CHAPTER 40

59 0 0
                                    

 A/N:

Pasensya na kayo, biglaan itong senaryo na'to, pero masasabi kong part pa rin sya ng story...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 40

**ENGLISH CLASS DISMISSED**

Mhico

POV

Duh, gulat kayo no? Akala nyo si coco martin, nagkakamali kayo,,, maling mali talaga kayo. Ako si Mhico ano ba!

I hate this part talaga, yung pag nag-class dismissal na, eto yung para akong kriminal na hinahabol ng mga student dito sa school para lang makapagtake ng picture with me. Well kasi nga kahawig ko yung sikat na artista na si Coco Martin ng mahigit 90%. ( >..< )

"Mr. Mhico? Class dismissed na, wala ka bang balak umuwi at lumabas ng room," si teacher na nakapansin sa'ken na naiwan sa loob ng room

Tumayo na ako sa chair ko para lumabas "Yes Ma'm eto na po," sagot ko

Then, nagbilang ako ng 1,2,3 sa isip ko habang nakatayo sa may pinto ng room. Tapos saka ko tinakbo yung kahabaan ng hallway. Sa dami ng students na naglalakad din sa naturang hallway na yun, di ko naiwasang may nakakabangga ako.

At nangyari na nga ang kinakatakot ko. Isang student ang biglang humatak sa kanang braso ko pabalik. "Oh my god! Coco Martin is here," paglingon ko, isang dambuhalang bakla pala ang nakakapit sa braso ko

Tapos nagsimula na akong dumugin ng iba pang naroon, at halos lahat sila ay may mga dalang camera. Mamahalin man o hindi, cellphone camera man o digital camera, lahat yun nakatutok sa akin.

**FLASH**

**CLICK**

"Aw pasingit naman dyan,"

"GOSH! Me first, me first!"

"Coco martin, take me home,"

Wah! Paulit ulit na lang ganito, next time kaya magbebenta na ako ng pics ko with matching autograph. Luge na ako sa mga ito eh. Minsan nga naisip ko, sana di na lang nag-artista si coco martin. Pano kasi eh ako sumasalo ng mga fans nya eh.

Then nainip na ako kaya nagpumiglas na ako, hindi ako makahinga eh "Kyaahh!!..." thank god kasi lumuwag naman ng konte then sabay takbo

Alam ko hinabol pa nila ako eh pero di na ako lumingon, baka madapa pa eh, ang panget. Syempre tagu-taguan ang eksena ko ngayon. Nagtago ako dun sa likod ng basurahan, litaw pa nga yung pwet ko nun parang tanga. (^^,)

"Psst!"

Sino yun? Syempre napalingon ako para tingnan yung nag-psst! And wow, the girl in my dreams. Pero di po ako nananaginip, sya si Ishie ng taga HRM class.

Hinatak nya ako sa braso at tumakbo palayo, ako naman walang imik na nagpatangay sa kanya, naghihintay kung saan kami hihinto. Magkakilala na kami ni Ishie kaya alam nya na kung bakit ako nagtatago sa mga tao.

Nakarating kami sa rooftop, which is walang tao kundi kaming dalawa lang.

"Dito ka muna magtago, wala naman pumupunta dito pag ganitong tanghali kasi bilad sa initan, swerte mo at maulap ang panahon ngayon," tapos nun binitawan na ni Ishie yung kamay ko

Eto na yung second time na tinulungan ako ulit ni Ishie para taguan yung mga followers ko, that's why memorable na sya sa'ken. Sya rin yung girl na pinopormahan ko pero parang di sya naniniwalang seryoso talaga ako sa kanya.

Nagpunta si Ishie sa gilid ng rooftop, nakatalikod sya sa akin at mukhang pinagmamasdan ang tanawin sa labas pero di muna ako lumapit, may kinuha ako sa bag ko. Isang bote ng perfume.

**SPRINT**

**SPRINT**

Gahhh, pinaliguan ko ang sarili ko ng pabango, spray spray! Pakiramdam ko ang daming mikrobyo na ang dumikit sa uniform ko galing sa mga coco martin fans club. Araw araw nalang. (=_=)

Then ayan, nilapitan ko na si Ishie "Ehem Salamat nga pala ah," tapos dikit ako sa kanya ng kunti

"Haha, you're welcome Mhico," reaksyon nya "...ikaw naman kasi ba't sa likod ka pa ng basurahan nagtatago, pwede naman sa loob, haha hindi biro lang,"

Hay... Ang sarap sa pakiramdam pag kausap ko si Ishie. Yung mga tawa nya, pati pagiging simple nya nakakahawa. Tuwang tuwa nga ako pag tinatawag nya ako sa pangalan ko. Di sya tulad ng iba na puro coco martin ang tawag sa'ken.

"Excuse Mhico, nakatulala ka oh," nahuli nya akong nakatingin sa face nya "...alam ko sasagot mo, kasi maganda ako, haha kapal no,"

Hindi ako sumabay sa tawa nya, pero parang kusang gumalaw ang mga kamay ko para hawakan din ang dalawang kamay nya.

"Ishie, kaylan mo ba kasi ako sasagutin,"

"Huh? Baket ano ba yung tanong mo haha," sagot nya na tila namilosopo pa

Yay, ayan nanaman sya, ayaw nanaman ako seryosohin eh. Obvious na nga na nililigawan ko na sya nuon eh. Pagkatapos nun binitawan ko agad yung kamay nya at bigla na lang pumasok sa isip ko yung bagay na ito.

Isinampa ko yung isang paa ko dun sa gilid ng rooftop "Tatalon ako dito pag di mo ako sinagot, Ishie tayo na ba?"

"Huy adik lang! Wag ganyan,"

"Oo o hinde, lang," sabi ko

Nakita ko sa kanya ang pagkataranta, pero hindi naman talaga ako tatalon, joke lang yun. XD

"Sige, sige na, Oo gusto kita, kaya lang naman ako natatakot kasi baka awayin ako ng mga fans mo, yun lang yun, kaya please bumaba ka na dyan," pag-amin nya

Yeah Gotcha (>_^)

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon