"Ihulog mo yung mga mangga at sasaluhin ko,"Hinanda ni Albert ang kamay na parang sasaluhin ang mga manggang nasa damit ko.
Ganun nga ang ginawa ko, hinulog ko yung bagong pitas na manggang nasa tangkauy pa at kumpol.
"Ang sabi ko yung mga nasa damit mo! Hindi 'tong kumpol!"Sigaw nito dahil natamaan ang ilong nito ng isang mangga.
"Oh? Sige!"Dahil nasa ibaba ito at nakatapat sa akin. Ginawa ko ang sinabi nito. Hinulog ko lahat yung manggang nasa damit ko dahilan para magreklamo ito at magmura ng sunod sunod.
"Tangina! Ang sabi ko—"
"Wala kang sinabing isa-isahin ko!"Sigaw ko rin dito habang tumatawa.
"Commonsense kase!"
"Halaa! Wala ako nun! Condensada lang meron ako!"Mas lalo akong tumawa ng malakas dahil sa itsura nito.
Masama itong nakatingin sa akin ngunit sa huli ay naiiling nalang namay ngiti sa labi.
Natapos ako sa kakatawa na masakit ang tiyan bago ulit ako kumuna ng isang manggat at inispat ito bago ibinato.
Sapul!
"Ano ba! Masakit na!"Pagrereklamo nito.
Itinigil ko na ang ginagawa ko dahil sa mukhang hindi na ito natutuwa ngunit ang mukha nito ay may bakas na saya.
Hanggang sa matapos akong kumuha nang mangga dahil puno na yung basket. Bumaba ako ng puno bago tumingin kay Albert na namumula ang noo dahil sa tama ng mangga.
Agad ako nitong sinamaan ng tingin, biniguyan ko lang ito ng isang matamis na ngiti.
"You are too cute when you do that."Kinurot nito ang aking pisngi dahilan para ngumuso ako at umiwas dito.
Kung kanina ay bago palang sisikat ang bukangliwayway ngayon ay sumikat na iyon. Ang ganda noon at kay sarap damhin.
"Saan naman tayo susunod na mamimitas?"Tanong ni Albert sa akin.
Tinignan ko ang sunkist sa katabi ng mangga. Ang ganda rin noon dahil halos ang makikita mo nalang dito ay ang bungang hinog na at kulay orange na lahat.
Tumingin ako sa mga mangga na puno na, isang basket lang ang dala ko kaya hindi na magkakasya doon kung ilalagay ang sunkist.
"Tsaka na ulit."Sambit ko dito.
Kinuha ko ang basket dito, ako na sana ang magbubuhat nun ngunit hindi nito iyon binigay.
"Ako na."Seryosong sambit nito.
Hinayaan ko na.
Hanggang sa makapasok kami sa loob ng kabahayan ay nasa likod ko lang ito. Ramdam ko ang pagtitig nito sa akin ngunit hindi ko nalang iyon pinansin.
Nagtungo kami sa kusina. Agad naman nitong inilapag ang basket kaya kinuha ko iyon at agad na display sa lalagyan nito. Ang saging na bagong bili lang siguro ay maganda parin at tila walang kabawas bawas iyon kaya ako na ang bumawas tutal ay hindi nama ako mahilig kumain ng almusal dahil mabilis na mangasim ang aking sikmura.
Tapos ko nang ilagay ang mga mangga sa dapat lagyan nito kaya binalatan ko na ang saging na hawak.
Bumaling ako kay Albert na nakatingin lang sa akin ngunit ng makita akong nakatingin ay umiwas ang mga mata nito sa ibang direksyon.
"Ang aga mong kumain ng prutas."Sambit nito. Hindi makatingin sa akin.
"Maganda sa katawan ang prutas."Masiglang sambit ko dito.
Napansin ko rin sa sarili ko na umayos ang aking kalusugan, sumisikip na kasi ang mga t-shirt na sinusuot ko lalo na sa bandang dibdib.
Dahil siguro sa nagkakalaman na ako kahit paano?
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...