"Pahina na ng pahina ang puso n'ya, I'm sorry to say this."
Ayun ang sinabi kanina ng doctor. Nahinatay kanina si Zero dahil sa sakit na nararamdaman nito. Hindi alam ni Asher na dumadaing na pala si Zero sa sakit dahil hindi naman daw kita sa dito na dumadaing ito.
Pinalis ko ang luha sa aking mata gamit ang aking palad. Nakatingin lang ako kay Zero na hinang hina ngayon at putlang putla.
"M-mama m-magiging o-okay naman diba si k-kuya?"Humihikbing tanong sa akin ni Zeiven.
Mahigpit kong yinakap ang aking anak. Umiling ako dito na mas lalong ikinahagulgol nito ng malakas.
Hinawakan ko ang kamay ni Zero at humihikbing tumingin dito. Naramdaman kong gumalaw iyon at marahan itong nagmulat ng mata ng dahan dahan.
"M-mama..."Malat na sambit nito bago umukit ang ngiti sa labi.
Mas lalong sumisikip ang dibdib ko dahil sa ginagawa nito.
"B-baby, sabihin mo kay M-mama ang m-masakit..."Nagumpisa na namang tumulo ang aking luha."D-don't lie to M-mama please."
"M-mama...M-masakit n-na yung p-puso ko."Pagsasabi nito ng totoo.
Pumikit ako ng mariin. Humikbi ako.
"P-pero mama k-kaya ko pa n-naman po..."
"Lagi mong sinasabi na kaya mo! P-pero b-bakit nandidito ka ngayon?!"Malakas na sigaw ni Zeiven sa kapatid nito habang humihikbi.
"H-hindi mo k-kaya! S-sabihin mo! You don't want to see our mother crying tama?! Then why are you here! Weak and paleness?!"
Lumunok ako bago ko sinaway si Zeiven na umiiyak at humihikbi.
"G-gusto mong m-makita yung Papa n-natin diba? Kung sasabihin kong nandidito s'ya magpapakalakas ka ba?"Mas mahinahong tanong ni Zeiven sa kapitid nito.
Napapikit pikit si Zero at agad na iginala ang paningin. Nakita ko kung kanino tumigil ang tingin nito. Sa taong nakatayo habang umiiyak din.
Kita ko ang sakit sa mga mata nito. Nung makita nitong nakatingin si Zero dito ay umiwas ito ng tingin at agad na inalis ang mga luha sa pisngi. Dinilaan nito ang labi bago kinagat iyon at tumingin ulit kay Zero.
"M-mama?"Hindi makapaniwalang tawag nito sa akin.
Tumango ako dito."Y-yes baby. I commend your wish."Mapait ang ngiting sambit ko dito.
"H-hey..."
Umiwas ako ng tingin, kinuha ko si Zeiven ngunit ayaw nitong umalis sa kung nasaan ang kapatid.
"P-papa?"Hindi makapaniwalang sambit nito sa Ama nito.
Umiwas ako ng tingin at pinunasan ang luhang pumatak sa aking pisngi.
"K-kuya! Papa's here!"Maganang usal nito sa kapatid na blangko ang expression na nakatingin sa Ama nito.
Ibang iba ang reaksyon nito kaysa sa kapatid nitong tuwang-tuwa na nakita ang Ama ngunit si Zeiven ay tila hindi nasisiyahan doon.
"I don't want to leave my brother M-mama, I don't trust this m-man."Malamig na usal nito bagamat nakikita ko ang lungkot sa mga mata nito.
Kita ko kung paano ito titinagan ni Alkez. Umiwas ito ng tingin bago mahinang tumawa ng walang buhay. Tumingin ito sa akin na may pangungusap na mga mata.
Ibinaba ko ang aking tingin kay Zeiven na ngayon ay hawak hawak na ang kamay ni Zero.
"I-i'm s-sorry..."Ayun palang ang nasasabi ni Alkez dahil tumungo ito at sa balikat ni Zero umiyak nang umiyak ng mahina.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...