HPM 2

4.6K 106 5
                                    


"Kumain na kayo at magpahinga,"inihanda ko ang mga pingan, kaldero at pinchel sa lamesang mauling narin na kahit anong linis ay hindi na magiging maputi kaya pinapatingan ko nalang ng tarapal o karton.

"Ate, diba pagod ka din?"

Tumingin ako sa kapatid kona tinutulungan ako sa pag-hahanda ng pagkain.

"Ayos lang ako,"Sambit ko dito, kinuha ko ang isang mangkok at nilagyan iyon ng ulam na inalamangang sardinas."oh, pakilagay sa lamesa."Inabot ko ang mangkok kay Madeo na agad naman nitong kinuha.

"Bukas ay magsusubok ako b.f humanap ng trabaho dahil kulang na kulang ang sinusuweldo ko,"Kumuha ako ng ulam at inilagay iyon sa aking kanin.

Tumingin ako kay Tatay sinusubuan ni Madeo ng pagkain.

"Pero ate diba na libot mo na yung lugar dito sa atin?"

Totoo iyon pero baka naman meron na ulit na mga tindahan upang magbantay diba? Baka naman meron na ngayon kaya gusto ko ulit subukan.

"Baka meron nang mga tindahan sa palengke na pwedeng makuhanan na trabaho."Hanggang sa matapos kaming kumain, ngayon ay inaayos ko ang paghihigaan namin na lapag na tanging banig lang ang sapin.

Pinalis ko ang mga dumi bago ko iyon nilatagan ng banig at kumot na tagpis tagpis.

Kinuha ko ang mga bagong punda at inilagay iyon sa unan na walang balot na punda, hindi kasi ako nakapag laba nung nakaraang araw kaya ngayon ko lang ito mailalagay dahil kanina lang ako naglaba nung magising ako ng maaga kaya agad ko itong nilabahan bago ako magpunta sa ulingan.

"Matulog na kayo,"kinuha ko ang karton upang gawin iyon na pamaypay sa mga kapatid ko, ang grapang nagsisilbing ilaw namin ngayon ay nanghihina na.

Tumingin ako sa mga kapatid kong nagkukulitan pa bago ito dalawin ng antok pero si Madeo ay hindi parin natutulog.

Nakatingin lang ito sa bubong namin na marami butas sa iyero. 

"Ate, alam mo ba kapag yumaman ako, ang una kong gagawin ay magta-trabaho ako para bigyan kayo ng magandang buhay."

Mapait akong ngumiti sa sinabi ng kapatid ko, sinabi ko narin ang mga salitang yon sa pamilyang ito noon pero heto ako, mukhang mas mahirap pa kami sa daga.

"Pag-aaralin ko kayo sa abot ng makakaya ko."Pinatulog kona ito dahil maaga pa itong kikilos mamaya dahil pang-umaga ang pasok nito sa high school.

Konting oras pa ay nakatulog narin ako dahil sa pagod na nararamdaman, sa mga pinaggagawa ko kanina ay mabilis talaga akong mapapagod, magbuhat ng isang sakong uling na nasa biladan pa ng init, pinapapasok lang kami sa kamalig kapag hapon na.

Kinaumagahan ay na gising ako nang maaga, nagising ako na madilim pa at sisinag palang ang bukang liwayway.

Tumayo ako at inumpisahan ng magluto sa kahoy ng binalot ni Madeo dahil wala naman itong sapat na baon dahil sampung piso lang ang maibibigay ko dito.

Hinugasan ko ang bigas sa kaldero gamit ang tubig na nagmula pa sa paso sa kabilang baryo dahil doon lang kami pinapayagan na kumuha ng tubig.

Malayo ang bahay namin at wala rin kaming kapitbahay dahil ang tingin nila sa amin ay mga salot sa lipunan.

Pinagkasya ko nalang ang tubig na paubos na sa timbang nababalutan na ng maninipis na lumot na kulay berde.

Habang hinihintay na kumulo ang sinaing ay humihigop ako ng mainit na tubig na hinaluan ng panda sa pagpapakulo.

Ayun lang ang kaya namin, kaysa sa bumili ng kape at asukal ay hindi ko na ginagawa dahil sayang din ang pera.

Kaya heto nalang ang ginagawa ko since marami namang pandan na nakatanim sa maliin na likuran namin na kusa nalang tumubo.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon