HPM 14

3.7K 80 6
                                    

Langhap ko sa buong ilong ko ang mabangong pabango nito na hindi nakakasawang amuyin ng amuyin.

Para iyon chocolate ang bango. Narinig ko ang 'Ting' kaya agad na nagbukas ang pintuan ng elevator. Mabilis akong lumabas ngunit mabilis din aking hinila ni Zed at natatawa sa hindi malaman.

"That's not the number of Baroz condo Caine."

Napalunok ako dahil lumabas nga doon ang isang lalaki ngunit tumingin muna iyon sa akin ng nakangisi sabay iling at kindat sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa nitong pagkindat at pagtingin sa aking katawan. Hindi ko alam kung may malisya ba iyon o wala.

Hanggang sa magsarado ang pintuan ng elevator ay nakatingin parin yung lalaking gwapo ngunit hindi ko alam ang ikot ng isip.

Bahagya akong tumungo para silipin saglit ang aking damit, hindi naman gaanong malaki o maliit, tama lang sa akin ang damit ang legging na suot ko ay tama lang din.

Napapikit ako ng mariin ng naramdaman kong parang umiikot ang aking ulo dahil sa pagtaas na naman ng elevator. Napakapit ako kay Zed ng mahigpit na naman.

"Someone wants to catch you huh,"

Kahit na hilo ay hindi ko mapigilan ang mapabaling sa katabi kong malamig ang tingin sa harapan ng elevator, kita doon ang kagwapuhan nito, parang salamin iyon na sobrang linaw.

Naguguluhan man ay kumunot ang noo ko,"Ha?"

Umiling ito bago ang kamay ay pumulupot na naman sa aking beywang. Para akong tinubuan ng ugat sa paa dahil sa ginawa na naman nito.

Kung kanina ay hindi ko na inalala iyon ngayon ay parang gusto kong magreklamo o magtanong kung bakit nito iyon ginagawa ngunit walang lumalabas na salita sa aking bibig.

Nakatingin lang ako dito hanggang sa tumunog ulit ang pintuan ng elevator at hinila ako nito palabas na nakahawak sa beywang ay hindi parin ako makapag salita.

"We are here Sir."

Iniwas ko ang aking paningin dahil sa hindi maramdaman na kaba sa aking dibdib, ito ang kauna-unahan na ganitong kaba ang naramdaman ko sa isang lalaki.

At hindi ko alam kung ano 'yon.

Ilang lakad pa ang ginawa namin hanggang sa tumapat na kami sa isang pintuan na mukhang kailangan pa ng kung ano ano para bumukas iyon.

Umusod ako ng konti kay Zed dahil hindi na talaga maganda ang kaba sa aking dibdib. Marahan kong iwinaksi ang kamay nito sa aking beywang dahil ito ang unang gumawa noon sa akin.

Nakita kong nag doorbell si Albert ng ilang beses, naghintay pa kami ng ilang sandali bago bumukas ang pintuan at bumungad sa amin ang isang napaka gwapo na lalaki sa harapan.

"You asshole! You Didn't fucking text or call me?!"Galit na unang usal nito na nakatingin kay Zed ang magaganda nitong mata na kulay sky blue.

Ang ganda nun.

Mukha itong mahinhin na lalaki at mukhang mabait din pero dahil sumigaw agad ito sa harapan namin ay hindi ko na alam kung totoong mabait at maginoo ito.

"Why would I do that? You expect me to come here you Idiot."

Ngumuwi ang lalaki at tumama iyon sa akin, pinagmasdan ako nito ng ilang segundo bago ngumiti sa akin.

"Hi? What is your name?"

Nawiwirduhan ako sa lalaking ito dahil kanina ay mukhang galit ito ngunit ngayon ay parang ang bilis nagbago ng awra nito.

"Don't talk to her, She is my personal maid,"Si Zed ang sumagot dito na ikinangiwi ng lalaki.

Malaking binuksan ng lalaki ang pintuan nito, pumasok si Zed doon at mabilis nitong nahawakan ang aking siko na hindi ko alam kung paano nito iyon mabilis na naramdaman.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon