HPM 37

3.5K 64 15
                                    


Naghuhugas ako ng mga pinagkainan naming tatlo ng maramdaman kong may naglagay na pulang bulaklak sa lababo kung nasan ko inilalagay ang mga nahugasan ko na.

"Ma, I'm sorry na po."Malambing na yumakap sa akin si Zero ganun na din ang kapatid nitong si Zeiven.

Hindi ko pinansin ang dalawa. Ilang araw na ang nakakaraan nung mangyari iyon sa Isla na malapit lang din dito sa lugar namin.

"Ma, naman. Parang dalaga nagpapalambing pa."

Masama kong tinignan si Zero na nakanguso na ngayon pero may sumusupil na ngiti sa labi. Nakita ko naman si Zeiven na nakayakap lang sa akin ng mariin.

"Ma, I love you."Maharang bulong nito.

Huminga ako ng malalim bago ko tinapos ang ginagawa ko. Pinunasan ko ang aking kamay sa towel na nakasabit malapit sa binta tsaka ko ibinigay ang atensyon ko sa dalawa.

"Hindi na po talaga mauulit ang ganun Mama, promise."Puno ng sensiridad na usal sa akin ni Zeiven.

"Sige na. Anong oras na, maghahanap pa ako ng maa-aplyan na trabaho bukas kaya matulog na kayo."Hinawakan ko ang balikat ng dalawa tsaka kami sabay sabay na naglakad patungo sa kwarto nito.

"Hindi kana po galit Mama?"Tanong sa akin ni Zero na siyang na unang maglakad sa kama nito.

Umiling ako."I'm not, hindi ko lang na gustuhan ang pagmumura ninyong dalawa. Sa susunod huwag kayong magmumura. Hindi ko kayo pinag-aaral para lang sa ganyang ugali. Respect the people around you."Hinawakan ko ang kumot na makapal ng dalawa.

Magkatabi ang dalawang ito matulog dahil iyon ang gusto ng dalawa. Gustong mabantayan ni Zeiven ang kapatid nito dahil takot ito sa dilim at kidlat pero si Zeiven naman ay ayaw na ayaw ang may liwanag kapag madilim. Gusto nito lagi na madilim ang paligid kapag gabi na pero dahil sinasamahan nito si Zero ay wala na itong  nagawa.

Ilang oras akong nasa tabi ng dalawa habang sinusuklay ko ang buhok nito gamit ang aking kamay at ng mapansin kong mahimbing ng natutulog ang dalawa ay umalis na ako sa kwarto nito at naglakad na ako patungo naman sa aking sariling kwarto na katabi lang ng kuwarto ng dalawa.

Pumasok muna ako ng banyo upang maligo. Kinagat ko ang labi ko dahil sa nakita nung nakaraang araw. Gusto kong alisin iyon sa isip ko pero hindi ko kaya.

Hindi ko alam na nakakakita na pala ito. I'm very happy for him. Kung ano man yung rason nito para gawin iyon ay masaya ako dito.

Tinapos ko ang paliligo dahil may naramdaman akong mainit na tubig na tumulo sa aking pisngi dahil sa isip na 'yon. Kinuha ko ang tuwalya at agad iyong pinulupot sa aking katawan. Lumabas ako ng kuwarto ngunit agad akong nagulat nung makita kong nakaupo sa dulo ng kama si Zeiven.

"Baby? What are you doing here? I thought you are already sleep?"Tanong ko dito. Naglakad ako patungo dito at tinabihan ko ito sa pagkakaupo.

Ramdam ko ang ka seryosohan at kalamigan sa mga mata nito na merong pagtataka.

"Mama, I don't want to ask this but I think I saw him."Mababang boses na sambit nito sa akin.

Natigilan ako dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung anong ire-react dahil sa sinabi nito.

"Its been nine years at nakita ko na s'ya, and he looks happy thought."Malamig na sabi nito.

hindi ko alam kung bakit parang masakit sa akin ang bawat sinasabi nito. Ito lang ang nakaka-alam kung sino ang Papa nito. Hindi ko sinasabi kay Zero dahil mas matured ang isip ni Zeiven kaysa dito. At ayoko din na umasa ito.

"Don't said this to your brother."Hinawakan ko ang kamay nito at upang tumingin ito sa akin."Hindi ko gustong umasa ng umasa ang kapatid mo."

"Don't worry Mama, I will never tell to kuya Zero about that Man."Ngumiti ito sa akin bagamat malamig iyon. Tumayo na ito at humalik sa aking pisngi."Goodnight Mama and sweet dreams."

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon