Hinawakan ko ang aking kamay dahil sa panginginig at excitement dahil sa wakas ay makikita ko na ang mga kapatid at tatay ko ngayong araw.Hindi ako pumayag na ihatid ako ng isa sa mga sasakyan ni Alkez kahit na sinabi nito. Hindi ito pumayag sa akin pero nung makulit ko ito ay wala na itong nagawa kung hindi ang tahimik na sumang-ayon.
Sinabi naman sa akin ni Nanay Brenda ang kailangang sasakyan pauwi dahil ito ang unang beses na bibiyahe ako ng matagal at malayo.
Sa Laguna ang probinsya ko kaya malayo iyon sa tagaytay. Nasa dulo kami ng laguna.
Ilang oras bago ako makarating sa pinaka bukana ng aming baryo. Bumaba ako sa tricycle. Kumuha ako ng singkwenta pesos para ibigay kay Manong driver. Ibinalik nito sa'kin ang sukli ko, hindi ko gusto ang tingin sa akin ni Kuya kaya mabilis akong naglakad patungo sa kung saan ang bahay namin malayo layo pa ang lalakarin ko.
Pero kapag na aalala ko ang masayang ngiti na sasalubong sa akin ay nawawala iyon.
Hindi ko pinapansin ang mga kalalakihan na nakatingin sa akin. Nagtataka ang mga mukha nito na halata naman dahil sa kunot ang noo.
Nahihiya tuloy akong tumungo. Tinignan ko ang paaralan na tahimik.
Naalala kong dumaan muna sa kapatid ni Nanay Brenda dahil may ipinabibigay din ito na isang sobre na pinasabay sa akin.
"Tao po."Hindi kalakasan na tawag ko ng makarating ako sa tindahan kung saan may nag-alok sa akin ng trabaho.
Walang sumagot o lumabas man lang.
"Tao po!"Hindi kalakasan na sigaw ko at ilang sandali lang ay nakita ko ang babaeng nag-alok sa akin ng trabaho noon.
Taka itong tumingin sa akin."Anong kailangan mo Ija?"Tanong nito sa akin. Naguguluhan.
Ngumiti ako kay sa babaeng kapatid ni Nanay Brenda, kinuha ko ang sobre sa bag na hindi kaliitan na pinahiram sa akin ni Nanay Brenda kanina para man lang daw ay may paglagyan ang aking bibitbitin. Nakatulong iyon sa akin dahil bumili rin naman ako ng mga damit para kila Madeo, Sparios at Pilofie na alam kong magugustuhan ng mga ito.
"May pina a-abot po si Nanay Brenda."Inabot ko sa babaeng kauspa ko ang puting sobre.
Bahagya pang na guluhan si Ate ngunit tinggap din sa huli ang inabot ko. Meron pa akong kinuha na isang hindi kalakihan na paper bag.
"Eto po, para daw po sa pamangkin niya."Nakangiti kong ini-abot ang paper bag na kinuha din nito.
Titig na titig lang sa akin ang babaeng kaharap ko na para bang may inaalala ito kung saan nito ako nakita.
"Ah! Sinasabi na nga ba! Ikaw yung batang iyon!"Masayang usal nito sa akin bago nagpasalamat.
Magpapaalam na sana ako upang umalis na dahil alam kong hinihintay ako ng mga kapatid ko ngunit pinigilan ako nito.
"Sandali lang Ija. May ibibigay nga pala ako sayo."Sambit nito sa akin bago nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay nito.
Ako naman ngayon ang nagtaka dahil sa sinabi nito. Nagtataka ako kung ano yung ibibigay sa akin ni Ate.
Bumalik si Ate na may dalang isang brown envelope na maliit. Tumingin ito sa akin at kinuha ang palad ko ng makalapit ito sa aking gawi.
"Hindi ko ginastos ang pera na 'yan, wala kang makikitang bawas o kaltas d'yan. Matagal na sa akin ang pera na 'yan dahil hindi ko makita ang mga kapatid mo simula nung araw na 'yon. Kaya hindi ko naibigay iyan. At ngayon ay sayo ko na maibibigay 'yan dahil nandidito kana."Mahabang paliwanag nito sa akin.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomansaAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...