HPM 8

3.7K 91 1
                                    


"Halika na,"Una nang umupo sa pang-apat na upuan si aling Brenda.

Sumunod ako dito. Kung kanina ay nandidito ang pamilya na sinasabi ni aling Brenda ngayon ay nabago na. Ilan na kaming nandidito na puro katulong.

Ang mga mata ng mga nasa lamesa ay nakatingin lang sa amin at tahimik.

"Aling Brenda, mapagkakatiwalaan ba ang babaeng iyan? Sa itsura palang, mukhang hindi na mapagkakatiwalaan."

Napatigil ako sa paglalagad dahil sa sinabi nung isang babae na nakaupo sa kaliwang bahagi ng lamesa, nakataas ang isang kilay nito habang ang paningin ay nasa pagkain na nasa harapan nito.

"Mabait ang batang ito, Annabelle, ikaw lang naman ang hindi mapagkakatiwalaan dito, ika mo nga ay may gusto kay Alkez diba?"

Kung gulat ako sa sinabi nung babaeng nagngangalang Annabelle, mas gulat naman ako sa sinabi ni aling Brenda dito.

Ang mga katulong na nasa hapag kainan ay hindi maiwasang mapa-ubo dahil tila gulat din ang mga ito. Ang isang lalaking nasa dulo naka-upo ay napaubo-ubo.

Hindi nakapag salita si Annabelle dahil sa sinabi ni aling Brenda dito.

Hinawakan ni aling Brenda ang aking kamay at pinaupo sa tabi nito.

"Heto ang pingan, kumain kana."

Binigyan ako ni aling Brenda ng isang pingan na babasagin na kulay puti at walang ka basagbasag noon sa gilid at sobrang puti.

"Salamat po."tinanggap ko ang ibinigay sa akin ni aling Brenda na pingan.

"Tandaan n'yo Personal maid s'ya at hindi katulong na katulad ninyo."

Si aling Brenda na mismo ang naglagay ng pagkain sa aking pingan at ulam. Kumalam lalo ang aking sikmura ng maamoy ko ang aroma kung gaano iyon kabango.

Sinabihan na ako ni aling Brenda na kumain kaya inumpisahan ko nang kumain.

Habang kumakain ako ay naramdaman kong nakatingin ang mga ito sa akin kaya umangat ang tingin ko at tama nga ako, nakatingin ang mga ito.

"Ija, may kutsara at tinidor bakit ka nagkakamay?"tanong sa akin ni aling Brenda.

Tumingin ako sa aking kamay na may hawak na pagkain na handa na sanang isubo iyon.

"B-bawal po ba?"Kinahabahang tanong ko kay aling Brenda.

Ngumiti ito sa akin bago umiling."Hindi naman, ngayon lang kasi may nagkamay dito."

"Nasanay na po kasi ako,"Nahihiyang sambit ko.

Napatingin ako sa lalaking nasa dulo tahimik lang ito habang nakikinig sa amin.

Hanggang sa matapos na kaming kumain at naghanda na upang matulog.

Ang sabi ko ay ako na ang maghuhugas ngunit hindi ako pinayagan dahil may nakatoka daw doon sa mga pinggan kaya wala akong nagawa kung hindi ang magtungo sa silid kung saan dinala ako ni aling Brenda kanina.

Tutal ay hindi ako naligo kanina at nagpalit lang ako naisipan kong maligo ngayon gabi para bukas ay maayos ako tignan.

Nagtungo ako sa banyo hindi na ako nagulat ng makitang malaki iyon.

Mas malaki pa ito sa bahay namin. Hindi ma-imagine na ganito kalaki ang banyo dito sa bahay na ito.

Hindi ko alam kung paano gamitin ang shower na nandodoon kaya ang timba at tabo ang ginamit ko upang makapaligo. Pasalamat nalang ako namay tabo at timba doon.

Kumpleto na ang gamit doon mula sa shampoo, sabon, lotions at iba pa.

"Ang bango,"Sambit ko ng maamoy ko ang shampoo na binuksan ko, ngayon lang ako naka amoy ng shampoo na ganito kabago. Ignorate nga yata siguro ako sa bagay bagay dito sa bahay na ito.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon