CHAPTER 49

43 0 0
                                    

CHAPTER 49

Dark

POV

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata nung sandaling maramdaman ko na gising na ang kamalayan ko. Una kong nakita ang puting kisame yun ay dahil patihaya ang higa ko. Medyo maliwanag ang lugar at alam kong hindi galing sa ilaw ng bumbilya nagmumula ang liwanag na yun kundi sa sikat ng araw na nagmumula sa bintanang nasa bandang ulohan ko.

Teka! Wala namang kisame yung bahay namin ah, at wala rin akong malambot na kama gaya ng hinihigaan ko ngayon. Eh kaninong kwarto itong tinulugan ko. Anong nangyari?

Sinubukan kong bumangon pero para akong nanlalambot. Hindi ko pa lubos na nililibot ang paningin ko sa buong kwarto ngunit may napansin ako nung itukod ko ang kaliwang kamay ko sa kama. May naramdaman akong buhok, mahahabang buhok.

"HAH?"

Pasigaw ngunit pigil kong sigaw ng makita kong buhok pala yun ng isang babae na nakasalubsob ang ulohan sa kamang hinihigaan ko malapit sa may tagiliran. Sa tingin ko natutulog sya, pero sino naman ang babaeng ito?

Hindi ko makita yung mukha nya dahil natatakpan ng mahahaba nyang buhok, pero nanlaki yung mata ko ng makitang pamilyar yung suot nya. Oo P.E. uniform nga ng school na pinapasukan ko.

Saan? Ano? Sino? Ang dami kong tanong. Dagdag pa yung suot kong damit na napakaluwag na parang pasyente sa hospital. Ahm, wait parang hospital nga to ah.

"Ah eh, gising ka na pala,"

Narinig kong nagsalita yung babaeng kanina lang ay himbing na natutulog. Mukhang nagising ko sya nung naglikot ako sa kama. Paglingon ko sa kanya ay saktong hawi din nya ng buhok nya and guess what?

Si Diane pala yung natutulog na yun kanina. Napatulala ako sa kanya habang nagkukusot sya ng kanyang mga mata. Diyos ko po! Anong ginagawa namin dito, magkasiping ba kami dito buong gabi?

Pero di nya ako kinausap sa halip ay tumayo sya saka nagmadaling binuksan ang pinto ng room. "Sandali lang, tatawag ako ng nurse," pagkatapos ay lumabas na sya.

Nurse? So hospital nga to, pero ano bang nangyari? Nagsimula akong magflashback kung kaylan mas natatandaan ko ang huling subject na pinagaralan namin.

Ah... Oo nga pala, nag over time kami sa P.E. subject hanggang inabot kami ng gabi tapos... Ah... Naging knight in shining armor pala ako ni Diane tapos. Aw sinaksak ako sa tagiliran.

Napalunok ako ng maisip na may tama ako ng saksak sa tagiliran. Shet anong itsura kaya ng sugat ko. Sa ngayon di ko sya nararamdaman na kumikirot pero eew. Natatakot akong silipin yung tagiliran ko baka may dugo akong makita. (=_=" )

Biglang bumukas ulit yung pinto ng kwarto tapos may pumasok na babaeng nakaputing uniporme na sa tingin ko ay isa sa mga nurse ng hospital.

Tapos umupo sya kung saan nakaupo si Diane kanina. "Hi uhm, Dark right?" tanong nya

Isang tango lang yung sagot ko tapos may tinitingnan sya sa dala nyang malapad na parang notebook.

"Oops, by the way. I'm nurse Ashley," sabi nya. "...Kamusta na pakiramdam mo ngayon? Hindi ka ba nahihilo or something,"

Pinapakiramdaman ko yung sarili ko sinusubukan ko muling umupo at bumangon sa pagkakahiga pero binalik ko din agad yung pagkakasandal ko.

"Medyo nahihilo pa nga po ako, pero kakayanin ko naman po. Tsaka medyo nagugutom na rin ako," sagot ko

"Normal lang yan, wag mong biglain ang sarili mo. Siguro naman wala pang isang linggo ay pwede ka ng makalabas dito. Pero wag kang masyadong maglilikot baka bumuka ulit yang sugat mo," sabi nya na medyo nandiri ulit ako

Then bigla biglang nagsalita yung nurse habang nakatingin ako sa may tyan ko.

"Nakita mo na ba yung tama ng saksak dyan sa tagiliran mo?" tanong nya

"Ha, hindi pa!" sagot ko

"Haha wag kang matakot, nakabenda naman yan. Oops teka hulaan mo kung ilang tahi ginawa para masarhan yang sugat mo,"

Aba luko itong nurse na'to ah. Para akong masusuka sa sinasabi nya. Di ko nga sya sagutin.

"Not interested huh, okey ito nalang, gusto mo papasukin ko nalang dito yung girlfriend mo?" sabi nya

"Girlfriend? Wala pa akong GF mam," reaksyon ko

"Ow, di mo pala girlfriend yung kanina,"

Alam kong si Diane yung tinutukoy nya pero bakit nga kaya sya nandito kasama ko. May mga kasama pa kaya syang iba?

"...Wow pero ang sweet nya ah, alam mo ba na nagbantay sya sayo dito sa hospital mula nung dinala ka dito kahapon hanggang ngayon. Buong gabi syang nagbantay sayo, alam mo ba yun?"

"Hah?" nagulantang ako ng sobra. "...Buong gabi talaga?"

"Oo Dark, nag-alisan na yung ibang mga kasama nya pero sya, hindi ka nya iniwan," sagot nya

Aw, si Diane? Ginawa nya yun. Ano ba yan, nahihiya ako. Ano kayang itsura ko nung natutulog. Sana di tumulo laway ko kanina. >///<

"Oy... Kinikilig sya, uy"

Eto nanaman yung pasaway na nurse. "huy kilig ka no?" patuloy nya, pero may halo ng pangingiliti sa bewang

"AH, Aray ko! Sugat ko yan!"

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon