapal ng mukha, isipin pang bakla ako, eh mukha naman syang hipon, pagkatapos nun hindi na ako lumingon sa kanya, naglakad ako at nilagpasan ko sya
Pero nasa isip ko pa rin ang mga nangyayari sa akin ngayon, mula pag-abang ko ng jeep, pagsakay hanggang pagbaba, lahat ng taong nakikita at nakakasalamuha ko, nababasa ko ang iniisip nila
Hindi ko alam kung dapat akong matuwa sa abilidad na'to pero napalitan ang dating tahimik kong mundo na ngayon ay sobrang ingay na
Nakarating na ako ng bahay kakaisip nito, at unang bumungad sa akin si papa, maliit lang ang bahay namin at pagpasok mo sa loob ay makikita mo ang maliit naming sala
Nakahiga sa sofa na yari sa kawayan ang papa kong si Khant, nanunuod ito ng telebisyon at may hawak na remote, madalas ganito si papa pag walang trabaho, pa-extra extra lang kasi ito sa construction worker at nataon na wala silang gawa ngayon
Madalas walang pakialam sa akin ang mga magulang ko kaya di pinansin ni papa ang pagdating ko, pero nakakapagtakang wala akong nababasa sa iniisip ni papa
Siguro ganun talaga ang utak ng tao, wala kang iisipin kung naka-focus ka sa isang bagay o tinatawag na learning, clear ang utak ni papa dahil na rin siguro sa panunuod nya ng T.V. pero dahil sa tagal kong naka-istambay sa pinto ay napansin nya ako
"anong tinitingin tingin mo dyan," sabi ni papa
"ah wala po," lumapit ako para magbless sa kanya pero tinabig nya ako
"oy tabi, humaharang ka sa t.v." sabi nya
"sorry,"
Iniwan ko na lang sya duon, hindi ko na itinuloy ang pagbless ko sa kanya, ni-hindi nya nga tinanong kung bakit ngayon lang ako umuwi
Inilapag ko ang bag ko at nakita ko si mama sa kusina, palagay ko goodmood itong si mama ngayon at pakanta kanta na puro "hmm. ." ang lyrics, may niluluto yata sya pero hindi ko alam, hindi pa ako nanananghalian pero sigurado ako na kumain na sila
Nakatalikod ang mama kong si syne, at napansin nya lang ang pagdating ko ng nagsalita ako
"ma, may pagkain, anong ulam," tanong ko
Humarap sya sa akin "hala eh, buklatin mo yung kaldero ng malaman mo," sagot nya
Napakamot lang ako ng ulo dahil tama nga naman si mama, pupuntahan ko yung nakatakip na kaldero pero nagsalita ulit si mama
"ba't ngayon ka lang?," tanong nya
"ahm, may tinapos lang sa school," pagsisinungaling ko
"tinapos?, nakipagsuntukan ka no, tingnan mo yung uniform mo, ang dumi,"
Naku, oo nga pala, napahiga pala ako sa kalsada nung mawalan ako ng malay kanina, tiningnan ko yung uniform ko, puro alikabok at lupa na
"wala ito, nadapa lang kanina," palusot ko
"tss. . maghugas ka muna ng plato bago mo labahan yan, at walang magamit na plato puro nasa hugasan," sagot nya
Madalas ganito si mama, walang pakialam sa pag-aaral ko, si tita lang naman yung nagpumilit na pag-aralin ako ng college, dapat nga labahan ko muna ito dahil dalawa lang ang uniform ko, pero dahil anak lang ako, wala akong karapatan sumagot
Nagbihis na ako at kumain, pinapanuod ko lang si mama habang kumakain ako, nagluluto na kasi ito para sa hapunan, inaabangan ko yung iisipin nya at kung bakit masaya sya ngayon, madalas kasing masungit ito kaya nakakapanibago at di naman ako nabigo dahil nagisip na sya
( naku buti na lang at ang laki ng panalo ko sa bingo, ano kaya, magbabayad na ba ako ng utang, hmm. . wag muna siguro, )
Ahh. . kaya pala, nanalo pala sa bingo si mama, well di na nakakagulat kasi alam ko naman na bisyo nya na ang pagbibingo nuon pa, nagfocus na lang ako sa pagkain at marami pa akong gagawin
5:30pm na rin pagkatapos kong labahan yung uniform, hindi ko muna nilabahan yung pantalon kasi may extra pa akong isa para bukas haha, isinampay ko na yung uniform ko sa labas sa may silong, palubog na kasi yung araw kaya pinatulo ko na lang ito
Bago ako bumalik sa loob ng bahay ay may naisip ako, dahil nababasa ko ang isip ng tao sa pamamagitan ng pagtingin sa mata, uubra rin kaya ito sa hayop, nakita ko kasi yung pusa ng kapitbahay namin na napadaan sa tapat ng bahay namin kaya hinuli ko ito
"huli ka muning!," sabi ko nung madakma ko ang pusa
"meow, meow," ungol nya
Hinarap ko sya sa akin para makita ko sya ng mata sa mata
"mag-isip ka muning, isep!," parang tanga kong sabi, total wala naman nakakakita sa akin
Teka sa wakas, nabasa ko na ang iniisip ng pusa na ito, hindi bumuka ang bibig nito pero nag-isip sya
(Meow, Meow)
Geez Hindi pala marunong magsalita ng wikang pilipino ang pusa
ITUTULOY. . .

BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasyAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...