HPM 21

3.4K 62 6
                                    

Nang makarating sa harapan ng pintuan nito ay tatlong beses akong kumatok upang malaman nito na may tao sa labas.

Dahil hindi naman rinig dito kung nagsalita ba ito ay binuksan ko na ang pintuan na hindi naman nito nilo-lock dahil may tiwala naman ito sa mga katulong.

Nang makapasok ako ay nakita ko itong sa kama nitong malaki habang nakikinig ng musika.

Alam na nito kung ano ang pipindutin kapag magpapatugtog ito sa sariling cellphone. Hindi ko nga alam kung paano nito iyon nakabisado bagamat alam kung hindi pa nito nakikita ang isang klase ng cellphone na nasa tabi nito.

"May kailangan ka raw?"Tanong ko dito.

Alam kong naramdaman narin naman nito ang presensya ko. Hindi ito nagsalita kaya lumapit ako dito at bahagyang tinapik tapik ang balikat.

Nung magmulat ito ng mata. Agad akong nakaramdam ng kaba kaya mabilis akong dumipa ng layo dito.

Para akong hinihingal kahit hindi naman ako tumakbo sa bilis ng tibok ng puso ko, parang gusto nitong makawala sa aking dibdib.

Nakita kong may kinuha ito sa ilalim ng unan nito na kulay puting sobre at hindi ko alam kung anong laman noon bago iniabot sa akin.

"Here is your salary for this month, I know you don't have any account kaya ito na ang ibinigay ko sayo."Seryosong sambit nito.

Kahit na mabilis ang aking tibok ng puso na para bang hinihingal ako kahit hindi naman ako tumatakbo. Alam kong naririnig nito ang aking tibok ng puso na gusto ng lumabas sa aking dibdib.

Ang kamay nito ay nakataas na parang iniaabot sa akin iyon, kinagat ko ang aking labi bago ko kunin iyon sa kamay nito.

"S-salamat..."Sambit ko dito. Kahit na tahiptahip na ang tibok ng aking dibdib.

Tumalikod na ako dito upang lumabas na sa kuwarto nito ngunit hindi ko nagawa iyon ng magsalita ito dahilan para tumigil ako sa pagtangkang lumabas at humarap ulit dito.

"I feel you Caine."Malamig na sambit nito sa akin na."Stop that."dagdag nito sa mas malalong malamig at puno ng kaseryosohan."I don't want to hurts your feelings, You're so very fragile,"Puno ng kahulugan na sambit nito.

Wala sa sariling tumungo ako, alam ko naman na ang pupuntahan nito. At alam ko rin na may namamagitan na ulit sa dalawang ito ni Skyriz.

Hindi ko maiwasan na isa isip kung gaano ka swerte ni Skyriz dito.

"Hanggat maaga pa tigilan mo, ayokong makasakit ng damdamin ng ibang tao."Seryosong sambit nito sa akin.

Nakatungo lang ako. Hindi ko kayang tumingin sa mata nitong malamig. Ang maganda nitong mga matang itim na itim ngunit malamig.

Ngunit nung hindi ko na nakayanan ay tumingin ako dito.

"Huwag kang mag-alala,"Sambit ko dito."Alam kong bago lang sa akin itong nararamdaman ko,"Tumingin ako dito ng seryoso."Kahit na bago ako dito sa nararamdaman ko, hinding hindi ko susubukan na pasukan ang pag-ibig na 'yan, hindi ko na kayang masaktan at mapagod dahil kotang kota na ako sa taong nasa paligid ko."Usal ko dito bago ako nagpaalam na lalabas na. Iniwan ko ito sa kuwarto nitong nakaupo.

I lied. Sinong niloloko ko? Pati sarili ko ay nagagawa ko ng lokohin. Hindi gustong pumasok sa pag-ibig? Ano itong ginagawa ko? Ano itong nararamdaman ko? Hindi paba ako pumasok doon?

Pinunasan ko ang aking luha na mainit na lumalandas sa aking pisngi. Nakatungo akong nagtungo sa salid at mabilis na nilock ang pinto. Bago ako naupo sa kama. Tinignan ko ang aking kamay kung saan nandodoon ang sobreng ibinigay nito. Makapal iyon.

Binuksan ko iyon at ganun nalang ang gulat ko dahil sa dami noon at puro kulay sky blue. Bakit parang sobra naman yata ito?

Pumikit ako ng mariin bago ako kumuha ng limang libo doon at mabilis na isinara ulit iyon. Hindi ko kayang tignan iyon kahit na pinaghirapan ko ang pera ay sobra parin 'yon.

