"How much."Ayun agad ang sinabi nito ng makarating ako sa opisina nito. Ang mga kaibigan nito ay tahimik na nakamasid ngunit may mga kislap ng ngiti sa labi.
Malamig akong tumingin kay Alkez. Inilagay ko ang mga binili ko sa lamesang nasa harapan ng mga ito.
Nang mailagay ko ang mga inorder ng mag ito sa lamesa ay kinuha ko ang card nito sa aking bulsa bago inihagis sa harapan nito.
"Next time kung magsasabi ka na gusto mo pala ang libreng pagkain. Sabihin mo lang ililibre kita."Kanina pa ako inis sa lalaking ito pero dinagdagan pa nito.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito, humarap ako sa mga kaibigan nito at talim na tinignan ang mga ito. Lumbas ako sa opisina nito. Kinuha ko ang mga gamit ko kung saan ang lamesa ko bago ako nagnartsa papaalis.
Wala akong mapapala dito. Hindi din maganda ang pakiramdam ko kaya gugustuhin ko nalang umuwi at makapiling ang mga anak ko.
Hindi ko napansin ang sarili ko na nasa lobby na pala ako. Mabilis akong nag check out sa kumpanya. Lumabas ako ng hindi pinapansin ang guard na nakangiti sa akin.
Hinintay kong may dumaan na tricycle o jeep man lang pero walang dumaan. Ilang oras na akong naghihitay ay wala parin.
Hanggang sa makita kong lumabas na rin ng kumpanya sila Alkez at ang iba pa nitong kaibigan na nagtatawanan. Lahat ng mga babaeng nakakasalubong ng mga ito ay hindi maalis ang tingin sa kanila.
Mayayaman nga mga mayayabang naman.
Nakita ko sa peripheral vision ko na patungo ang mga ito kung saan ang gawi ko.
Tahimik lang akong nakatayo at naghihintay sa sasakyan o kahit taxi ay wala parin talagang dumadaan.
"Here, bayad sa binili mo."
Tumingin ako kay Alkez at sa hawak nitong pera na alam kong sobra sobra pa sa nagastos ko.
"I just realized na you need money."
Hahawakan na sana nito ang aking kamay para ilagay sa akin palad ang pera ngunit may mabilis na kumuha sa aking kamay dahilan para sabay kaming mapalingon doon.
"You need to go home, hindi na maganda ang lagay ni Zero kakahintay sayo. Umiiyak na si Zero."
Dahil sa sinabi ni Asher ay hindi ko na pinansin si Alkez. Nagmamadali akong sumama kay Asher kung nasaan ang sasakyan nito.
"Anong nangyari kay Zero?"Nagaalalang tanong ko.
Tumingin sa akin si Asher na may pag-aalala rin.
"I bring him to the hospital. Dumadaing at umiiyak ng umiiyak."
"A-anong nangyari?"
Hindi sumagot sa akin si Asher. Pumikit ako ng mariin. Mas lalo akong hindi mapakali dahil sa pananahimik ni Asher.
Dinaanan ng kaba at pag-aalala ang aking dibdib dahil kay Zero. Nanginginig narin ang aking mga kamay dahil sa kaba at takot.
Mabilis ang pagpapatakbo ni Asher sa sasakyan nito hanggang sa hindi ko alam na nasa hospital na pala kami kung saan dinala ni Asher si Zero.
Mabilis kaming lumabas ng sasakyan at mabilis na pumasok sa hospital. Kusang nagtuluan ang aking mga luha ng makita ko ang kalagayan ni Zero.
"Ayokong sabihin sayo, alam kong sasakit ang puso mo."
Marahan akong lumapit kay Zero na nakapikit at merong dextrose. At may mga nakakabit din sa braso nito.
"A-ayaw mong sabihin sakin?"Mahina akong napatawa ngunit masakit ang aking dibdib. Ang luha sa aking mga nata ay walang sawang umaagos."K-kahit hindi mo naman sabihin malalaman ko. I'm his mother."
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
Storie d'amoreAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...