CHAPTER 1
Araw ng huwebes ngayon pero ang utak ko lumilipad na agad sa araw ng sabado, iniisip ko ang araw na pwede kong gawin sa mga araw na yun dahil nga walang pasok
"Dark!!"
Nagulat ako ng tinawag ng aking guro ang pangalan ko, naalala kong english class pala namin ngayon, napansin ko na nakaharap sa akin ang mga classmate ko sa harapan
Dali dali akong tumayo kahit di ko alam ang isasagot ko
"yes mam?" tanong ko
Hindi naman sumagot si mam kaya nanghula na lang ako ng sasabihin
Binasa ko kung ano ang nakasulat sa whiteboard "A group of words that begins"
"Stop sabi ko read pharagraph number two" sabi ni mam
Nakita ko na pinagtawanan na ako ng mga kaklase ko, kung makatawa pa naman sila feeling closed buti na lang at may nagtaas ng kamay para magvolunteer para magbasa nun kaya nakaligtas ako ng bahagya sa kahihiyan
Ako nga pala si dark, first year college at two weeks palang ang nakakalipas nung magsimula akong mag-aral sa paaralan na ito
Kabisado ko na rin ang mga mukha ng kaklase ko pero hindi ko alam ang mga pangalan nila kahit nung isang linggo lang eh nagpakilala kami isa isa sa harap ng klase pero wala naman akong tinandaan kahit isa sa kanila
Minor subject ang klase namin ngayon at maaga ang uwian namin ngayon kaya 12pm pa lang ng tanghali ay pinalabas na kami ng room
Eto na ang hinihintay ng karamihan, ang uwian, inayos ko na rin ang mga gamit ko para makauwi na rin at para dun na rin ako sa bahay kakain ng tanghalian
Mabilis akong lumakad papunta sa sakayan ng jeep para mauna dun sa mga kaklase ko, minsan kasi punuan ang mga jeep na dumadaan dito
Gaya ngayon, lahat ng jeep na nakikita ko may mga nakasabit na tao sa likod, tumingin ako sa direksyon kung saan ako dumaan kanina, at nakita kong paparating na nga ang mga kaklase ko
Dahil ayaw kong makipagsabayan sa kanila, naglakad ako papunta sa mauunang waiting shed, medyo ilang hakbang lang ang layo nito sa pinaghintayan ko kanina
Mga ilang minuto din bago ako nakakita ng medyo maluwang na jeep, kaya di ko na inaksaya ang pagkakataon at pinara ko na
Naupo ako sa dulo ng jeep dahil gusto ko ang pwesto na yon, ayoko kasing mapunta sa gitna at unahan dahil magiging taga-abot lang ako ng bayad ng ibang pasahero, pinaandar na ng drayber ang jeep at nakita ko ang mga kaklase ko na pinapara rin ang jeep na sinasakyan ko pero nilampasan lang sila
Engot talaga, bawal kasi ang magsakay at magbaba ng pasahero dun, medyo malayo na ang jeep ng bigla itong huminto, akala ko pasasakayin pa ng drayber yung mga engot kong kaklase pero may bababa palang pasahero
Isang estudyanteng babae na sa school din na pinapasukan ko rin sya nag-aaral dahil halata naman sa suot nyang uniform
Bumaba na rin sya ng jeep pero may nailaglag syang importanteng bagay sa loob ng jeep at sa harap ko pa ito bumagsak, walang iba kundi yung I.D. nya
Hindi napansin ng babae na nalaglag nya yun dahil sa lakas na rin ng sound ng jeep kaya di narinig na bumagsak ito, pinaandar naman ng manong drayber yung jeep ng makababa na yung babae
Walang may balak na dumampot ng I.D. nya, tiningnan ko ang mga katabi ko sa jeep, lahat sila nakatingin sa akin pati yung mga nasa tapat ko
Ayaw kong damputin yung I.D. dahil pag bumaba ako eh mahihirapan na naman akong sumakay pero napilitan na lang ako
Hinatak ko yung tali ng jeep para pumara
"manong para muna, may nakalimutan lang" palusot ko
"yung bayad mo?" tanong ng drayber
Anak ng tinapa naman oh, kasasakay ko lang sinisingil agad ako, nag-isip na lang ako ng ibang palusot
"manong mali po yung nasakyan ko, ibaba nyo na lang ako" sigaw ko
Mabuti naman at nakinig din yung drayber, huminto sya at dinampot ko yung I.D. at pagkatapos ay bumaba para isauli sana sa may-ari
Hinanap ko yung babae kanina at tyempo namang di pa sya nakakalayo, tumakbo ako para habulin sya pero nakakapagtakang pumunta sya sa masikip na eskinita
Bago ako makarating dun ay tatawirin ko pa ang highway, kinaylangan ko pang maghintay at makisabay sa ibang tao na tatawid din
Nawala na sa paningin ko yung babae pero hindi pa rin ako nakakatawid. Pero hindi ako sumuko, pagkatapos kong makatawid ay pumasok din ako sa masikip na eskinita kung saan sya pumasok kanina, hindi ko kabisado ang lugar na pinasok ko
May nakita akong dalawang lagusan, kaliwa at kanan, pero hindi ko sya nakita sa parehong daan, pinili ko yung daan sa kanan pero muntik lang akong makagat ng aso
Sunod na pinuntahan ko ay yung kaliwa pero di hamak na masmaraming lagusan dito. Nakailang ikot ako at sa tingin ko ay naliligaw na ako, naupo muna ako saglit at tiningnan ko kung sino ang may-ari ng I.D. na yun
Nalaman ko ang pangalan niya, siya si diane,at napansin ko agad yung picture nya
Ang ganda nya at muka syang photogenic sa picture, lumakas ang tibok ng puso ko pero sandali lang yun dahil binulsa ko agad yung I.D. at ayokong mainlove agad ng dahil lang dun sa I.D. nya
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
ФэнтезиAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...