Hindi ko alam kung dahil ba sa mayman ito kaya ganito ito mag pa-suweldo. Huminga ako ng malalum bago ako tumayo.

Nagtungo ako sa tukador kung nasaan ang mga lumang gamit ko. Tanging gamit lang iyon. Damit, panloob, at short na luma na.

Itinago ko ang sobreng kulay puti ang pera naman na limang libo ay inilagay ko sa tabi noon.

May maipapadala na ako sa mga kapatid ko at sobra sobra pa 'yon. Sa kaisipan na may maipapadala na ako ay hindi ko lubos na maisip kung bakit masaya ako na may halong sakit na nararamdaman.

Saya dahil may pagkain na ang mga kapatid ko at mabibili na ng mga ito ang mga gusto. Mapapagawa ko narin ang bahay o lilipat nalang kami at hahayaan na ang lupang maliit na tinitirahan namin sa probinsya.

Sakit dahil sa nangyari at sinabi sa akin kanina ni Alkez. Sakit na ngayon ko lang naramdaman. Alam kong kotang-kota na ako sa mga nangyayari sa aking buhay pero kapag personal na damdamin na pala yung nakataya ay mas lalong masakit.

Nang makabalik ako sa foam ay hindi ko agad inaasahan na makakatulog ako. Dahil na rin siguro sa nararamdaman ko, sa nararamdaman ng puso ko.

Nagising nalang ako kina umagahan. Maaga ang paggising ko na paglabas ko sa kuwarto ay tahimik pa ang mga bahay at wala pa akong naririnig na kahit anong kaluskos sa paligid.

Tulog pa ang mga tao.

Nakapag sipilyo na naman ako kaya nagtungo ako sa kusina upang uminom ng tubig.

Hindi ko naman kayang magluto dito dahil hindi naman ako sanay at hindi ko rin alam kung paano gamitin ang mga kasangkapan at ang de automatic na kalan dito. Pinipindot iyon sa parang salamin. Samantalang ang amin ay de kahoy lang ang gamit upang makapag luto ng pagkain.

Natapos ako sa pag-inom kaya nilapag kona ang baso ngunit hindi sinasadyang mapatingin ako sa mesang mahaba. Wala ng prutas doon na naka display.

Wala sa sariling ngumiti ako at kinuha ang basket na lagayan nung mga prutas. Kumuha ako doon at mabilis na nagtungo sa hardin.

Nalanghap ko agad ang halimuhak ng mga magagandang bulaklak ang bango noon. Ngumiti ako at pumitas ng isang magandang kulay puting rosas na bago parang bubuka ang mga petals. Tulog pa ang mga halaman dahil puro naka yuko at nakatikom pa.

Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang hamog sa timog. Bago palang rin sisiboy ang bukang liwayway sa silangang bagahi.

Nagtungo na ako sa puno ng mga mangga na hinog na. Na a-amoy ko pa kung gaano iyon kasarap na kainin. Hindi naman kataasan ang mangga at tama lang na akyatan.

Ngumiti ako, hindi ko gagamitin ang panungkit dahil aakyat ako. Namiss kona ang pag-akyat sa isang puno at ngayon ang pagkakataon.

Inilapag ko ang basket at nagsimula ng umakyat sa puno. Nang maka-akyat ako ay kita ko dito ang ganda ng tanawin.

Mag a-alas singko palang siguro kaya hindi pa sumisikat ang araw. Pumitas ako ng mangga at inilagay iyon sa aking damit.

Wala sa sariling tumingin ako sa balcony nito kung saan kita dito. Siguro ay tulog pa ang lalaking iyon.

Kukunin ko na sana ang isang sanga na puno ng mga mangga nang nakarinig ako ng isang boses dahilan upang magulat ako.

"You can't sleep kaya maaga kang na gising?"Tanong nito sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat na nararamdam. Parang ang sakit noon sa aking katawan na hindi ko alam kung baka sa susunod na gulatin ako ay bigla nalang akong mahimatay.

"Bakit ka nang gugulat!"Sigaw ko dito.

Mahina itong tumawa dahil sa isinigaw ko.

"Sorry for shocking you, that's not my intention."

"Sana naman diba in a formal way ka nag 'hi'! Hindi yung basta basta ka nalang susulpot! May lahi kabang hotdog!"Gulat talaga ako kaya hindi ko maiwasan sa sarili ko ang ganung mga sigaw.

Ngumuso ito dahil sa sinabi ko."Sorry, next time I will approach you in a formal way."

Hindi ko nalang ito pinansin, tumingin ulit ako sa manggang kumpol at pinitas ang tangkay noon.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon