Tulad ng nakita ko kanina sa balcony ay nandodoon parin ito, tila talaga hindi iniinda ang init doon.
Kapag nasa araw ito ay nakakasilaw ang puti ng isang ito, hindi yata nagbabago ang kulay nito.
Pumasok ako sa loob ng kuwarto nito bago sinarado ang pintuan.
Ako ang nasasayangan sa kuryente dahil sa ginagawa nitong lalaking ito. Nakabukas ang pintuan patungo sa balcony at ang aircon ay nakabukas din. Palibhasat hindi nagkukulang sa pera kaya okay lang dito.
Naglakad ako patungo dito at alam kong sa simula palang ay naramdaman na nito ang aking presensya.
Inilagay ko ang dalang mga manggang hinog na hiniwa-hiwa ko na sa baba, walang kahit anong sawsawan iyon dahil wala naman alamang at hindi naman pinalagyan ni Nanay Brenda ng asin.
"Tikman mo raw ang mangga sabi ni Nanay Brenda,"Sambit ko ng mailagay ang mangga sa pabilog na lamesa.
Hindi ito nagsalita.
"Subuan mo ako."
Mabilis kong nabitawan ang platito dahilan para gumawa iyon ng tunog at hindi makapaniwalang tumingin kay Zed na malamig ang mga mata.
"Ayoko nga. May kamay ka—"
"I'm your bos–—"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito. Kumuha ako ng isang hiniwang mangga bago pinasubo iyon ng deretso dito.
Alam kong gagamitin na naman nito ang 'Boss' kuno nito e. Ngunit ng marealize ko ang ginawa ko ay hindi ko alam kung titingin ba ako dito o aalis nalang...
Tama! Aalis nalang ako!
"A-alis n-na'ko—"
"Sit beside me."Utos nito.
Bakit ba ang hilig ng lalaking ito ang putulin lagi ako?
Wala na akong nagawa kung hindi ang umupo sa tabi nito. Hawak ang platito upang subuan ito kahit na labag sa loob ko ay ginawa ko parin.
"If you have questions about my past feel free to ask me. Sa'kin ka magtanong hindi kay Nana."
Napatigil ang kamay kong aangat na sana upang subuan ito. Bakit alam yata nito ang pinag-usapan namin ni Nanay?
Umiwas ako ng tingin at dumapo iyon sa magandang Village dito. Ang malalaking bahay at ang mga malalawak na lupain.
Hindi ako nagsalita sa sinabi nito, wala na huli na ako at nahihiya naman akong magtanong dito.
"I'm curious about yourself Alista Caine Malana."
Sa haba ng katahimikan ay ito ang unang nagsalita.
Hindi ko pinahalata ang aking pagkabigla dahil sa sinabi nito. Bakit ito magiging curious sa akin kung ganung wala naman akong matinong maipagmamayabang at maiku-kwento?
"Mahirap lang kami."Panimula ko, hindi naman ako nahihiya sa kung ano yung meron kami kaya ayus lang siguro na magkwento tama?
"Then?"
Tumingin ako dito, seryoso itong nakikinig at inaabangan ang aking sasabihin.
"Ako ang bumubuhay sa mga kapatid ko, kay Madeo, Sparios at Pilofie."Naalala ko na naman ang mga kapatid ko."Patay na ang M-mama ko,"Hindi ko napigilan ang pagkautal."Ang Tatay ko naman ay bulag, pipi, pilay at b-bingi..."Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa luhang gustong lumabas doon.
"H-hindi s-ya ganun noon, normal lang s'ya tao...pero ginawa s-s'yang ganun ng isa sa mga mayayaman na tiga sa aming baryo..."Umiwas ako ng tingin at dumapo iyon sa magandang hardin."N-naki usap si Tatay noon dahil sa lupa namin na inaangkin ng taong makapangyarihan sa lugar namin."Ganun naman talaga siguro yata siguro kapag mahirap ka lalo ka pang papahirapan.
Mukhang hindi ko yata kakayanin na magkwento dito ng buo dahil alam kong luha ang babagsak sa akin. Luha ang babagsak sa mga mata ko dahil sa galit at kamuhian sa pamilyang Montividad na nagpapahirap sa amin hanggang ngayon.
"Alam mo ba nung nakaraang biyernes ay kasama ang kapatid kong si Madeo na nasabitan ng medalya kasabay nung mga grumaduate,"Nakangiting usal ko.
Hindi naman masama ang pagbabago ng topic diba? Ayoko lang maalala ang kinakalimutan ko na.
Tila na gulat ito sa sinabi ko.
"Why you didn't tell to me?"
"Nahihiya akong sabihin sayo, kakasimula ko lang sa trabaho ko at ayokong masisante agad."Mahina akong tumawa kahit na may panghihinayang sa aking sarili na hindi naka-attend kay Madeo.
"Ayus lang sa akin na hindi na mag-aral basta makita ko lang silang masaya at worth it yung pagpapa-aral ko ay malaking bagay na sa'kin yun, achievements ba."Sobrang proud ko sa tatlong iyon.
Tumahimik ulit ito.
Ayokong ikwento lahat kaya okay na siguro ang ganung kwento na nangyari sa aking pamumuhay diba?
"You want to study again?"Tanong nito sa mahabang kwento ko kanina na parang ayun lang ang nakapukaw sa atensyon nito.
Tumango ako kahit hindi nito nakikita ang bawat reaksyon ko.
"Oo, pero sa ngayon ay masaya na akong kahit ang mga kapatid ko nalang ang makatap—"
"I can help you, leave it to me."Seryosong sambit nito.
Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwala, meron sa akin ang hindi gustong tanggapin ang alok nito pero ang sabi sa akin ni Tatay noon ay kapag ang opurtunidad na ang lumalapit ay sunggaban ko na daw agad. Pero eto? Napaka laking oportunidad sa akin nito!
"N-nahihiya a-ako...Magbebente na ako at baka a-ako nalang ang—"
"Why don't you try in ALS? They are accepting any age, and like what you said you are graduated in grade school? If you passed the ALS pwede kang maging collage nor senior high kung magand ang performance and scores mo."Puno ng pursigidong sambit nito.
"P-pero..."
"Many people want to study because they want to reach their dream."Sambit nito sa akin. Seryoso."And I know you have your own dreams and you want that to achieve."Malamig itong tumingin sa kung saan."You're just want to help your family first because all you have in mind is, that you are the only one expected of your family, but how about you? you have a dream for yourself and you know that. so do not refuse what I offer to you, just study and I'll take care of everything."
Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan umiyak at pamahikbi dahil sa sinabi nito.
Bakit?
"Why are you sobbing?"tanong nito.
"Bakit?"Tanong ko dito.
"Why? What? I just want to help you. I just want to help you to reach your dreams. That's why I'm willing to help you."
Mas lalo akong naiyak sa sinabi nito.
Nakita ko na ang pag-aalala sa mukha nito. Hindi ito mapakali.
"B-bakit wala akong na intindihan sa sinabi mo?"Hindi ko na naman napigilan ang mapaluha.
"W-what?"Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.
Malakas itong napamura dahil sa sinabi ko na mukhang ngayon lang nag-sink in sa utak nito.
"Alam mo naman na mahina ako sa English kaya bakit ka nag e-english."Paninisi ko dito, kulang nalang ay dumugo yung ilong ko sa sinabi nito.
Naintindihan ko ang sinabi nito, mahina man ako sa English ngunit hindi iyon ang dahilan upang hindi ko maunawaan ang sinabi nito.
Umiiyak ako dahil ito ang unang taong gusto akong tulungan upang makamit kong pangarap na makapag tapos, hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat dahil sa sinabi nito sa akin.
Hindi ko din alam kung bakit ako binigyan ng panginoon para bigyan ako ng isang magandang oportunidad na katulad nito.
Sobrang saya ko na naiiyak nalang ako.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...