PROLOGUE

10K 172 31
                                    

MATURED CONTENT! READ YOUR OWN RISK!
____________________
____________________

Alam kong malaki ang utang na loob iyon ngunit nasa ala-ala ko parin kung paano ako nito ipinagtabuyan.

Kinagat ko ang labi, inangat ko ang aking paningin dahil sa sakit na nararamdaman may luhang namumuo sa aking mga mata na hindi ko kayang pigilan.

"Ma'am, kayo na po yung next na I interview-hin po."

Dumapo sa lalaki ang aking paningin. Ngumiti ako dito at itinaboy na ang aking mga iniisip.

Nakita ko ang isang babae na nakaupo sa swivel chair na habang seryoso ang mga mata.

Biglang bumilis ang tahip ng dibdib ko dahil sa nakita kung sino iyon. Hindi ko alam kung aatras nalang ba ako pero pumasok sa isip ko ang aking mga anak.

Kailangan kong may maibigay sa mga ito, kailangan kong matustusan ang lahat ng mga pangangailangan nang dalawa.

"Tell me about your experience to the other company and tell to me kung bakit ka kailangang tanggapin sa kumpanya."Tanong nito ng hindi man lang ako tinitignan.

Kinakabahan ako at the same time ay nanginginig.

"I-I'm A-aliste Caine M-Malana."Utal na sambit ko dito.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo nito at tumingin sa akin na puno ng pagtataka. Ngunit ng matitigan ako nang walang emosyong mga mata nito ay doon ko natantong kilala nga talaga ako nito.

Ngumisi ito dahilan para kilabutan at kabahan ako.

"Well, well, well the girl who broke my brother's heart huh?"Nakangising sambit nito pero mababakas dito ang walang kagana ganang mga emosyon sa mukha.

Hindi ako nagsalita. I remained silent.

Tumawa ito ng walang emosyon bago tumingin ulit sa akin.

"How are you? It's been a years Malana."Ang mga mata nito ay parang kasing lamig ng yelo o mas higit pa doon.

Lumunok ako ng malala dahil sa malamig din nitong boses. Hindi ko mipagkakailang may pagkakapareho nga ang dalawa. They are both cold and heartless.

Yumuko ako dahil sa hindi ko nakayanan ang atmosphere sa paligid.

"Why did you down your head? I'm just asking you...If you don't want to answer me. Then prove it to me kung bakit ikaw ang kailangan bilang secretary?"Malamig na tanong nito.

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa hindi malamang kaba at takot na nararamdaman sa aking dibdib.

"As a secretary I will do my best. I will surely do whatever it is."Maikling sambit ko na parang nandodoon lahat nakasalalay ang lahat ng gusto nitong mga impormasyon.

"Secretary ang kailangan not personal maid."Tumawa ito na parang nakakaloko dahilan para magtaasan ang aking mga balahibo.

Nakita kong may sinulat ito sa information papers na ibinigay ko noon.

Pagkatapos nitong magsulat doon ay tumingin ito sa akin bago ngumisi.

"You are hired, comeback here tomorrow. Bukas ang una mong trabaho as a secretary."Walang emosyong sambit nito.

Hanggang sa makalabas ako nang SLVT Corporation ay agad akong naghanap ng masasakyan upang umuwi.

"Mama!"Sigaw sa akin ng anak ko nang makarating ako.

Ngumiti ako dito, sinalubong ako nito ng kamay na nakabuka.

"Baby!"Nakangiting sigaw ko. Nang makarating ito sa akin ay agad ko itong niyakap.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon