CHAPTER 48
Malapit ng pumatak ang alas onse ng gabi ngunit wala pa ring dumadating na kamaganak ni Dark para bantayan sya sa hospital. Kaya napilitan ang mga kasama nito na sila muna ang magbantay sa walang malay na si Dark.
Dahil inabot na sila ng gabi, kinaylangan na silang iwan ng kasama nilang proffesor na syang pinakamatanda pa naman sa kanila. Ganun din si Jannela na hinahanap na sa kanila ngayon.
Pumatak na ang 11pm at silang tatlo nalang nila Diane, Jazer at Kaka ang naiwan sa hospital para bantayan si Dark hanggang sa di nagtagal ay nagpaalam na rin si Kaka.
"Ahh eh... Mukhang di ko na kayo masasamahan dito, masyado na kasing gabi," si Kaka na kausap sila Diane at Jazer
"Uuwi ka na Kaka?" tanong sa kanya ni Jazer
"Oo pre, inaantok na ako eh, balitaan nyo nalang ako ah," ani Kaka
"Sige, sya nga pala salamat ulet sa tulong mo kanina ah, kung di dahil sayo Kaka baka nakakulong parin kami ngayon sa room na yun," sabi ni Jazer "... Buti nalang talaga sayo ako na-wrong send,"
"Haha, hindi na wrong send tawag dun leader Jazer, kundi correct send na, hahaha," biro ni Kaka
"Oh sya sige, kung uuwi ka na, ingat nalang sa pag-uwi mo,"
Tanging naiwan nalang ay sila Diane at Jazer ngunit mga ilang minuto lang din pagkatapos umalis ni Kaka ay yun namang pagdating ng mama ni Dark na si syne. Sa wakas at may dumating na rin na kamaganak ni Dark. Humahangos ito na pumasok sa loob ng room kung saan naka-confined ang anak nyang si Dark.
"Dyos kong bata ka! Ano ba namang ginawa mo,"
Hindi malaman ng kanyang inang si syne ang gagawin pagkakitang nakahiga at walang malay ang anak nito at nagpaikot ikot itong naglakad sa loob habang tinitingnan ang sinapit ng kanyang anak. Ni-hindi nga nito pinapansin ang dalawa pang kasama nito na sina Jazer at Diane.
Ang lubos na akala nila Jazer at Diane ay naiiintindihan na nila ang nararamdaman ng ina ni Dark. Natural lang na mag-alala ng labis ang isang ina sa kanyang anak ngunit ang mas inaalala ng inang si syne ngayon ay kung saan siya kukuha ng ipangbabayad nya ng bill sa hospital.
Di kalaunan ay lumuhod na ito sa tumabi sa higaan ng kanyang anak "Dark anak, anong nangyari sayo, ano nanamang ginawa mong bata ka,"
Dahil sa labis na kalituhan ay wala na itong nagawa kundi kausapin ang kanyang anak. Gustuhin man nyang sermonan ito ay hindi rin sya maririnig ng anak nya dahil wala pa rin itong malay hanggang sa ngayon.
"Ah... Ate," kinalabit ni Diane ang mama ni Dark "... Pasensya na ho kayo sa nangyari, sa tingin ko isa rin po ako sa may mga kasalanan sa nangya..."
Ngunit pinutol ni Jazer ang dapat sanang sasabihin ni Diane "Nope, wala kang kasalanan," kalmado nitong sabi
Nagawa namang humarap ni syne sa kanilang dalawa "Kayo ba ang mga kaklase ng anak ko?" tanong nito
"Ah eh, ako lang ho," sagot ni Jazer "... Eto namang kasama ko schoolmate lang po namin ni Dark, meaning po eh ibang kurso ang kinukuha nya,"
"Ah ganun ba," ang kaninang nakatalikod na si syne, ngayo'y nakaharap na kila Jazer at Diane "... May ipapakiusap sana ako sa inyong dalawa, maaari bang kayo muna ang magbantay sa kanya,"
"Huh?" reaksyon ni Jazer, balak na kasi nitong umuwi kanina pa
"Pasensya na kayo, sa inyo pa ako nakiusap, pansin nyo naman ako lang mag-isa yung pumunta dito. Yung papa nya kasi nasa construction pa, tinatapos nya pa yung kontrata nya sa ginagawang building. Pero wag kayong mag-alala babalik din ako pag nakautang na ako ng ibabayad dito sa hospital, babalik ako bukas ng umaga"
"HAH! you mean overnight?" pagkabigla ni Jazer
"Ako na lamang po," walang reklamong sagot ni Diane
Diane
POV
Malapit ng maghating gabi nung muling umalis ang mama ni Dark. Naiwan ulit ako at yung lalaking classmate ni Dark, pero hula ko pauwi na rin sya kaya ako nalang maiiwan dito mamaya. Okey lang sa akin na ako ang magbantay kay Dark buong gabi, dahil naman talaga sa akin kaya sya nandito sa hospital. Pagkatapos nya akong iligtas what if naman yung magbantay lang sa kanya buong gabi bilang kabayaran.
"Nasan kaya yung iba pang mga kamaganak ni Dark? Wala ba syang mga pinsan para sila na magbantay sa kanya no?" biglang nagsalita yung classmate ni Dark "... Sya nga pala, ako nga pala si Jazer,"
Kanina ko pa sya kasama pero ngayon lang sya nagpakilala "ah ako naman si..." pero inunahan nya bigla ang sasabihin ko
"Diane right?" sabi nya
Napatango na lang ako dahil tama naman yung sinabi nya. Wait ganun ba ako kapopular sa school para makilala nya.
"Minsan ka na kasing nakwento saken ni Dark kaya kilala na kita,"
Yun naman pala eh XD "Ano namang pinagusapan nyo tungkol saken?" tanong ko
"Well ah, okey, bago kita iwan dito, let me talk about Dark. Tutal wala pa namang alas dose," sagot nya sabay tingin sa wrist watch nya
ITUTULOY . . .
![](https://img.wattpad.com/cover/3790263-288-k189802.jpg)
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasyAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...