Hanggang ngayon ay hindi parin ako nakapaniwala na gagawin nga iyon ni Zed sa akin.
Sobrang saya ko na ngayon ay makakapag-aral na ako dahil iyon dito.
"What course do you prefer to choose?"Tanong nito sa akin.
Hawak nito ang mga pagpipilian na mga kung ano-anong dapat na kuhanin ko. Nandidito kami ngayon sa leaving room habang hinihintay akong makapilit.
May dalawang option na binigay sa akin para mapadali ang kukuhanin ko o ang pag-aaral ko, hindi ko alam kung tama ba ang prosesong ito dahil kung ano yung kukunin ko ay ayun lang ang pag-aaralan, pwede naman na pag-aralan lahat pero mas nakatuon yata ang atensyon ni Zed sa kung anong kukunin ko.
Kinuha ko ang hawak nitong na about sa pag ce-chef. Ito ang kauna-unahang gusto ko noon bago ang pangalawa ay ang pagiging industrial designer.
Tumingin ako doon sa babaeng nakikinig lang ng tahimik habang hinihintay ang sasabihin ko. Malawak ang ngiti nito sa akin.
"Culinary arts, ayun po."Sambit ko doon sa babaeng nakangiti sa akin.
"Good choice, but you have other choices?"Tanong nito sa akin.
Nahihiya akong tumango."Ang pagiging Designer po."Nagbaba ako ng tingin ng masabi ko iyon.
"What to try Industrial arts?"Tanong nito sa akin ulit.
Wala naman sigurong mawawala kung sasabihin kong 'oo' hindi ba?
"S-sige p-po."
"Why don't you let her for what she chose?"
Sabay kaming napatingin kay Zed ng magsalita iyon ng seryoso at malamig.
"Sir Madrid, she can choose for what she wants yes, Industrial arts is so many options. She can learn design and how to cook, business, and more."
Parang natahimik si Zed dahil sa sinabi ni Miss Lavazter. Kung hindi ko lang nalaman na pinsanin nito si Zed ay baka inisip kong pwede ang dalawang ito na magkasundo.
"Okay fine."
Matunog na ngumisi ang babae bago tumayo at nagpaalaman, hinatid ko ito palabas ng bahay at nagpasalamat.
"My cousin is too kind. Don't abuse his kindness Ms, Malana."
Ayun lang ang sinabi nito bago sumakay sa sariling sasakyan nito. Masyadong seryoso ang pagkakasabi ni Miss Lavazter ang mga salitang iyon. Sinabi na sa'kin ng nanay ko iyon noon.
Pero handa akong palitan kung ano man ang hilingin nito. Siguro ayun nalang yung pambawi ko kahit papaano.
Babalik na sana ako sa loob ngunit humarang sa akin si Annabelle.
"Hindi mo s'ya makukuha sa ganyan dahil kilala ko kung anong tipo ni Zed sa mga babae. At hindi ka exception doon."
Iniwan ako nito sa sala, exception? Ano yun? Ibig sabihin hindi rin ito exception?
Hindi ko nalang isina-isip ang sinabi nito. Nagtungo nalang ako kung nasaan nandodoon si Zed na ngayon ay may kausap sa cellphone habang ang mga matang malamig ay nasa iisang diresyon.
"Why would I be there? Why she can't call her boyfriend? Look I'm not her Boyfriend to be with."Malamig na sambi nito sa kabilang linya.
Nasa isip ko narin na kapag nakasweldo ako ngayong linggo ay baka siguro bumili ako ng isang cellphone na mumurahin lang.
Nakita ko si Annabelle na nakangisi sa akin, hindi ko alam kung bakit ganito ito sa akin ngunit hindi ko nalang pinapansin.
Sa mag-iisang buwan ko dito ay hindi ko alam kung kaibigan ba ito o ano. Hindi ko gusto ang ugali nito, Oo pero pinagsasawalang bahala ko nalang dahil mukhang mabait din naman ito.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...