Dumating ang oras na malapit na akong matapos sa lahat ng pinapagawa ni Alkez na lagi nitong dinadagdagan at minsan ay may inuutos pa sa akin.
Kuya dito at punta doon. Kulang nalang ay hanapin ko ang daan patungo sa Narnia dito sa kumpanyang ito.
Humikab ako at tumingin sa orasan sa aking cellphone. Seven thirty na, late na late na ako pauwi sa bahay. Alam kong naghihintay sa akin ang mga anak ko ngayon ngunit hindi ako maka-uwi dahil sa dami ng inuutos ng Ama ng dalawa.
Tumingin ako sa pintuan ng may lumabas doon na isang kaibigan ni Alkez. Hindi ako pamilyar sa asang ito. Tumingin ito sa akin.
"Your boss is calling you."Sambit nito bago pumasok ulit sa loob.
Anong oras na pero nandidito parin ang mga kaibigan nito na mas nadagdagan pa ng ilan.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo na naman. Ilang beses na akong patayo tayo at uupo na naman dahil sa utos nito.
Kumatok ako ng ilang beses bago ko binuksan ang pintuan nito. Dahil siguro sanay ng pabalik balik ako dito ay hindi na tumitingin sa akin ang mga kaibigan nito.
Tumingin ako kay Alkez. Ang mukha nito ay nasa balikat ni Skyriz habang kumakagat doon.
"What do you need Sir?"Walang ganang tanong ko dito.
Tumingin ito sa akin. Bakit ba kada tingin nito ay ako ang nasasaktan para sa kambal? Kada tingin at ginagawa nito ay masakit sa akin, Oo. Pero alam kong kapag malalaman ng dalawa ito ay mas lalo silang masasaktan.
"They need anything."Tumingin ito sa mga kaibigan."Buy what they want to drink."Malamig na sambit nito sa akin.
Huminga ako bago ako tumingin sa mga kaibigan nito na ngayon ay nakatingin sa amin na tila may palabas.
"I don't drink Alcohol, just buy me Coffee to the Starbucks. Vanilla coffee."Unang sambi nung lalaking singkit na may kulay abong buhok.
Ang sumunod na nagsalita ay ang katabi nito.
"Buy me in can beer."
"Me too."
"Me five."
Lahat ay tumawa dahil sa sinabi nung lalaking may hikaw sa labi. Hindi ko alam kung barumbado ba ito dahil hindi naman kita dito ang pagkabarumbado.
"One family size pizza, the vegetarian one."
Hanggang sa masabi ng mga ito ang gustong bilihin. Tumingin ako sa dalawa na tahimik na naglalampungan sa sofa.
"Sa inyo Sir, Ma'am?"Malamig na tanong ko sa dalawa.
Si Skyriz ang tumingin sa akin na may ngiti sa labi. Napaka ganda talaga ng babaeng ito.
"Just one latte coffee in Starbucks too."Pagkasabi nito niyon ay tumingin naman ako kay Alkez na pinaglalaruan na ang strap na nasa balikat ni Skyriz.
Tumingin ito sa akin ng seryoso. Ang tingin nito ay tila tinitignan ang mga emosyon sa aking mga mata.
"Buy me one packs of cigarettes. The color black that's mint flavor."Walang ganang sambit nito sa akin ng hindi nito nakitaan ang mga mata ko ng kung anong gusto nitong makita.
Why would I gave him any emotion of mine? No. Hinding hindi nito makikita na nasasaktan ako.
Tumango ako dito. Inilahad ko ang palad ko sa harapan nito. Aalis na sana ako dito ngunit may tinapon ito sa aking harapan.
Isang black atm card.
"Use that, nakakahiya naman na bumalik ka pa at sabihan ng shoplifter. Baka wala kang pera."
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...