HPM 26

3.6K 62 6
                                    


"Bakit tayo pupunta sa condo mo?"Tanong ko dito, magkatabi kaming nasa likuran ng sasakyan nito.

Akala ko ay si Albert ang magiging driver pero hindi pala. Iba ang driver ngayon at ngayon lang din ito nakita sa isang buwan kong magta-trabaho sa kay Alkez.

"May kailangan akong kunin."

Hindi ako makatingin dito ng maayos dahil naaalala ko parin ang nangyari sa kuwartong iyon.

Mukhang hindi yata ako makakatulog ngayong gabi dahil sa tuwing mapapatingin ako sa sofang iyon ay mukhang maaalala ko iyon.

"Anong kukunin mo?"Tanong ko dito.

Ngayon ay bumaling na ako dito.

Nakita kong tumaas ang kilay nito. Na parang natanto yata nitong ang dami kong tanong.

"Papers, and documents."Huminga ito ng malalim bago pumikit ang mga mata.

Hindi na ako sumagot.

Naalala ko ang mga tingin sa akin ni Annabelle at Charlotte na parang gusto akong kainin ng buhay. Hindi ko alam kung anong nangyari kanina nung basta nalang akong umalis dahil sa ginawa sa akin. Mas gusto kong hindi nalang pansinin ang mga ito keysa sa magsalita pa ako.

Wala narin sana akong balak na ungkatin iyon pero yung mga tingin kanina sa akin ng dalawa.

"Ano nga palang ginawa mo kanina kila Annabelle at Charlotte?"Umiwas ako ng tingin. Hindi ko naman talaga gustong itanong iyon pero meron sa akin na hindi ako titigilan ng dalawang iyon.

"You don't need to know about what happened. Pinagsibihan ko lang sila."Madilim ang mukhang sambit nito.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang mukha nito. Alam kong ganito na ito pero iba ngayon.

"Gusto kong malaman kaya anong sinabi mo?"Pangungulit ko dito.

Inihilig nito ang ulo sa sandalan ng kinauupuan bago pumikit at hindi na ako pinansin.

Alam kong na talaga ito magsasalita kaya hindi nalang ako ulit nagtanong. Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Hindi maganda ang panahon ngayon. Ano mang oras ay uulan ng malakas.

Bigla kong naalala yung pinadala ko para mga kapatid ko. Hindi ko alam kung nakarating naba iyon sa mga ito o hindi pa. Kung natanggap man na nila 'yon ay siguro masaya na ang mga ito at masarap ang inuulam.

"Bakit ganun yung sweldo ko?"Taka akong tumingin dito."Bakit parang ang laki naman?"Hindi ko na napigilan ang magsalita na naman.

"Why? Is that a problem?"Sinabi nito iyon na para bang hindi iyon big deal dito.

"Binilang mo naman yun diba?"Paninigurado ko dito.

"Hindi."

"Sir, nandidito na po tayo."

Napatingin ako kay kuyang Driver ng magsalita ito. Hindi ako nakapag salita dahil umiksena ito. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang tumingin sa labas kung nasaan ang isang malaking building. Iba ang building na ito kaysa doon sa napuntahan namin noon sa kaibigan nito.

Bunuksan ko na ang pintuan upang lumabas bago ako nagtungo sa kung saan nakaupo si Alkez. Binuksan ko ang pintuan sa harap nito.

"Nandidito na tayo."Kahit na may bahid sa boses ko ang inis ay nagawa ko parin sabihin at hawakan ang braso nito upang tulungan itong dumaba.

"Hindi na problema sa akin kung magkano at ilan iyon."Wika nito sa akin habang naglalakad na kami patungo sa loob ng building."And besides you are my personal maid kaya..."

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon