HPM 12

3.7K 86 10
                                    

"Pansin ko Iste, nitong mga nakaraang araw parang ang tamlay mo?"tanong ni Albert sa akin.

Nasa hardin ako ngayon at nakaupo dahil natutulog si Zed sa kuwarto nito, hindi natuloy ang pupuntahan sana namin na sinasabi nitong party dahil nagkasakit daw ang nagimbita at pinamove ang araw kung kailan ng mga ito gaganapin ang kasiyahan na tinutukoy.

Buti pa sila at napapamove ang mga kasiyahan.

"Hindi kasi ako naka-attend sa kapatid ko, sinabitan kasi ng medalya kasabay ng mga grumaduate nung nakaraan."Proud ako sa kapatid ko pero bakit parang hindi iyon masaya na lumabas sa aking bibig?

Nagiisip na naman tuloy ako kung ano bang ginagawa ng mga ito ngayon. Gusto ko nalang umiyak bigla sa tuwing na aalala ko si Pilofie na umiiyak. Si Sparios na tahimik lang pero makimkimin sa edad na trese ay mas gusto nitong sabayan ang kapatid naming bunso sa pag-aaral.

Si Madeo na kinse ngunit nakikita na ang kalagayan namin sa buhay. Ang mga hindi dapat makita dito sa mundo ay nakikita na nito sa edad palang noon na siyam na taon.

Napatingin ako sa panyong inilahad sa akin ni Albert.

"Tumutulo na yung luha mo."

Tatanggihan ko na sana iyon ngunit mabilis nitong ipinunas sa aking pisngi ang panyong hawak nito.

"Ayokong may nakikita akong babae na umiiyak sa harapan ko,"Nakangiting usal nito sa akin.

"Maraming salamat."Kinuha ko ang panyo dito at ako na mismo ang nagpunas noon sa aking pisngi, gabi na at mukhang kaming dalawa nalang yata ang gising sa buong mansion na ito.

Tumingin si Albert sa malayo.

Napatingin din ako sa kalangitan dahil sa ginawa nito.

"Bakit hindi ka nagpaalam kay Sir na bibisitahin mo ang kapatid mo?"Tanong nito habang nasa malayo ang tingin.

"Hindi ko kaya kasi ilang araw palang naman akong magta-trabaho dito sa bahay na ito, takot akong magpaalam kay Sir."Wala sa sariling nakagat ko ang aking labi dahil sa lumabas sa aking bibig. Siguro kung naririnig nito ang pagtawag kong 'Sir' dito ay alam kong magagalit ito sa akin, kung hindi ay itatama na naman ako nito.

Tumingin ito sa akin."Bakit ka naman mahihiya? Mabait si Sir."Pagsasabi nito sa akin na may ngiti sa labi.

"Matagal kana bang magta-trabaho dito?"Tanong ko dito dahil mukha naman matagal na itong nandidito.

"Oo, ilang taon na din,"Umiwas ito ng tingin sa akin bago ibinalik ulit sa tinitignan. Ang kalangitan."Sir ang nagbigay sa akin at sa aking pamilya ng pang-araw araw na gastusin sa school ko, hindi man nakapag tapos ng collage at least nakatungtong ako ng collage, nahihiya na din kasi ako ngayon."

Bakas sa boses nito ang kagalakan at pasasalamat.

Nagtaka ako dahil ilang tao na ba ang natulungan ni Zed, hindi man ito nakakakita at malamig man itong makitungo ngunit marami na yat itong natutulungan.

"Nandidito ako para suklian ang mga naitulong niya sa akin pero hindi pumayag si Sir at binibigyan pa ako ng suweldo na sasapat sa amin ng pamilya ko."

Mahaba pa ang pinag-usapan namin hanggang sa nagpaalam na kami sa isa't isa na matutulog na dahil anong oras na din.

Ngayon ko lang din nalaman na wala na ang ama ni Albert at ang natitira nalang dito ay ang kapatid nitong babaeng may sakit ganun nadin ang nanay nito na malabo na ang mga mata.

Kinabukasan ay na gising ako sa isang kaluskos na hindi ko alam kung saan nanggagaling, pupungas pungas ang matang nagmulat ako at nakita ko ang isang bulto ng tao na nakaupo sa pangisahan na sofa.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon