CHAPTER 28
Totoo nga na minsan ay mga sikretong mas mabuting itago na lang, kung naibabahagi man nila sa akin ang kanilang mga sikreto sa pamamagitan ng ability ko ay kaylangan ko itong matutuhang irespeto
Ang nangyari kasi ay masyado akong nagpaapekto sa mga iniisip ni Fhane na pwede ko namang unawain o itago sa sarili ko, ang nangyari tuloy ay parang pinagkaisahan pa namin si Fhane na naka-sama sa kanya at pati ako apektado
"Kasalanan ko rin pala," mahinang tugon ko sa aking sarili
"Ay hinde! Kasalanan ito ng extra ordinary ability ko," napalakas kong sabi
"Wala ng mangyayari kung sisisihin mo pa yan," sabi ni Camote cue "Hindi naman siguro puro negatibo ang dulot nyang powers mo, puro lovelife lang ba ang silbi nyan?"
Hmm.. San ko ba ginagamit ang powers ko bukod sa basahin ang isip ng mga profesor para sa recitation meron pa ba ~__~
"Ah yung isinugal ko yung pera ko sa mga buraot boys," sagot ko
"Sugal?" reaksyon nya
"Oo, pero akalain mong natalo pa ako tsk tsk,"
"Hindi yan ang ibig kong sabihin, yun bang nagamit mo na ba sya sa kabutihan, mga ganun?"
"Ahh wait," sabi ko tapos napayuko ulit ako para mag-isip "Ah yung nalaman ko na binubully pala yung kaklase kong si Jilted,"
"Oh anung ginawa mo?" tanong nya
"Ayun, gumawa ako ng paraan, tinulungan ko," sagot ko
"Yan ang gusto kong marinig," sabi nya "Dark hindi sa lahat ng bagay ay puro negatibo, pero mas mabuting isipin mo ang mga positibong bagay,"
"Alam mo tama ka ulet, nagagamit ko rin pala sya in good sides, parang super heroes, alam mo hindi ako nagkamali at sayo ako lumapit," sabi ko at tumawa naman sya
"Hahaha," halakhak nya
"No I'm serious, parang lahat kasi ng gusto kong marinig na payo, meron kang maibibigay,"
"Hindi naman lahat, pwera lovelife nga diba haha,"
"Kahit na, hayaan mo pag ako yumaman, ikaw ang una kong babalatuan,"
"Talaga ah, oh ano ng plano mo ngayon,"
"Ahm wala naman, pero at least naliwanagan na ako, salamat ulit sa mga oras mo Camote cue,"
"Haha, lagi naman akong may oras, bakit may pulubi bang busy? haha, basta pag kaylangan mo ng makakausap handa akong makinig,"
- - - - - - - - - - - - - - -
Friday
7:00am
Byernes nanaman, marahil maraming natutuwa sa araw na ito dahil sa "thanks god it's friday" pero para sa akin, diyos ko sana sabado na agad, pano ba naman kasi, math ang subject namin ngayon, tapos masungit pa ang teacher namin
Exact 7am talaga kung mag-start ng class si mam Grace, kaya yung iba ayaw na magpa-late dahil namamahiya sya ng estudyante, pansin ko nga na halos kumpleto na kami lahat sa room
Gaya ng last meeting, magkatabi ulit kami ng upuan ni Jazer, try ko lang mangopya sa kanya mamaya pag may quiz haha, joke lang, ^__^'
"Kamusta na si Fhane, ba't parang di ko na sya nakikitang pumapasok?" biglang tanong ni Jazer
"Hayst *sigh*" sagot ko
Napabuntong hininga na lang ako, dahil ako palang kasi ang nakakaalam na magda-drop na sa school si Fhane, kasabwat ko si Jazer sa mga nangyari, pero masama naman ang manisi ng tao
"Si Fhane kasi ano, eh, sinabi nya sa akin na---" sabi ko pero sinenyasan ako ni Jazer na ihinto ang pagsasalita ko
"Sandali Dark, mamaya nayan," sabi nya tapos tinuro nya si mam Grace
Mag-start na pala si mam Grace ng klase, inumpisahan nya sa attendance pagkatapos nun ay tumayo na sya sa harapan, ang akala ko ay magdi-discuss na sya pero nagulat ako ng pinaalala nya yung assignment
"Sinong walang assignment, except sa mga new enrollees," mataray na sabi ni ma'm Grace
Binuklat ko yung notes ko at nakita ko nga na may assignment pala na binigay si ma'm Grace last meeting, ang problema hindi ko ito nagawa T__T
"Tumayo ang walang assignment!" dagdag ni ma'm Grace
Ay grabe naman, ano nanamang gagawin na parusa ng teacher na ito? Well aminado naman ako kaya isa ako sa tumayo, ay mali!! Isa lang akong tumayo sa lahat ng klase, grabe naman, ako lang ba walang assignment
"Mr. Dark?" sabi ni ma'm Grace "And Ms. Diane,"
What? Pati si Diane walang assignment? Lumingon ako sa left side at nakita ko nga na nakatayo rin si Diane, kakatayo nya lang siguro kaya ngayon ko lang napansin
Pero hindi ako makapaniwala o hindi lang ako sanay na ang magandang babaeng si Diane ay walang assignment, bawas ganda points yun para sa'ming mga lalake eh
"Pero ma'm absent ako last meeting," katwiran ni Diane tapos tiningnan nya ako ng masama
( kasalanan mo ito eh ) ---> Diane
Hala oo nga pala, di sya nakapasok dahil dun sa I.D. nya
"Ms. Diane, hindi reason yan para hindi ka makagawa ng assignment, may mga classmate ka na mapagtatanungan oh," sabi ni ma'm Grace
ITUTULOY . . .
![](https://img.wattpad.com/cover/3790263-288-k189802.jpg)
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasíaAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...