CHAPTER 22

105 1 0
                                    

CHAPTER 22

"Manong Para sa tabi lang," sabi ko sa manong tsuper

Sa wakas nakarating na ako sa school, ang meeting place ng grupo namin nila Jazer, ang group 3

Syempre nakita ko na agad si Jazer sa labas pagkababa ko ng jeep, pero dalawa lang sila nila Jazer kasama yung isa sa mga buraot boys, si Rex

"Kayo pa lang?" tanong ko sa kanilang dalawa na nakaupo dun sa nakaparadang motor

"No, tatlo na kami dito," sagot ni Jazer

"Sino yung isa?" tanong ko

"Ayun sya oh," tinuro nya yung nagkukumpulang tao di kalayuan tapos nilabas nya yung papel na may pangalan ng group member"ahm, si Mhico daw pangalan nya,"

^__^' Haha, kagrupo nga pala namin yung look a like ni coco martin na si Mhico, at mukhang kahit saan sya pumunta eh pagkakaguluhan sya ng mga tao, di ko alam kung dapat ko ba syang kaawaan sa sitwasyon nya pero parang di na sya makagalaw sa dami ng fans nya na nakapalibot at panay ang pa-picture sa kanya

"Sya nga pala, sorry dun sa nangyari kahapon," biglang nagsalita si Rex "pagpasensyahan mo na yung mga tropa ko, malalakas lang talaga trip nun,"

"Aaahh, yung kahapon," sabi ko at mukhang tinutukoy nya yung pangbubully ng mga kasama nyang buraot boys

"Ako nalang bahala kumausap sa mga yon," dagdag nya

"Teka anu bang nangyari kahapon," sabat ni Jazer

"Wala yun Jazer, maliit na bagay lang yun," sabi ko

Maliit na bagay lang naman yun, pero may napansin ako dito ah, kausap ni Jazer etong buraot boys na si Rex ng dumating ako, magkasundo na kaya silang dalawa, kung sabagay si Rex lang naman yung mukang matino kumpara sa tatlo pang buraot boys

"Sya nga pala Dark," biglang nagsalita si Jazer "kilala mo na si Kiel diba,"

"Oo yung lokong yun," sabi ko

"Kagrupo nya pala si pretty_fhanie, group number four, haha di ko tuloy maiwasang mabanggit yung plano natin sa kanya," paliwanag nya

"Nge, sinabi mo?"

"Oo, okey lang yun para kunwari may spy ako sa grupo na yun, simple lang naman yung plano,"

"Suportahan ko yang plano nyo," biglang sabi ni Rex na ikinagulat ko

"Teka alam din nya yung plano?" tanong ko

"Ah Oo sorry, naging madaldal na yata ako, okey lang kagrupo naman natin itong si Rex haha, tsaka simple lang naman yung plano,"

"Walang hiya ka Jazer, sino sino pa yang mga nasabihan mo sa plano ha," sabi ko

"Bukod sa ating tatlo, pati si Kiel isama mo na rin yung group leader ng group number four, bukod dun wala na," sabi nya "Ah wait may isa pa pala si Charlotte, at speaking of Charlotte, nandyan na pala sya,"

Pagkasabi ni Jazer na nandyan na daw si Charlotte, hindi ko naiwasang mapalingon kung saan nakalingon din si Jazer at nakita ko nga dun ang crush kong si Charlotte

Kabababa nya lang dun sa FX van na sinakyan nya, nakaporma sya dahil ba sa SM ang lakad namin ngayon, naka pullover strapless tube sya yung kita yung tuhod hanggang binti, tapos naglakad sya papunta sa amin

Habang tinitingnan ko sya, di ko maiwasang mabighani sa ganda nya, yung binti nyang walang peklat grabe pang model talaga, hindi ko alam pero nakanganga yata ako nun nung pinagmamasdan ko sya, kasi grabe talaga ang ganda nya, lahat ng katangian ng babaeng hinahanap ko nasa kanya na

"Hi, pasensya ngayon lang ako," sabi ni Charlotte pagdating nya sa pwesto namin

Buti na lang di naiilang si Charlotte na makisama sa amin kahit puro lalaki ang kagrupo nya ^__^

"No, maaga pa naman at di pa dumadating yung dalawang kagrupo natin eh," sabi ni Jazer

"Ah okey," sabi ni Charlotte tapos sumandal din sya sa pader na sinasandalan ko, bale magkatabi kami

"We have 10minutes left para hintayin yung dalawa, pag di sila nakarating lakad na tayo," sabi ni Jazer "wait okey na ba yung gagawin nyo mamaya," dagdag ni Jazer

"Grabe ka Jazer, pano ba gagawin namin ni Charlotte," sabi ko

"Ahh, Oo nga pala, ngayon pala yung plano nyo," biglang nagsalita si Charlotte na parang ngayon lang nakaalala

"Okey lang, mas importante naman yung tungkol sa groupings, but kung gusto nyo magpraktis ng kilig scene nyo ngayon, okey manunuod ako," sabi ni Jazer

"Huh? ngayon!" nagulat talaga ako, ano yun sayaw na pwedeng i-praktis para maperfect >.<

"Oo, gusto ko lang makita kung okey ang acting nyo para mamaya," sabi ni Jazer

Napalingon ako kay Charlotte, mukhang okey naman sa kanya gawin yung gustong mangyari ni Jazer

"Ahm teka, kilig scene, wala ka bang alam na mga moves Dark," sabi ni Jazer

Walang hiya talaga ito si Jazer, parang nag direk lang ng pelikula tapos kami ni Charlotte yung mga artista nya ~__~ at yun nga ang nangyari, para kaming tanga dun habang tinuturuan kami umakting

"Charlotte, dikit ka ng konti kay Dark, ayan ganyan tapos ikaw naman Dark, teka," sabi ni Jazer "ba't parang diring diri ka dyan kay Charlotte,"

Eehh sa totoo lang naiilang ako kay Charlotte kasi crush ko nga sya diba wahaha ^///^

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon