"Bakit naman?"Tanong ko dito.
Hinawakan ko ang braso nito upang i-upo ito sa sofang mahaba. Pumayag naman ito ngunit ang braso nito ay agad na hinawakan ang aking beywang na at parang may kinakapa doon.
"What kind of Dress do you choose? Is it realeving?"Balik na tanong nito sa akin na para bang sa pamamagitan ng kamay nito ay malalaman nito doon.
"H-hindi? Hindi ko sinuot yung pinili kong Dress galing sa boutique na 'yon,"Alam kong magtatanong ito kung bakit hindi ko sinuot iyon.
"Why?"Kunoot noong tanong nito, ang kamay nitong nasa aking likod ngayon ay nasa aking balikat na habang tinataas ang dapat hindi naman itaas na strap doon."Bakit ba nakababa itong strap na 'to? Is this a design?"Tila inis tanong nito bahang tinataas ang strap doon.
"Off shoulder kasi 'yan, kaya hindi mo kailangan itaas 'yan."Umirap ako dito bago kinuha ang kamay nito na nasa aking balikat at ibinaba.
"I feel like that's one of a hellish dress for me."Mahinang usal nito.
"Bakit tayo nandidito?"Kanina ko pa ito gustong itanong at ngayo lang ako nagkaroon ng lakas.
Hindi ko talaga alam kung bakit nandidito kami at kung anong gagawin namin dito.
Naramdaman kong nag-init ang aking pisngi dahil sa nasa isip kong iyon. Bakit ba hindi na maalis ang bagay na 'yon sa aking isip?! Dahil sa lalaking ito parang humalay na ako ng bahagya! Simple lang naman yung nasa isip ko dapat na 'yon e! Bakit binibigyan ko ng malisya?!
"I'm tired of faking my smile for them."
Nagtataka akong tumingin dito. Nakapikit ang mga mata nito habang ang leeg ay nakasandal sa sofa.
"Kanina pa nag-umpisa ang event tapos ngayon ka lang dumating?"Tanong nito sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla ako nitong hilahin upang magkadikit ang aming mga katawan. Naamoy ko agad dito ang ibang amoy na matapang ngunit nahahalo iyon sa pabango nitong hindi masakit sa ilong.
"Akala ko mag-uumpisa palang?"Ayun talaga yung akala ko dahil sinabi rin kanina nila Nanay Brenda na mag-uumpisa palang.
"Kanina pa, I said to nana na 5 sharp ay umpisa na ang event."Sambit nito habang ang mukha ay bumaba sa aking leeg.
Hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng kiliti dahil sa ginagawa nito.
"It's already seven pm."Mababang sambit nito bago kinagat ang bahagi ng aking leeg dahilan para mapaiwas ako dito.
"Alam mo, halika na bumalik na tayo doon sa ibaba, o di kaya umuwi ka nalang."Tumayo ako bago hinawakan ang kamay nito upang maitayo din.
"That's a good Idea of yours. Let's go home."
"Sandali, bakit ako kasama?"Sambit ko dito. Alam kong ako ang nagsabi n'on pero bakit pati ako kasama?
"Because you are my personal maid?"Patanong na sambit nito sa akin.
Natigilan ako sandali.
Tama naman diba? Personal na katulong ako nito pero bakit naman meron sa akin ang masakit?
"S-sige."Kinagat ko ang labi ko. Ako na ang humila sa kamay nito. Bakit ba ang tanga ko para hindi maalala ang bagay na 'yon?
Nakapasok kami sa elevator hindi ko alam kung ano yung pipindutin ko doon kung yung lobby ba o basement.
"Saan? Lobby or basement?"Seryosong tanong ko dito.
"Basement."
Tumango ako at pinindot ko iyon. Kinakabahan ako pero parang wala ang sistema ko na matakot sa kung nasaan kami ngayon. Nakatungo lang ako habang hinihintay na bumukas ang pintuan ng elevator.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...